Chapter 8

47 10 19
                                    


Hardin


MAY DALANG KAMAY ng saging si Gabriel, mga rambutan, at langka na nakalagay sa basket na dinala niya rin noong pumunta kami sa talon. "Ito lang ang nakuha ko," aniya, "pero sa pupuntahan natin maraming pagkain dun."

Hindi ko matago ang excitement ko, mistula itong fountain na naguumapaw. I feel light on my feet and my muscles were tingling.

"Ako na yan," alok niya nang makita ang sarili kong dalang basket. Hindi ko sana ibibigay dahil ano pa yung pagwowork-out ko kung hindi ko rin ito kaya. Ngunit nagpumilit siya at hinayaan ko na lang.

Sinimulan naming maglakbay kahit tirik na tirik ang araw. Pinangpandong ko ang vest ko sa ulo ko habang si Gabriel ay parang naglalakad lang sa buwan. His olive skin gleamed in the sunlight, and his coal-black hair shimmered as the wind brushed it softly.

Dumaan kami sa daan na hindi pa namin napupuntahan, kung pasilangan ang talon at pakunlaran ang pabalik sa bahay, dumako kami pahilaga. As usual, si Gabriel ang nauuna at nakasunod lang ako sa kaniya.

Marami akong napag-isip-isip kagabi at napagdesisyonan kong gusto ko muna siyang makilala nang husto. Pero hindi naman ako makasalita, para lang akong cadet na naghihintay ng utos.

Pasintable na lang akong nagmamasid-masid sa paligid pero hinahanda ko na ang mga tanong ko. Kahit saan ako tumingin wala nang bahay na natatanaw na bahay o bakas ng kabihasnan. May nadaanan kaming pilapil na walang tanim na palay kaya sinasalamin nito ang bughaw na langit.

Sumilong kami sa kumpol ng mga puno at habang naglalakad namimitas ng mga bunga si Gabriel. Lumalapit ang mga ibon sa kaniya at habang pinagmamasdan ko siya napapakanta ako sa isip ko ng, Why do birds suddenly appear, every time you are near. Just like me they long to be close to you.

Lumabas ulit kami sa  damuhan na maraming paru-paro ang nagsisiliparan. Nauna ako kay Gabriel at nilanghap ang sariwang hangin na parang nililinis nito ang baga ko. Napakalawak ng lugar na ito, patag ang damo at maliliit ang mga puno sa malayo. Napalingon ako sa kanan nang may narinig akong tumatakbo.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Napa-Wowww! na lang ako na parang batang first time makakita ng eroplano. Ang narinig ko pa lang tumatakbo ay dalawang kabayo!
"Gusto mo ba sumakay?" tanong ni Gabriel nang naabutan niya ako.
"Oo!" Kumikislap siguro ang mga mata ko nang sinabi ko iyon.

Hindi na ako nagtataka na lumapit ang mga kabayo sa amin at napaamo agad ito ni Gabriel. Hinawakan ko ang ulo ng isang kabayo na may kulay na black, white, at brown.  Ang isang kabayo naman ay kulay puti pero medyo marumi ang katawan nito. Naalala ko ang damit na suot ni Gabriel noong una kaming nagkita.

Hanggang leeg ko ang likod nito kaya tinulungan pa ako ni Gabriel sumakay. Hinawakan niya ako sa baywang at tinulungan akong sumakay sa kabayo. Sumakay naman siya sa puting kabayo at nagpatuloy kami sa paglalakbay sa kung saan.

MAS MATAAS PALA ANG VIEW sa likod ng kabayo kaysa sa inaakala ko. Parang paa ko mismo ang humahakbang dahil sa paggalaw ng baywang ko. Ganito siguro maging tikbalang.

"Kung papangalanan mo yang kabayo mo," ani Gabriel, "anong pangalan niya?"
"Hmm," tinignan ko ang katawan ng kabayo, "Mix siguro kasi iba-iba yung kulay niya. Ikaw, anong pangalan ng kabayo mo?
"Uly, short for Ulysses, kilala mo ba yun, isa 'yong Greek hero."
"Familiar," sabi ko.

Mabagal ang usad namin hanggang pabilis na nang pabilis. Napakapit ako sa buhok ni Mix at hindi nagtagal tumigil kami sa lugar na halos katulad na katulad nung lugar na una naming pinagtagpuan. May nag-iisang puno rin ngunit nakatayo ito sa maliit na bundok ng lupa.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon