"Siraulo ampota!" Pabulong na komento ni Ferrero saka pasiring na inalis ang tingin sa dalawa.
Tawang-tawa ako sa kalokohan ng dalawa, ngunit mas lalo lamang akong humagalpak nang makita kung gaano namumula sa inis si Ferrero. Pulang-pula ang mukha niya na para bang idnukdok sa regla, maging ang tenga at leeg niya ay mamula-mula na. Asar na asar kase siya e, hindi pa ba siya nasasanay sa dalawang itlog na parati niyang kasama?
"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Ayaw mo?" Biglang tanong ni Chavez saka inosenteng tumingin sa plato ko. Bumaling sa akin ang mga inosente niyang mga mata na para bang may kwenta 'yung tanong niya.
Pinunas ko ang pawis na namumuo sa noo ko saka ibinaba ang hawak na kubyertos. "Wala na, busog na ako sa hangin, kanina pa ako kakatawa." Kaswal na sagot ko.
Tumango-tango siya saka ako muling tiningnan. Bumukas nag bibig niya ngunit natigil din kinalaunan.
"Si Herrera." Rinig kong bulong ni Ferrero sa tabi ko.
Agad na dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay unti-unting tumiklop ang bibig ko mula sa pagkakangiti kanina. Namasa ang palad ko at parang may biglaang nakabara sa lalamunan ko.
Walang tahas kong ininom ang isang baso ng tubig saka pinunasan nag bibig gamit ang palad ko. Kitang-kita ko kung paanong nalukot ang mukha ni Ferrero dahil sa naging kilos ko.
"Tubig ko 'yan!" Pabulong ngunit matitinigan ang inis sa tono ng pananalita niya. Hindi ko na siya pinansin pa.
Agad kong inayos ang sarili ko saka lumingon sa direksyon ni Herrera. Saktong pagharap ko ay ang pagdaan niya sa harap namin.
"Ehem!" Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya at hindi ako naman ako nabigo.
Isang matalim ngunit puno ng lamig na tingin ang itinapon niya sa akin. Nakataas ang kabila niyang kilay at diretso siyang nakatingin sa akin na para bang nagtatanong siya kung anong kaylangan ko.
"A-Ahh... H-Hehe k-kumain ka na?" Napakamot ako sa batok ko dahil sa kaba.
Puta, hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay malalaglag ang panty ko anumang oras mula ngayon. Tunaw na tunaw talaga ako kapag sya ang kaharap ko. Letse!
Pinagdikit ko ang magkabila kong palad saka lakas loob na tingnan siya.
"Ahh... ano, kanina pala... s-sorry, kase..." napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng magsimula siyang tumingin sa ibang direksyon at paglaruan ang laman sa loob ay gilid ng kanyang pisngi. Senyales na nabuburyo na siya at hindi siya intresado.
Damn. What should I do?
"Na-late ako kanina, hindi tayo nakapag-present." Pikit-matang sabi ko. Ramdam na ramdam ko ang biglaang pagbago ng tibok ng puso ko. Kung kanina ay dumadagundong, ngayon naman ay parang ako na mismo ang tinutubtob na parang drum. Sabay-sabay na pumipitik-pitik ang dibdib ko at maging ang pulso ko sa utak.
Dumilat ako at saktong nagtama ang mata namin. Para akong timang na naghihintay sa reaksyon niya ngunit natameme ako nang pasiring niyang inalis ang tingin sa akin saka ngumisi. Hindi ako naka-react ng agad siyang tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo. Nang marating ang dulo ay saka lang siya tumigil para maupo sa isang stall.
"Pota?" Hindi makapaniwalang anas ko. Tiningnan ko si Ferrero at itinuro si Herrera. "Kita mo 'yun? Ini-snob ako boy!" Bulalas ko saka asar na nangiti. Tanginang lalake 'yon ah.
Napaismid si Ferrero at sinundan niya ng tingin si Herrera saka muling tumingin sa akin. "Upakan ko boy, gusto mo?" Marahan niyang itinagilid ang ulo upang ituro ang direksyon kung nasaan si Herrera.
BINABASA MO ANG
FRACTURED
RomanceDatche Reese Rivera never imagined she'd be sitting in a courtroom, accused of a murder she didn't commit. The whispers, the accusing stares-it's as if the verdict has already been decided before the trial even begins. But what cuts the deepest is t...
