Chapter 9

43 10 10
                                    


Kakahuyan


MARAMI NANG IPINAKITA NA KAMANGHA-MANGHA sa'kin si Gabriel pero iyon na siguro ang una't simula na nagpakwestyon talaga sa'kin sa reyalidad.

Batid ko ang pagkabigat ng ulo ko dahil sa ininom naming alak. May kaunti pang natitira ngunit iniwan muna namin iyon at dumaan sa hardin ng mga bulaklak patungo sa mga gumuhong gusali. Napaka-mistikal nilang tignan sa malapitan. Mukha pang may templo katulad ng simbahan doon sa Mayon Volcano.

Nilagpasan namin iyon at naglakad patungo sa kakahuyan. Malambot ang lupa rito at walang tigil ang banayad na simoy ng hangin. Magkakamukha ang mga puno at lahat ay may mga baging na nakasabit. Nagsisihulagan naman ang mga dahon nito na parang mga paru-parong hindi marunong lumipad.

Ipinagpatuloy namin ang pagtatanong sa isa't-isa. Magkasabay kaming naglalakad ngayon dahil parang inaalalayan ako ni Gabriel. Kahit siya'y medyo pagewang-gewang na ang paglalakad at hindi na tuwid ang pananalita.

Tama yan, sabi ko sa isip ko, para unti-unti ko nang masimulang ungkatin ang mga sikreto niya. Hindi ka makapagsisinungaling 'pag nakainom dahil lalabas ang totoong kulay mo, 'di ba?

"Gabriel, sa'n ka nga ulit nakatira?"

Sa nalulula niyang boses, sinabi niyang, "Sa yate."

"Yate?" Sa isip ko'y baka nagkukuwentong-lasing na siya o iniiwasan niya lamang ang tanong na iyon. Pero sa palagay ko'y nagsasabi siya ng totoo.

Wala atang makakatibag dito sa lalaking ito. Para sa akin isa siyang kastilyo na napakahirap lusubin.

"Nagmahal ka na ba?" I never would have expected to see a sparrow making its nest as much as I never expected that Gabriel would ask me this. "Nagmahal ka na ba?"

I hesitated to answer this out-of-the-blue question. "Oo, but I don't think it was reciprocated the way I expected it to."

Patuloy lang kami sa paglalakad ngunit pareho na kaming nag-iingles dahil siguro sa kalasingan.

"Tell me about it." Those words were like magic that let me put my guard down. And so I told him something I've never told anyone before.

"Wala pa akong napagsasabihan nito," wika ko. "Ikaw pa lang."

Ginuhitan ni Gabriel ang leeg niya at itinaas ang kamay. "Hindi ako magsasabi."

Humakbang kami sa isang malaking troso na nakatumba bago ako nagsimula.

"For a long time it's a path I thought I would never take. But deep inside I want to experience it. That thing they called love."

May mababang sanga ng mga puno na hinawakan ni Gabriel at pinauna niya ako.

"So, when I was given the chance, I tried to give it my all," I continued. "I gave everything to him and in return that's what he only saw, what I could give and he took advantage of it."

Tumango lang si Gabriel at inusli ang kaniyang labi.

"When I like someone," I added, "I memorize every detail about them as much as I can. While I noticed all his subtle features, I think he never really looked at me."

"Why wouldn't anyone want to look at you?" Gabriel asked abruptly. "From the first time I saw you, I don't think I can ever look away."

Hindi ko napigilang ngumiti. May accent ulit ang pagkakasabi niya. Gumaan agad ang kalooban ko, katulad ng naramdaman ko noong una kaming nag-usap.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon