Chapter 13

38 8 13
                                    

Dapit-hapon


[Mature Content Warning: This chapter includes explicit material. Reader discretion is advised.]


NANATILI KAMING NAKAHIGA, hinahabol ang hininga, pagkatapos basbasan ang isa't-isa. Nagtinginan kami at tumawa sa hindi mawaring dahilan, pero alam kong masaya kami at hindi pinagsisisihan ang ginawa namin.

He traced my lips with his finger and then I kissed it lightly.

"Ang bango ng buhok mo, Co," puri ni Gabriel. "Anong nilalagay mo riyan?"

"Ito." Ipinakita ko ang kamay ko na malagkit-lagkit kaya tumawa ulit kami.

Pinunasan namin kung saan may tumalsik, may umabot pa sa pisngi ko. Sinalamin namin ang isa't- isa na parang inaalagaan lang namin ang aming mga sarili. Inayos niya ang buhok ko, inayos ko ang kwintas niya.

Sa mga unang karanasan ko, pagkatapos namin, hindi na kami magpapansinan. Parang hindi na magkakilala. Ngayon ko lang napagtanto na mali iyon. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko.

"Anong problema, Co?"

Niyakap ko ang mga tuhod ko at nagpaduya-duyan. "Masaya lang ako."

Pinunasan ni Gabriel ang pisngi ko. "Masaya rin ako na masaya ka."

Tumingin ako sa mga talang patuloy pa ring nahuhulog. Kung pwede tayong umiyak sa sobrang tuwa, ganun din siguro ang langit. Kung malungkot ito kapag umuulan, masaya siguro ito pag mga tala ang pumapatak sa kalangitan. Sa sandaling ito, iyon ang gusto kong paniwalaan, dahil iyon ang mas magandang paniwalaan.

Ikinulong ako ni Gabriel sa mga braso at hita niya nang umupo na ulit kami. Ang ulo ko'y nasa pagitan ng leeg at balikat niya, ang mga siko ko nama'y nasa tagiliran niya, nagsisiksikan sa mga pwedeng siksikan. Sa wakas, sumandal ako sa dibdib ni Gabriel at bahagyang humiga.

"Ang dami kong first time na kasama ka," sinabi ko nang nakapikit. Hindi ko makakalimutan ang mga paa naming nagpupuluputan, ang init na nagmumula sa katawan ni Gabriel, at ang paghinga niya sa buhok ko na parang inaamoy niya ito.

"'Yon ang plano ko," tugon ni Gabriel. "Marami pa tayong mararanasan sa unang pagkakataon."

Nanatili kami sa ganoong posisyon, pinagmamasdan ang mundo. Kung paano ito umikot, at sa bawat pag-ikot nito gusto ko si Gabriel lang ang makasama ko.

"Inaantok ka na." Hindi iyon tanong, bagkus pagdidikta.

"Pwede kaya tayong matulog dito?" Humikab ako.

"Pwede, pero delikado. Hindi ko ipapagpalit ang kaligtasan mo, Co."

Tinapik niya ang mga braso ko na parang sanggol na pinapapatulog. "Tsaka baka hinahanap ka na rin sa inyo."

"Hindi rin naman ako nagpaalam."

"Huy!" Naging magaan na palo ang tapik niya. "Lagot ka."

"Ayoko namang hanapin nila ako."

For now, all I want is to get lost in your arms and never be found again.

"Co, wag kang mag-alala, marami pa naman tayong pagkakataon."

Hawak ko ang itim na bato sa bulsa ako habang iniisip iyon kaya narinig siguro niya. Pero tama naman si Gabriel, umiiral lang ang pagiging makasarili ko.

"May habambuhay naman tayo," dugtong niya.

"Habambuhay," ulit ko.

INIHATID AKO NI GABRIEL ngunit hanggang sa bukana lang siya ng gubat ngayon. Kinurot niya ulit ako at ngayon kinurot ko rin siya. Huling naghiwalay ang mga palad naming tila lubid na ayaw maputol.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon