Chapter 11

28 8 7
                                    

Sa Lilim ng Macopa


[Mature Content Warning: This chapter includes explicit material. Reader discretion is advised.]


ANG NAAALALA KO LANG PABALIK ay ang mga nadaanan namin papunta sa gintong talahiban. Ang maliit na sapang pinaghilamusan ko, ang punong may putol na sanga, at ang malaking nakatumbang troso. In the setting sun, Gabriel's body shone like a flame, illuminating the forest as he walked by, I only followed it.

Madali lang kaming nakabalik sa puno ng Macopa dahil hindi na kami nag-usap. Halos hindi ko namalayan na nanalo ang dilim sa kalangitan. Hindi rin ako sigurado kung totoo ba o guni-guni ko lang ang lahat dahil sa pawalang impluwensiya ng alak.

Nangyari ba talaga iyon? Because now it only felt like one hazy dream.

Nandoon pa rin ang mga gamit na iniwan namin. Nakatiklop na ang ibang bulaklak sa malawak na hardin at mistulang mga bundok na lang ang mga sirang gusali sa malayo.

Kinapa ko ang bulsa ng vest ko at may bato nga roon. Doon ko ito inilagay, ang pinakaligtas na lugar na alam ko, ngunit iniiwasan ko muna itong hawakan. Humiga si Gabriel sa kumot na nakalatag at inunan ang kaniyang mga braso. Ako naman ay nanatiling nakaupo. Maya-maya, hinubad ko ang vest ko dahil medyo pinagpapawisan na ako.

Although my head was spinning, I felt oddly sober. Gising na gising na parang tinapunan ng nagyeyelong tubig dahil nga sa mga ibinunyag sa'kin ni Gabriel. Kinuha ko ang bote ng alak nang nalaman kong may kaunti pa itong laman, tinungga ko ito. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng init sa sikmura ko, di lingid ang pait at tapang nito.

Mukhang kakailanganin ko pa talaga ng isang bote.

Akala ko napasan ko na ang timbang ng katotohanan pero pabigat lamang ito nang pabigat. Imbis na mabigyan ako ng sagot, parang mas dumami ulit ang mga tanong. Kasindami ng mga natutulog nang bulaklak sa hardin.

Naramdaman ko ang pagod, gusto ko na lang din mahiga. Mas mabuti kung sa malapad na dibdib ni Gabriel. Tinignan ko kung may hawak siya na bato. Wala. Baka kasi nabasa niya ang iniisip ko.

Inalok ko siya ng natitirang alak pero tumanggi na siya. Inilabas ko naman ang bato mula sa vest ko at narinig ko ang iniisip niya. Nag-aalala siya at tinatanong kung okay lang ba ako. Hindi ko rin alam.

"Bakit hindi na lang natin ipagpatuloy yung laro natin?" suhestiyon niya. "Ask me anything."

Kapag hawak ko ang bato, walang puder sa pagdadalawang-salita. Ang pumasok agad sa isip ko ay, "Pwede ba akong mahiga sa dibdib mo?"

Ngumisi siya, narinig niya ang inisip ko. "Halika Co," sambit niya.

Gladly, as if it was all I ever wanted to do in my life, I obeyed his order. I gently pressed my ear against his chest like on a conch shell and I thought I would hear the ocean. But what I only heard was his heartbeat.

It did sound like the ocean. Albeit a calm one at dawn humming me to sleep.

"Ikaw may gusto ka bang tanungin sa'kin?" Napipikit kong sabi kahit hawak ko pa rin ang bato. I was trying to stay awake and block some of my thoughts by talking aloud.

"Pwede ko bang hawakan ang buhok mo?" tanong ni Gabriel sa isip ko.

Sus, anong klaseng tanong yan? Kahit sabunutan mo ko. Kahit kumuha ka pa ng ilang hibla at dikdikin ito hanggang maging pulbo para gawing gayuma. Hindi ako magrereklamo.

"Oo, pwede." Ito lamang ang nasagot ko pero narinig niya kaya lahat ng iyon?

Pinakawalan niya ang isang kamay niya sa pagkakahiga at nilapat sa ulo ko. Habang umiikot ang paligid ko, malumanay niyang hinagod ang buhok ko.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon