Chapter 15

25.9K 696 11
                                    

LUMIPAS ang araw na wala paring nangyayari sa plano nila Noel at Channa. Kaya naiinip na ang babae kung kailan nila maisasagawa ang kanilang plano.

"Letseng plano yan, hanggang ngayon ay wala parin improvement," himutok ni Channa. "Huwag mo akong paghintayin ng matagal Noel, kundi baka ikaw ang ipatumba ko." Dagdag pa nito sa isip.

Maya maya ay tinawagan nito si Noel. "Oh! Napatawag ka Channa?" Tanong ni Noel dito.

"Noel, hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Bakit hanggang ngayon ay wala parin nagagawa ang mga tauhan mo." Ani Channa kay Noel sa kabilang linya.

"Channa, pwede ba relax ka lang. Matuto ka naman maghintay, hindi tayo pwedeng magpadalos dalos ng gagawin. Ayaw kong pumalpak ang plano Channa." May tunong pagbabanta ni Noel sa kausap.

"Siguraduhin mo lang Noel na kumikilos ang mga tauhan mo." Anito sa lalaki. "Don't worry, everything is under control." Anito kay Channa.

"Good, sige kailangan ko ng ibaba ang tawagan." Ani Channa, hanggang mawala siya sa linya na kinailing ni Noel.

Kaya naman agad tinawagan ni Noel ang mga tauhan niyang nakamanman sa dalaga. "Hello, Brando. Kamusta ang pinapagawa ko sa inyo." Tanong niya agad sa kabilang linya.

"Sir, pasensya na po kayo. Hindi namin madikitan eh. Lagi niyang kasama si Vergara." Ani Brando sa kausap.

"Okay. Basta siguraduhin niyong makukuha niyo siya ng tahimik at mabilis." Ani Noel kay Brando.

"Yes Boss."

SAMANTALA dahil sa mag iisang buwan ng walang period si Cathlyn ay nakapagpasya siyang pumunta sa isang OB upang magpacheck up. Dahil sa gusto niyang hindi muna ito malaman ni Vincent ay nagpasya siyang pumunta sa OB mag-isa.

"Baby, lalabas lang ako ha! May bibilhin lang ako saglit." Anito kay Vincent na sinabayan niya ng paglalambing.

"Sige, tara samahan na kita." Ani Vincent na akmang tatayo. Ngunit agad naman itong pinigilan ni Cathlyn.

"Huwag na ako na lang, may meeting ka pa eh. Sandali lang naman ako." Anito kay Vincent. Kaya napabuntong hininga na lang ang binata.

"Okay. Pero bago ka umalis ay isuot mo muna itong gift ko para sa'yo ang nakangiting ani Vincent sabay bukas niya ng drawer sa ilalim ng kanyang mesa. Agad nitong inabot kay Cathlyn ang isang box.

"Ano ito baby?" Nakangiti nitong tanong kay Vincent. "Open it baby." Utos nito kay Cathlyn. Agad naman itong sinunod ng dalaga at ganon na lang ang pagkamangha niya ng bumungad sa kanya ang isang relo.

Agad itong kinuha ni Vincent at isinuot sa kamay ni Cathlyn. "Tandaan mo baby, kahit anong mangyari ay lagi mong iisipin na ikaw ang buhay ko. Sa'yo lang umiikot ang oras ko at ang buong buhay ko." Saad nito kay Cathlyn.

"Wow! Ang sweet naman ng baby ko. Thank you." Ani Cathlyn sabay halik nito kay Vincent sa labi.

"I love you too baby. Mag-iingat ka ha!" Ani Vincent na agad kinabig ang batok ni Cathlyn. Siniil nito ng halik ang nobya na agad naman tinugon ng dalaga.

Matapos magpaalam si Cathlyn kay Vincent ay agad itong lumabas sa opisina ng nobyo. Agad nitong tinungo ang lift at pindot niya ang lift button pababa ng building ng makapasok siya sa loob nito. Hindi naman nagtagal ng marating niya ang lobby ng kumpya.

"Hija, saan ka pupunta?" Maya ay tanong ng ninong ni Cathlyn na nagtratrabaho sa opisina ng nobyo. "Oh! Kayo pala, Ninong. Ano po, may bibisitahin lang pong kaibigan sa malapit na hospital." Pagsisinungaling niya dito. "Great, your the best liar Cathlyn." Anito sa isip.

Vincent Met His Seductive Secretary(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon