MATAPOS ang maghapong trabaho ni Vincent sa opisina ay saka ito nagpasyang umuwi na. Gusto nitong makapagpahinga bago siya makikipagkita sa mga kaibigan niya. Dahil alam niyang bubuksain na naman siya ng mga ito mamaya kapag nagkita-kita sila. Ewan ba niya kung bakit lahat ng mga kaibigan niya ay puro bulaskador at alaskador. Mabuti na lang at hindi sila nagkakapikunan. Paglabas niya ng opisina ay nakita nito ang secretarya niyang nakasuot na ng coat at nakanda narin ito para umuwi.
"Oh! Hi Sir, pauwi na po kayo?" Ang nakangiting ani Cathlyn sa boss niya. Sa halip na magsalita ay isang tango lang ang sinagot nito sa dalaga.
Inimwestra ni Vincent ang kamay na nagsasabing maunang maglakad sa kanya si Cathlyn. Hindi naman alam ng dalaga kung makikinig ba siya dito o ano dahil nakaramdam siya ng pagkailang. Ngunit sa huli ay sumunod parin siya dito. Agad niyang inihakbang ang mga paa. At kung pwede lang niya takbuhin na ang loob ng lift ay ginawa na niya marating lang ito. Dahil ramdam niyang nakatingin sa likod niya ang boss.
Ang nakasunod namang si Vincent kay Cathlyn ay nangingiti ito sa isip. Dahil tila umiindayog ang bawat galaw ng katawan ng secretary niya.
Nang marating nila ang lift ay nagkasabay pa silang pumindot ng lift button, agad namang binawi ni Cathlyn ang kamay. Kaya si Vincent na ang pumindot nito hanggang sa bumukas ang pinto ng lift. Naunang pumasok si Cathlyn sa loob at sumunod naman si Vincent dito hanggang sa sumara ang pinto ng lift.
"Saan ka bababa?" Tanong nito kay Cathlyn.
"Sa basement." Tipid na sagot ni Cathlyn dito. Kaya agad na pinindot ni Vincent ang lift button pababa sa basement. Habang nasa loob sila ng lift ay wala silang imikan hanggang sa bumukas ang pinto ng lift at dali-daling lumabas si Cathlyn.
"Do you have a car?" Boses ni Vincent na nagpalingon sa dalaga. "Um. Yes, Sir." Ang nahihiya nitong sagot kay Vincent.
"Okay. By the way stop calling me, sir, if where not in my office." Anang binata ditong nakangiti.
"Okay, sir. Este----
----Vincent, call me Vincent," anito. Mataman naman siyang tiningnan ng dalaga sa mukha like seryoso ba ang boss niya. At mukhang nabasa ni Vincent ang tumatakbo sa isip niya. "Um. I just don't like that your calling me sir, it sound's formal. At hindi pa naman ako ganun katanda." Paliwanag nitong kinatango ng dalaga.
"O-okay, as you wish V-vincent," ani Cathlyn. "See you tomorrow." Nakangiti itong kumaway sa binata.
"Take care." Tumango lang ang dalaga bago tuluyang pumasok sa kotse niya. Tahimik namang natatawa si Vincent sa sarili bago ito pumasok sa kotse niya. "Anong nakakatawa Vincent?" Anito sa sarili sabay start niya ng sasakyan.
Hanggang marating ni Vincent ang bahay nila ay nakapaskel sa mukha niya ang ngiti na hindi niya maipaliwanag. "Oh! Hijo, kumusta ang first day mo sa opisina?" Tanong ng ina ni Vincent ng maabutan niya itong nakaupo sa kanilang sala.
"Ayus lang, Mom," sagot nito sa ina. "Where's Dad, Mom?" Maya ay tanong nito sa ina.
"Nasa opisina niya anak." Sagot ng ina nito. "Um. Okay Mom. Sige po akyat muna ako sa kwarto ko." Paalam nito sa ina sabay halik niya sa noo ng ina.
Nang marating ni Vincent ang silid ay agad bumagsak ang katawan niya sa kama. Agad nitong ipinikit ang mga mata. He need to rest for a while. Dahil mamaya sigurado siyang mapapalaban siya sa kabaliwan ng mga kaibigan niya.
AROUND 8:00 pm ng marating ni Vincent ang bar kung saan siya inaya ng mga kaibigan niyang makipagkita. Nasa labas pa lang siya ay rinig na niya ang saliw ng musikang nagmumula sa loob ng bar. Agad siyang pumasok sa loob at hinanap niya ang mga kaibigan. At ng makita niya ang mga ito ay agad siyang napailing.
BINABASA MO ANG
Vincent Met His Seductive Secretary(Completed)
RomansaVincent Vergara the badboy turn to be a priest and be come a sweet lover of her seductive secretary.