Chapter 21

34.2K 793 40
                                    

DUMAAN ang araw at hindi namamalayan ng mag-asawang Vincent at Cathlyn ay mag-iisang taon na pala ang kambal nila.

"Ready na po ba ang lahat?" Tanong ni Cathlyn sa mga katiwala nila. "Ready na po ang lahat, ate Cathlyn." Anang nakababata nilang katiwala.

"Okay. Sige po magpahinga na po muna ka'yo habang wala pa ang mga guest sa 1st birthday ng twins." Anitong nakangiti sa mga kasambahay nila. Agad naman tumalima ang mga ito.

Ang buong paligid kung saan gaganapin ang party ng first birthday ng kambal ay napapalibutan ito ng kulay white and blue balloons. Ang mga mesang nakahilera ay kulay white blue rin ang cover. Halatang pinaghandaan talaga ng mag-asawa ang first birthday ng kambal.

Pagsapit ng dapit hapon ay paunti-unti ng nagsisidatingan ang mga kaibigan nila. Ang birthday party ay tanging member ng tatlong clan ang imbitado sa okasyon.

Nang dumating si Zach kasama ang girlfriend na nitong si Jeanne ay agad nitong kinuha si baby Blake. Samantalang si Caleb ay si baby Flake naman ay binuhat.

Hindi nagtagal ng magsimula ang party. They sing happy birthday for the twins.

"Happy Birthday." Ani Aljhon sa kambal na nakangiti sa kambal sabay gulo nito sa buhok ni Blake at Flake. "Cathlyn, ito ang gift ko sa kambal." Anito sabay abot niya ng gift na nakabalot kay Cathlyn.

Ang lahat ng ninong ng kambal ay nag-abot ng regalo nila para sa dalawang bata. Nakaugalian na ng clan ang ganung senaryo.

LUMIPAS ang taon na nanatiling matatag ang pagsasama ng mag-asawang Vincent at Cathlyn. Dumaan man sila ng away mag-asawa ngunit agad din nila itong naayos.

"What the hell, huwag mo nga akong itulak bro." Halos pabulong na ani Flake sa twin brother niyang si Blake.

Bigla naman itong tumawa kaya agad itong binatukan ni Flake. "Kapag nalintikan tayo kay Mommy ay ikaw ang ituro ko sa kanya Blake, kaya inabutan tayo ng midnight sa labas." May tunong pagbabanta nito sa kapatid.

"Opsss. Partner in crime tayo dito bro, e." Anito sabay akbay niya kay Flake na naiiling.

Maingat na tinulak ng magkapatid ang pinto. Sinisigurado nilang hindi sila makakalikha ng ingay. Nang makapasok sila sa loob ay muli nilang isinara ang pinto ng dahan-dahan. Maingat ang kambal na naglakad patungo sa hagdan upang umakyat ng kanilang kwarto ng biglang bumukas ang ilaw. Kaya dahan-dahang napalingon ang kambal.

"M-mom!"

Halos panabay na sambit ng magkapatid ng makita nila ang nakapamaywang nilang ina.

"Saan kayo galing?"

Ma autoridad na tanong ni Cathlyn sa kambal. Napakamot naman ang mga ito ng ulo na tila nasukol na maamong mga tupa.

"I said, where have you been?" Muli nitong tanong sa mga anak.

"Mom, kasama namin ang barkada." Sagot ni Flake sabay siko nito kay Blake.

"Tama si Flake, Mom. And you know kasama si bunso kaya hangga't hindi siya umuuwi ay hindi rin kami umuwi." Ani Blake sa ina.

"Siguraduhin niyo lang na nagsasabi kayo ng totoo. Kundi mawawalan kayo ng sasakyan, ATM at credit card." Ani Cathlyn sa dalawang binata.

"Mom, it's true promise. Kahit tawagan mo pa si baby Princess." Sabat naman ni Flake.

"Oh! Siya, umakyat na kayo sa kwarto niyo. Ang tigas talaga ng ulo niyong magkapatid. Anak nga kayo ng isang Vincent Vergara." Naiiling nitong turan sa mga anak na nagkangitian.

Agad naman sinugud ng kambal si Cathlyn ng yakap sabay halik nila sa pisngi ng ina. "I love you Mom." Ani Flake sa ina.

"Yeah! We love you, Mom. Don't worry about us, we are grown up now." Saad naman ni Blake sa ina.

Vincent Met His Seductive Secretary(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon