ABALA si Vincent sa kanyang opisina ng may kumatok sa pinto. "Tuloy, bukas yan." Sagot nito mula sa loob. Agad naman itong bumukas at pumasok ang madre na siyang kumatok ng pinto.
"Father Vincent, may naghahanap po sa inyo. Pinsan niyo daw po, Aljhon ang pangalan." Malumanay na imporma ng madre sa kanya.
"Sige, papasukin mo dito sister Anna." Utos nito sa madre na agad naman tumalima.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita na ni Vincent ang pagsulpot ng nakangiti niyang pinsan na si Aljhon. "Mukhang naligaw ka dito?" Nakangiti nitong aniya sa pinsan.
Napakamot naman ito ng ulo. "Kasi bro, I need your help." Diretsang ani Aljhon sa kanya.
"Okay. What is it? Basta wag lang makipagbasag ulo ang hihilingin mong tulong sa akin. Dahil hindi na ito ang dating Vincent na kilala mo." Makahulugan nitong anang sa pinsan.
"Don't worry because that's not what need. Gusto ko kasing pakasalan ang girlfriend ko. Hindi ko na mahihintay pa ang gusto nila Dad na oras ng kasal namin. " Seryoso nitong ani kay Vincent na napangiti sabay iling.
"Okay. At ako ang gusto mong magkasal sa inyo?" Tanong nito at mabilis naman tumango si Aljhon. "Sige, kailan mo gustong pakasalan ang girlfriend mo?" Tanong nito.
"Sa makalawa bro, sa family resort natin sa Palawan." Sagot ni Aljhon dito. Napailing naman si Vincent sa pinsan habang nangingiti. People change ika nga nila kung makakatagpo na nito ang katapat. "Fine. I will do it." Anito kay Aljhon na napangiti.
"Thank you bro." Pasalamat ni Aljhon sa kanya.
Hindi rin naman nagtagal si Aljhon sa opisina ni Vincent at agad rin itong umalis. Dahil may aasikasuhin pa umano para sa gagawin niyang surprise wedding for her girlfriend. Sinong mag-aakala na ang isa sa mga pinsan niyang siraulo din noon ay nagplaplano na ngayon lumagay sa tahimik na buhay.
DUMATING ang araw na sinabi ni Aljhon kay Vincent. Kaya nagpaalam muna ito sa simbahang pinaglilingkuran niya bago siya tumulak patungong Palawan. Hindi siya sumabay kina Aljhon at sa resort narin siya tutuloy.
"It's been long time when I came here. Ang laki na ng pinagbago ng resort." Ani Vincent habang nakatanaw siya sa karagatan mula sa kanyang kwarto.
Noon ay madalas rin siya sa resort na ito. Ilang beses na ba siya pumunta ditong may kasamang fling girlfriend. He just a teenaged boy that time. Pero ang dami na niyang kalukuhan na alam. Sa isiping iyon ay agad siyang napailing.
Kinabukasan ay maagang naghanda si Vincent. Matapus niyang mag-almusal ay agad siyang nagpahatid sa yatch na nakanda kung saan gaganapin ang secret wedding ng pinsan niyang si Aljhon.
Pagdating niya sa lugar ay nandoon na ang mga kaibigan ni Aljhon at maging ang binata. "Hey! Father Vincent, how are you?" Ani Edward, sabay kamay nito kay Vincent.
"I'm good Samañego." Sagot nito dito.
"Hey bro, nice to see you again." Ani Rainier sa kanya sabay nakipagkamay ito. Maging si Brent ay nakipagkamay rin ito kay Vincent. Ilang taon rin ba niyang hindi nakita ang mga siraulo na 'to mula ng pumasok siya sa monastery.
Agad naman lumapit si Mark sabay yakap nito sa kanya. "How are you bro?" Seryosong tanong ni Mark. "Mabuti naman, ikaw?" Balik tanong din nito.
"Ayus lang bro." Sagot nito kay Vincent. "Hey! Bro." Si Sean na kay lapad ng pagkakangisi. "Diba dapat nagmamano tayo kay father Vincent bilang paggalang," pilyo nitong aniya sa mga kaibigan. "Pero, hindi ko yun gagawin. Dahil ginagawa lang yun sa mga matatandang pari." Dagdag pa nitong kinailing naman ni Vincent.
BINABASA MO ANG
Vincent Met His Seductive Secretary(Completed)
RomanceVincent Vergara the badboy turn to be a priest and be come a sweet lover of her seductive secretary.