Chapter 7

50 10 13
                                    


Sa Bahay


HABANG TINUTULUNGAN KONG MAG-AYOS ng lababo si Mang Andres, nabilang ko na ang mga silya sa napakahaba naming lamesa. Nasa kusina kami ngayon na marmol ang sahig pero sa lawak nito'y pwede pa ata kaming maglaro ng football ni Aldrin.

Sabi ni Nay Tess si Mang Andres daw ang karpintero, hardinero, tubero at taga hatid-sundo ni Papa tuwing may lakad siya. Si Mang Andres nga lang din ata ang nakakakausap kay Papa dahil ilang beses ko siyang nakitang pumasok sa opisina ni Papa.

Pero kahit matanda na siya nakakasabay pa rin siya. Mas nakakabonding pa nga namin siya kaysa sa sarili naming tatay. Nung isang araw, tinuruan niya kaming gumawa ng saranggola.

Also, his old-fashioned polo shirt reminded me of Gabriel's outfit the last time we saw each other. Kaya parang magaan din ang loob ko sa kaniya.

Habang naghihintay ako ng ipapaabot ni Mang Andres na plais o screwdriver, umiihip din ako sa magkayakap kong kamay. Nakagawian ko nang gawin ito pag nababagot at nahuli ako ni Mang Andres sa akto.

Inilapag niya ang mga kasangkapan niya at pinagpag ang kamay sa pantalon niya. Ipinagyakap niya rin ang mga kamay niya. Lumaki ang mga mata ko nang humuni ito na katunog na katunog ng kay Gabriel. "Mang Andres, san niyo po natutunan yan?" tanong ko.

"Hindi mo pa ba naririnig iyon dati?" Tumayo siya at humuni ulit.

"Narinig ko na po!" listo kong sagot, "Gusto ko po yang matutunan."

"Aralin mo muna kung paano pumito." Ngumiti siya at tinapik ako sa balikat. Parang kasingtangkad niya rin si Gabriel. "Kadalasang pinapatunog lang naman iyon kapag pumupunta ka sa mga sagradong lugar."

Katulad iyon ng sinabi ni Gabriel. Pinagmasdan ko si Mang Andres habang nililigpit ang toolbox niyang nakakalat sa sahig. Nahihirapan siyang yumuko at numinipis na ang mga puting buhok sa bunbunan niya.

Kung tutuusin, maliit lang ang San Gabriel. Hindi ko maiwasang isipin — magkakilala kaya sila?

PAGKATAPOS NAMIN ni Mang Andres, nakipaglaro ako kay Aldrin ng chess na natalo na naman ako. Sunod kong ginawa ay umakyat sa kwarto ko para magwork-out. Sinimulan ko na mag-exercise pagka-kinabukasan nang huli naming magkita ni Gabriel. Sabihin na nating nainspired ako sa katawan niya.

Mag-iisang linggo na rin simula no'n. Laking pagsisisi ko na hindi kami nagplano kung kailan ulit kami magkikita.

Pero lagi kaming nagkikita sa panaginip ko. Wala akong ibang napapanaginipan kundi siya at napakavivid pa. Kuhang-kuha ang hugis ng ulo niya, ang batok niyang may nunal sa gitna, ang kwintas niya, ang malapad niyang balikat na parang mga bundok. Nakasunod lang ako sa kaniya na parang lagi kaming may pupuntahan.

Tatanungin ko, "Saan tayo pupunta?" At bubulong siya sa tenga ko na magapataas ng balahibo ko, "Sa lugar na hindi mo pa napupuntahan."

Magigising ako na nakatent ang alaga ko sa loob ng kumot ko. Tapos iihi sa inodoro na nakasandal ang isang kamay sa pader at ang isa'y itinututok ang morning wood ko sa butas ng inidoro. Ibang klase. Parang dumaan ulit ako sa puberty.

Kaya dinaraan ko na lang sa pagwowork-out. Pero siyempre, kaya lang naman ako ginaganahan kasi 'pag magpupush up ako, iniisip kong nasa ilalim ko si Gabriel. 'Pag nagsi-sit ups ako, kunwari siya ang nakahawak sa paa ko.

Nakakabaliw ang walang cellphone.

Sumilip ako sa balkonahe ng kwarto ko, medyo maalinsangan kaya madali akong pinawisan. Kung malapit sana ang bahay namin sa dagat, palagi akong maliligo. Pero ang dagat lang na nakapaligid dito ay mga nagkukumpulang puno at mga bundok.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon