PAUWI na sina Vincent at Cathlyn galing sa mansyon nang lolo niya ng bigla niyang iliko ang sasakyan sa halip na ang daang patungo sa apartment ni Cathlyn ang tahakin niya. Kaya kunot noo ang dalagang binalingan niya ang binata.
"Vincent, saan tayo pupunta?" Anito sa binata at ito naman ay ngumiti lang nang may pagkapilyo. "Baby?" Anang dalaga sabay tingin niya dito nang may pagbabanta na kinangiti ni Vincent.
Makalipas ang ilang minutong pagmamaniho ni Vincent ay huminto ang kotse niya sa tapat nang isang two story house. Agad na bumaba ang binata at binuksan niya ang malaking gate. Nang mabuksan niya ang gate ay muli siyang bumalik sa loob ng sasakyan at ipinasok ito sa loob. Ang dalaga naman ay nakamata lang sa binata na naguguluhan kung ano ang pinaggagawa nito. Samantalang si Vincent ay lihim itong napapangiti dahil hindi maipinta ang mukha ni Cathlyn.
Nang tuloyang makapasok sa loob ang sasakyan ng binata ay agad niyang pinagbuksan ng pinto ang dalaga. At ng makalabas ito ay agad niyang binalikan ang malaking gate at isinara ito. ang dalagang puno parin ng katanungan ang mukha. Agad itong hinapit ni Vincent at inakay patungo sa malaking pinto ng bahay.
Hanggang sa makapasok sila sa loob ng malaking bahay ay naroon parin ang mga katanungan sa mata ng dalaga. Lagi niyang pinupukol ng masamang tingin ang binata kaya agad itong hinapit ni Vincent sa baywang paharap sa kanya.
"This house is mine, binili ko ito nang iwanan ko ang pagiging isang pari, dahil gusto ko sa panibagong mundong tatahakin ko ay dito ko bubuoin kasama ng babaing mamahalin ko at nang aming magiging mga anak." Ani Vincent dito. "At ang babaing dadalhin ko dito ang gusto kong maging reyna ng bahay na ito." Anito kay Cathlyn sabay hawak nito ng mukha ng dalaga.
"Vincent."
"Baby. I'm sorry kong hindi kita pormal na naligawan but here," sabay hawak nito ng kamay ni Cathlyn at dinala sa bandang dibdib niya. "Mula ng masilayan ko yang maamo mong mukha ay hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Noong una akala ko ay isang paghanga lang ang nararamdaman ko, ngunit nagkamali pala ako. Dahil tumitibok ito at ikaw ang sinisigaw. Walang minuto at walang oras na hindi ka hinahanap ng mga mata ko." Ani Vincent sa dalagang sa una pa lamang ay nainlove na ang kanyang puso . The woman who captured his heart from the first time. Kinikilig man ang dalaga ay hindi nagpahalata. Binawi niya ang kanyang kamay at tumalikod.
"You know Vincent hindi ako pariwarang babae so if you want to court me make it formal." Pormal na sagot niya dito.
"Iyun lang ba baby? Sure I can do everything for you. Mahal na mahal kita Cathlyn." Ani Vincent sabay yakap niya dito mula sa likod.
Hindi naman alam ni Cathlyn kung ano ang isasagot sa binata. Nandoon na iyung bibigay siya at sasagutin na pero sa ibang banda nang isipan niya ay huwag muna. Enjoy the moment that he'll court you daw.
Dahil gustong patunayan ni Vincent na mahal niya nga ito. Kaya agad niya itong inihatid pauwi sa apartment niya ang dalaga ng makabuo siya ng isang planu.
Pagkagaling niya sa apartment ni Cathlyn ay tumuloy siya sa isang mamahaling flowers shop at bumili nang mamahaling bulaklak. Matapos naman noon ay umuwi agad siya at hinatak ang pilyo niyang kapatid na si Oliver. Magpapatulong siya ng panghaharana sa babaing mahal niya.
"I can't believe it kuya isa kang dating pari at humaharap sa maraming tao ngunit ngayon ay ninirbiyos ka sa iisang babae?" Pigil tawang anang kapatid niya.
"Bro, naman huwag ka nang mang-asar pa. I need your help now." Ani Vincent.
"Sige na kuya lumakad na tayo baka maglupasay ka pa sa iyak dito but make sure na sasagotin ka. Ay! Sigurado na palang sasagutin ka nun dahil nauna na nga pala kayong magtukaan." Natatawa pa ring anang kapatid niyang kinakamot niya ng batok.
BINABASA MO ANG
Vincent Met His Seductive Secretary(Completed)
RomanceVincent Vergara the badboy turn to be a priest and be come a sweet lover of her seductive secretary.