LUMIPAS ang mga araw at naging maayos naman ang relasyon nila Vincent at Cathlyn. Habang abala si Cathlyn sa pag-check ng mga schedule ni Vincent at mga naka line-up nitong business meeting ay abala rin naman sa pag-aaral ng mga nakatambak na papeles sa mesa niya si Vincent. At habang iniisa-isa nito ang mga folder na nakapatong sa mesa niya ay may biglang nalaglag sa mga ito. Nang tingnan niya ito ay naglalaman ng information tungkol kay Cathlyn ang folder kaya agad niya itong binuklat.
"Birthday na pala ng baby ko." Ani Vincent sa isip. Dali-daling tinawagan ni Vincent ang pinagkakatiwalaan nilang tagapamahala ng one of Vergara's restaurant in town. Agad niya itong kinausap para sa surprise birthday niya sa nobya. Matapos niyang makausap ang tagapamahala ng restaurant nila ay nakangiti itong bumalik sa kanyang ginagawa.
2:00 PM oras ng pagdating ng mga korean at chinese client ng VERGARA's Int. kaya agad na hinanda ni Cathlyn ang lahat ng kailangan nila para sa meeting na gaganapin sa conference room ng Vergara's Int. Nang masiguro nitong handa na ang lahat ay siya naman ang pagpasok ng ninong niya sa conference room.
"Hija. Handa na ba ang lahat? Dahil nandiyan na ang mga investor." Anang ginoo kay Cathlyn.
"Opo."
Hindi nagtagal ay pumasok ang mga investor sa loob ng conference room. Inestima muna ito ni Cathlyn, ngunit biglang naasiwa ang dalaga sa klase ng tingin ng mga ito sa kanya. She's wearing an open dress na lampas tuhod lang ang haba. Kaya ipinagkatiwala na niya sa kanyang ninong ang pag-istema sa mga ito at agad siyang lumabas ng conference room.
HABANG abala muli sa ginagawa si Vincent ay bahagyang bumukas ang pinto ng opisina niya. Kaya bahagya siyang umangat ng tingin at doon ay bumungad sa kanya ang magandang mukha ng nobya na kailan man ay hindi niya pagsasawaan ng tingnan.
"Baby?" Tawag ni Vincent.
"Hey! Pumunta kana sa conference room. Dahil nandoon na ang mga investor." Sabay hakbang nito ng mga paa at lumapit kay Vincent.
Nakangiti namang humarap dito si Vincent. "Okay baby." Agad na tumayo si Vincent at sinalubong niya ito at hinapit sa baywang. Agad niya itong siniil ng halik na tinugon naman ni Cathlyn. "I love you baby." Ani Vincent sa punong tainga ng nobya.
"I love you too." Nakangiting tugon niya dito. "Sige na pumunta kana sa conference room at susunod na lang ako." Anito sa nobyo.
"Okay." At agad na inayos ni Cathlyn ang necktie ng binata at bahagya niyang pinusan ang labi ng nobyo na nakangiti dahil namantsahan ito ng konting lipstick.
Nang makatalikod si Vincent kay Cathlyn ay dali-dali itong pumasok sa private suit ng binata sa loob ng opisina nito. Naghanap agad siya ng damit ng nobyo na pwede niyang isuot. Nang makahap ito ng ligth blue long sleeve shirt ay agad niya itong isinuot. Matapos niyang maisuot ito ay tinupi niya ang damit hanggang bandang siko at itinali naman niya ang bandang tiyan nito. Nang masipat niyang maayos na ang sarili ay saka siya nagmadaling lumabas ng opisina ng nobyo at dali-daling sumunod kay Vincent.
Napakunot naman ang noo ni Vincent ng makita ang nobya na suot nito ang damit niya. Ngunit ng balingan niya ang mga investor nila ay agad niyang naunawaan kung bakit suot ng nobya ang kanyang damit. Bahagyang tumikim si Vincent upang maagaw ang antensyon ng mga ito upang ipagpatuloy ang meeting nila.
Naging maayos naman ang naging usapan ng mga ito. Kaya nakangiting nakipagkamay si Vincent sa mga ito.
"You have a great taste Mr. Vergara to find a good secretary." Ani Mr. Hyun kay Vincent na nakatingin sa gawi ni Cathlyn na puno ang mata nito ng pagnanasa.
"Thanks, but she is not my secretary she's my fiance." Anang binata na kinabigla ng kaharap. "My secretary is on leave, beacuse she is sick that's why my fiance act as my secretary today." Dagdag pa ng binata.
BINABASA MO ANG
Vincent Met His Seductive Secretary(Completed)
Любовные романыVincent Vergara the badboy turn to be a priest and be come a sweet lover of her seductive secretary.