LUMIPAS ang araw at dahil narin sa pambubuyo sa kanya ng mga kaibigan niya ay nagpasya narin huminto sa pagkapari si Vincent. Hihinto siyang pari, ngunit hindi ibig sabihin nito ay titigil na siya bilang alagad ng Panginoon. Sa maikling panahon niyang pagiging isang batang pari ay mas lalong lumawak ang kanyang kaalaman. Naging matatag at naging malawak ang pananaw niya sa buhay.
Alam niyang hindi madali ang proseso para tuluyan mawalan ng besa ang pagiging isa niyang pari. Ngunit handa naman siyang maghintay sa takdang araw hanggang tuluyan siya muling maging isang normal na mamayan.
Tumulak pa ng Roma si Vincent para doon niya ayusin ang mga papeles niya sa paghinto bilang isang Priest. Sinuportahan naman siya ng buong angkan ng mga Vergara sa naging decision niya.
Ang matyagang paghihintay ni Vincent ay hindi naman nabigo nang maaprobahan ng Pope sa Roma ang kanyang petation na mapawalang besa ang kanyang lesensya bilang isang pari at alagad ng Diyos.
"Whoa. Thank you God, for giving me a chance to be a normal Vincent again. I'll do my best to serve a good son of your dear God." Tuwang-tuwa nitong aniya.
Agad nitong ibinalita sa magulang na malaya na siya, na siya na muli si Vincent Vergara not a father Vincent Vergara. Natuwa naman ang buong angkan ng mga Vergara sa ibinalita nito sa kanila.
Kaya nang makabalik ng Pilipinas si Vincent ay nagkaroon ang magarbong salo-salo ang buong angkan ng mga Vergara to welcome back Vincent. Masayang masaya sila para dito. Ngunit mas nagdiwang ang mga kaibigan niyang AMBERS CLAN maging ang QUADRO-X sa pagiging ganap niyang Vincent Vergara muli.
NANG magpasyang huminto sa pagka Priest si Vincent ay kinumbinsi nito ang ama na pamahalaan niya ang isa sa mga kumpanya nila at hindi naman siya nabigo at pinayagan siya ng ama.
"Are you ready son?" Tanong ng ama ni Vincent sa kanya.
"Yes Dad." Sagot nito sa ama, ngayong araw siya magsisimulang magtrabaho sa kumpanya nila bilang business man not a priest.
"Okay. Goodluck son. Don't worry, ready na ang lahat at may secretary kana rin." Naipakilala na kasi siya ng ama na siya na ang mamahala ng kumpanya nila.
HABANG binabaybay ni Cathlyn ang daan patungo sa pinag applyan nitong trabaho ay biglang bumungad sa kanya ang mabagal na usad ng trapiko. "Anak ng sampong tikbalang na boatlag. Tang inang traffic oh! Late na ako, it's my first day of work tapos bumper to bumper ang mga sasakyan. Anak ka ng bakulaw sa puno ng saging." Ang naiinis na ani Cathlyn habang panay diin nito ng horn ng kotse niya. Ito ang unang araw niya sa pinag-applyan niyang trabaho bilang secretary. Oh! di ba napakatotyal este sosyal niya dahil secretary ang trabaho niya sa isang company pero di-kotse siya. And takenotes, mamahaling kotse ang sasakyan niya.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay niya ay sa wakas umusad narin ang takbo ng trapiko. Kaya nakahinga ng maluwag si Cathlyn. Agad niyang pinasibad ang kotse at pagdating niya sa kumpaniyang pinapasukan niya ay lakad takbo siya. Nakipagsiksikan narin siya sa mga taong nauna sa kanya sa loob ng lift.
Nang marating niya ang mismong opisina ng magiging boss niya ay agad niyang nakita ang mukha nang manager ng kumpanya na siyang nagpasok sa kanya sa kumpanya.
"Bakit ang tagal mo? Naauna pa sa'yo ang boss mo." Ang mahinahong nitong aniya kay Cathlyn.
"I'm sorry, Ninong. Este, Sir, na-traffic lang po ako." Anito sa kaharap. Kung hindi lang siguro niya ito ninong ay tiyak sasabonin na siya nito.
"Okay. Sige, basta ayusin mo lang nang mabuti ang trabaho mo iha." Paalala ng ginoo sa kanya. "Opo." Anito.
"Oh. Siya maiwan na kita. At nandyan sa mesa mo ang mga papers na dapat mong echeck, alam kong kaya mo yan." Anang ninong niya sa kanya bago siya nito iniwan.
BINABASA MO ANG
Vincent Met His Seductive Secretary(Completed)
Любовные романыVincent Vergara the badboy turn to be a priest and be come a sweet lover of her seductive secretary.