GAYA ng napagkasunduan ng magkakaibigan, pagsapit ng gabi ay magkita-kita ang mga ito. Tatlong van ang dala nila patungo sa lugar kung saan dinala ng mga tauhan ni Noel si Cathlyn.
Makalipas lang ang halos isang oras ng marating nila ang lugar kung nasaan si Cathlyn. Inipark nila ang dala nilang van malapit sa hacienda ng mga Castillo upang hindi ito mapansin ng grupong kumidnap kay Cathlyn.
Bawat isa sa kanila ay tila mga grupo ng swat sa mga suot nila. "Mga bro, be careful. Dalawang grupo tayo, sa likod ang iba at sa harap ng bahay ang iba." Command ni Aljhon sa mga ito.
Ang grupo ay hindi na ito bago sa kanila, dati na nila itong naranasan noon ng kidnapin ni JM si Kate.
"Bro, akyatin mo ang punong yan ng makapasok tayo sa loob." Ani Xander kay Raven na napakamot ng ulo dahil lagi na lang siya ang nagiging unggoy sa kanilang lahat. Agad naman nila itong nahulaan ang iniisip kaya nagkatawanan sila.
"Come on bro, kaya mo yan." Sulsul naman ni Darren. "Bro, mabuti ng sanay ka mag under de bakod. Paano kung tumibok yan puso mo at tanging pag-akyat ng sa bintana ang paraan makita mo lang siya. Kaya mabuti ng sanay ka." Sigunda naman ni Quin dito.
Kaya iiling-iling ang binatang umakyat sa puno. Inalalayan pa ito ni Xander at Oliver upang mapabilis ang pagsampa niya.
"Ssshhhh! Tumahimik kayo, may paparating na sasakyan." Ani Caleb sa mga ito kaya bigla naman silang tumahimik at nakiramdam.
Pumasok sa loob ng gate ang sasakyan, walang kamalay-malay ang sakay nitong nakasunod si Darren sa likod ng sasakyan. Dahil sa dahan-dahan lang ang takbo ng range rover jeep ay madali lang nakasuot sa ilalim ng sasakya ang binata gamit ang skate board.
HABANG sa likod bahay naman ay maingat na pumasok ang grupo ng AMBERS kasama ang BEAST Clan.
"Aaaahhhh!"
Biglang napaigik ang isang lalaki ng pilipitin ni Brent ang leeg nito.
"Ugh!"
Nang makita naman ni Sean ang isang lalaki na nasa di kalayuan ay bigla niya itong pinukpok sa ulo gamit ang 45 kalibre nitong hawak na baril. "Good night." Anito bago ito tinalikuran.
"Bro, nasaan na yung dalawa?" Anang isang lalaki sa kasama nito.
"Nandito." Ani Gabriel kasabay nito ang tumama sa mukha ng dalawa ang hawak ni Gabriel at Marco na baril.
"Pwe! Mga gunggong, huwag na sana kayong magising." Ani Marco sabay sipa nito sa isa.
"Mga bro, pumasok na kayo. Ako na ang bahala diyan sa dalawa." Ani Rainier kay Aljhon at Vincent sabay kindat niya sa dalawa. Agad naman sumunod ang dalawa.
"Pwede bang sumali sa laro niyo?" Ani Rainier sa mga lalaking hindi kilala. Bigla naman napalingon ang dalawa na siyang sinamantala ng binata. Isang flying kick ang tumama sa isa at isang back kick naman sa isa. Saktong bubunot ng baril ang isa ng maunahan ito ni Nathaniel gamit ang silenser nitong baril.
"Thanks bro." Pasalamat ni Rainier dito at isang tango lang ang isinagot nito.
Gamit naman ang baril ni Darren ay tahimik na napabulagta ang dalawang security guard sa bungad ng main gate. Kaya madali lang nakapasok sa loob ng bahay ang mga kaibigan niya.
"Ugh." Napaigik naman ang isang lalaki ng tamaan ito ng baril ni Xander sa ulo. Bawat galaw nila ay puno ng pag-iingat dahil ayaw nilang makalikha ng ingay.
SAMANTALA sa isang silid dinala ng mga lalaking hindi kilala ni Cathlyn. Matapos itong makapasok sa loob ay agad din nila itong inilock ang pinto. Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pinto. At hindi na nagulat si Cathlyn ng bumungad sa kanya doon si Noel at Channa. Taas kilay lang niya itong binalingan ng tingin.
BINABASA MO ANG
Vincent Met His Seductive Secretary(Completed)
RomanceVincent Vergara the badboy turn to be a priest and be come a sweet lover of her seductive secretary.