Chapter 5

69 9 17
                                    

Pilapil St.

NAKAHANAP KAMI NG POSO AT DUN KAMI naghugas ng mukha at katawan. Hindi namin namalayan na napalayo na kami sa kakahanap mula sa Plaza. Dumilim na rin ang langit at naging lila na ang kulay ng kapaligiran. Para akong nakasuot ng shades.

Habang suot-suot ang vest ko, ipiniga ni Gabriel ang basa niyang damit at pinagpag ito sa hangin para matuyo. Ako nama'y pinupunas sa puti kong undershirt ang mga kamay kong basa pero malinis na.

Nagsimula ulit kaming maglakad papunta sa paradahan ng tora-tora para umuwi. Pero parang ayaw kong matapos ang araw na 'to. I haven't had this much fun for as long as I can remember.

Pagdating namin sa palengke, nagpasya nang magbihis ng damit si Gabriel kahit medyo basa pa rin ang damit niya. Ibinalik niya ang vest ko kahit sinabi kong okay lang na suotin niya pa. But I stopped complaining when I caught a glimpse of his funnel-shaped back and strong shoulders once more.

I'm no expert but I know that that body is built by nature. By hard work and everyday training. Tinitignan ko pa lang siya pinagpapawisan na ako na para akong sinisilaban.

It made me wonder, Did he get all that from carrying boxes and helping people push carts? But I didn't ask. Absent-mindedly, I only said thank you. From what I'm seeing, it felt like the right words to say.

"Dapat nga ako ang magpasalamat sayo," sabi ni Gabriel pag-abot niya ng vest ko. Naglapat ang mga kamay namin at parang gusto ko ulit magpasalamat.

"Salamat sa-," nahihiya kong sambit, "sa paglibot sa'kin dito sa Centro."

"You're welcome." Ngumiti siya. "Always."

Hindi ko na isinuot ang vest ko at sinampay na lang ito sa braso ko para amoy-amuyin mamaya.

Biro lang.

MAGKAKAMUKHA LAHAT NG TORA-TORA - mga motor at sidecar na may bubong. Pwedeng magkasaya ang apat na pasahero sa cart nito at dalawa sa likod ng driver. Sayang, hindi ko nakita ang plate number ng namerwisyong tora-tora sa'min kanina nang hindi na namin masakyan.

O dapat ba akong magpasalamat sa kaniya dahil sa sumunod na mga nangyari?

Bente raw isa - depende kung ga'no kalayo - ang pamasahe sa isang tao. Saktong-sakto lang sa binigay na pera ni Nanay Tess kanina para sa aming dalawa ni Gabriel.

Siya ang nagsabi kung saan kami bababa, buti na lang, dahil nakalimutan ko kung anong pangalan ng address namin. Narinig ko naman siyang nagsabi sa driver na, at tumuro sa'kin, "Siya sa dulo ng Pilapil Street, ya."

Ayun nga! Kaya pala pamilyar ang lugar na yun sa mapa kanina. Iyon pala ang adress ng bahay namin.

Ibinayad ko ang mga baryang dala-dala ko at pinauna akong sumakay ni Gabriel. "Ikaw ang mauna kasi malaki ako," sabi niya. Nang sumakay siya, ang laki ng nilalim ng upuan ng tora-tora, halos sumayad sa lupa. Muntik na kaming hindi magkasya. May upuan naman sa harapan namin pero pinili niyang tumabi sa'kin.

Dumikit sa braso ko ang medyo basa - kaya malamig - na damit niya at ang mainit niyang tagiliran. Nakapaharap si Gabriel pati ang mga braso niya dahil masyadong malapad ang mga balikat niya. Magkadikit rin ang mga tuhod at hita namin at parang hindi na ulit ito maghihiwalay.

It's one of those moments when I realize I love being touched. How I miss my skin touching someone else's skin. Nang nagising ang tora-tora, nagsimulang umihip ang malamig na hangin. Napapansin niya rin kaya ang pagitan naming dalawa?

Pwedeng oo, pwedeng hindi. Kaya umusog ako, hindi palayo pero palapit pa lalo kay Gabriel.

PAGKAKATAON KO NA PALA para malaman kung saan siya nakatira. Kaya hindi na ako nagsayang ng oras at tinanong na, "Gabriel, san ka nga pala nakatira?"

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon