Chapter 16

10 4 0
                                    

Tag-Ulan

WALA AKONG MARINIG. Hindi ko siya marinig. Ilang ulit kong tinatawag ang pangalan niya. Gabriel. Gabriel! Kahit itaas ko ang itim na batong hawak ko. Wala ang nakasanayan kong boses na unang bumabati sa akin tuwing umaga. Wala na ang koneksiyon naming dalawa.

Baka tinangay ng malakas na hangin ang bato na nasa talahiban kaya hindi makakomunika si Gabriel. Pero mukha naman iyong napakabigat at hindi basta-basta masisira.

Ang unang naisip ko ay puntahan siya. Ngunit dahil matindi ang ulan kagabi, mabangis ang pagragasa ng tubig sa sapa at nasira ang kahoy na tulay.

I let my guard down. May boses na nagsasabi sa 'king dumating na ang kinatatakutan ko. Na magtatapos na ang napakagandang panaginip na ito.

Makulimlim pa ang langit kaya mukhang matamlay ang kapaligiran. Madilim sa loob ng bahay kaya nakasindi ang ibang mga ilaw.

Nagluto ng champorado si Nanay Tess. Lubos itong nakakatakam ngunit hindi ko magawang kumain.

Hindi ako mapakali. Bawat segundong lumilipas ay parang isang taon. Nakahawak lang ako sa maliit na bato, malamig ito sa kamay ko na parang nagyeyelo.

"Gabriel," bulong ko ang pangalan niya. "Asan ka?"

Nagsimulang umulan ulit. Pumatak ang matatabang butil nito sa mga bintana. Ayoko ang panahon kapag umuulan dahil minsan hindi natutuloy ang mga plano ko. Madalas nakukulong lang ako sa bahay at hihintayin na tumila ang ulan.

Katulad ngayon, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pakikipaglaro ng chess kay Aldrin. Hindi ko nga mabasa ang iniisip niya gaya ng inaasahan ko. Nawalan na kaya ng bisa ang bato?

Pagtapos namin maglaro, umupo ako sa upuan ng puting piano. Mukha na ulit itong bago dahil pinunasan at nilinisan na namin iyon. Inayos na rin ni Mang Andres ang ibang mga piyesa nito. Tumugtog ako nang ilang kanta ngunit lalo lamang itong nagpabigat sa nararamdaman ko.

Pumasok na lang ako ng kwarto ko, malamig din dito at madilim. Ito ang oras na nakagawian kong magwork-out pero wala akong gana, parang naging itim at abo na lang ang kulay ng lahat. Nahiga na lang ako sa malambot kong kama, pakiramdam ko magkakasakit ako.

Napaisip ako, May sikreto pa kaya hindi sinasabi si Gabriel sa 'kin? Nasabi naman na namin halos lahat sa isa't-isa. Lahat...Teka...Saan na nga ulit siya nakatira? Ang pagkakaalala kong sinabi niya ay sa — sa yate!

Pero saan? Namumuhay lang ba siyang mag isa? Bakit nakalimutan kong tanungin ang mga iyon? Siguro noon hindi ito ganoon kaimportante.

Naka-idlip ako sandali. Tumila na ang ulan at hawak ko pa rin ang itim na bato. Ngunit wala pa rin ang boses ni Gabriel. Iniisip ko ulit na lumabas ng bahay at hanapin siya pero alam kong may rason kung bakit ito nangyayari.

Itinaas ko ang bato para mas makita nang mabuti sa liwanag na galing sa balkonahe. Ngunit napaupo ako nang bigla itong nagbago sa hindi ko inaasahang paraan.

Hindi ko alam kung bakit o paano pero unti-unti itong nagiging transparent. Parang nade-drain ang ka-itiman nito at nagiging tubig.

Tumigil ito sa kalahati. Itim na itim pa rin sa baba ngunit mukha nang salamin sa itaas.

Anong nangyayari?

Tuk-tuk-tuk! Gumulong ang isang maliit na bato sa sahig ko. Umabot ito sa gitna ng kwarto ko at may isa ulit na gumulong! Muntik ko nang akalain na umuulan ng bato kaya lumabas ako sa balkonahe.

Sumilip na ang araw. Basa pa ang mga dahon ng puno at malamig pa ang hangin. Ngunit doon mismo, gusto ko nang tumalon mula sa balkonahe nang makita ko si Gabriel! Naroon siya sa kabila ng sapa! Si Gabriel, aking Gabriel.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon