ANG lahat ng kailangan sa kasal nila Vincent at Cathlyn ay handang handa na. Ang mga invitation ay naipadala na rin nila sa mga napiling ninong at ninang sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
"Baby, masaya ka ba?" Tanong ni Vincent kay Cathlyn.
"Masaya saan?" Takang tanong nito sa nobyo. "Na ako ang magiging future husband mo?" Ani Vincent.
"Oo, naman at excited narin akong makita ang magiging baby natin." Nakangiting ani Cathlyn sabay himas niya ng naumbok na niyang tiyan.
"Baby, patingin nga ng suot mong bracelet." Ani Vincent sabay hawak niya ng kamay ni Cathlyn. "Bakit?" May pagtatakang tanong ni Cathlyn.
"Pamilyar kasi ang suot mong bracelet baby." Saad nito sa nobya.
"Matagal na'to sa'kin, maliit pa ako. Hindi ko lang matandaan kung ilang taon ako noon ng may magbigay nito sa'kin. Naligaw kasi ako that time, kaya umiiyak ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero someone came and he save me. He is my superhero, hinatid niya ako kung saan kami naka check-in na hotel. At ito ay ibinigay niya sa'kin, ang sabi niya paglaki namin ay hahanapin niya ako. Pero hindi naman nangyari yun." Paliwanag ni Cathlyn kay Vincent. Napangiti naman ng lihim ang binata, sinong mag-aakala na muli silang pinagtagpo ni Cathlyn. Nagkita na pala sila nito noon, hindi lang nila alam.
***flash back***
"Vincent, ano na naman ang ginawa mong kalukohan ha!" Sita ni Anabelle sa anak nitong si Vincent.
Tahimik lang na nakikinig si Vincent sa kanyang ina habang si Oliver naman ay nagpipigil ng sariling huwag matawa. Alam kasi niyang siya ang may kasalanan ngunit inako ito ni Vincent.
Vincent is a good brother for him, kahit ano pang pagkakamali ang nagawa niya ay pinagtatakpan agad siya nito. Ganun kabuting kuya si Vincent kay Oliver since they are young.
"Alam mo Vincent, wala kana talagang ginawa kundi bigyan ako ng sakit ng ulo. Ang tigas ng ulo mo." Ang naiiling na turan ni Anabelle sa anak.
"Mom---
"Shut up, Oliver." May tunong pagbabantang ani Vincent sa kapatid.
"Pero---
"I said shut up." Muli nitong banta sa kapatid. Kaya napakamot na lang ng batok si Oliver.
"Mommy, it was kuya Oliver fault not kuya Vincent." Anang bunso nilang kapatid. "What do you mean baby?" Ani Anabelle sa bunso niya.
"Mom, kuya Oliver kick that boy. Because he said, his going to marry me. And kuya Oliver said, you bastard don't tell that to my sister because she is still young. And then the boy laugh, that's why kuya Oliver got mad at him." Anang bunso nilang kapatid.
"It's that true Oliver?" Ani Anabelle kay Oliver. "Yes Mom." Sabay tango pa nito.
"Bakit mo pinagtatakpan ang kapatid mo Vincent?" Maya ay tanong nito kay Vincent.
"Kasi po, ayaw kong pagalitan niyo si Oliver. Baka po kasi magkasakit na naman siya." Sagot nito sa ina. Napailing naman si Anabelle.
"Kahit pa, hindi mo dapat pagtakpan ang kapatid mo. Paano siya matuto kung lagi mong aakuhin ang kasalanan niya." Saad ng kanilang ina.
"Saka niyo na po Mom pagalitan kung hindi na siya sakitin. Kung kaya na po niya ang sarili niya." Ani Vincent sa ina. Bigla naman napangiti ang ginang sa tinuran ng anak.
"Hali nga kayo dito." At agad naman yumakap ang magkakapatid sa kanilang ina.
"Mom, lalabas lang po ako ha. Maglalakad lakad lang po ako sa labas ng resthouse." Paalam nito sa ina.
BINABASA MO ANG
Vincent Met His Seductive Secretary(Completed)
RomansaVincent Vergara the badboy turn to be a priest and be come a sweet lover of her seductive secretary.