"JOKE LANG!" Pagbabawi ko sa sinabi saka natatawang itinuro ang mukha niyang mukhang hindi nasisiyahan sa sinabi ko.Napailing na lang ako saka natatawang binalingan ng tingin ang mukha niyang ngayon ay gusot na gusot na.
Agad akong tumayo at kinuha ang helmet sa tabi saka ito iniabot sa kanya. Nagtataka niya akong binalingan ng tingin. Nagtatanong ang mga mata kung bakit ko siya inaabutan ng helmet.
Tanginang buhay 'to. Minsan kaklase, minsan anak.
"What?!" Kunot-noo na tanong niya habang tinititigan pa rin ang helmet na nasa kamay ko.
Panggap pa.
Alam ko namang hindi siya nakakapag-aral sa coffee shop. Mas gusto niya sa mas tahimik na lugar, tulad ng library, kwarto, batibot.
Muli ay iniabot ko sa kanya ang hawak kong helmet at agad niya naman itong tinanggap.
Nagtataka at puno pa rin ng duda ang mukha niya, tila ba naguguluhang pa rin sa kinikilos ko.
Itinuro ko ang loob ng Yolo Café na nagsisimula ng mapuno ng mga tao. Ang ilan sa kanila ay galing sa Grads school, at ang ilan naman ay galing sa iba't-ibang school.
"Hindi ka makakapag-focus sa loob. Maingay." Simpleng tugon ko at nagsimula ng maglakad papunta sa motor.
"Sabi mo, gusto mo sa Cafè," rinig kong sagot niya pabalik.
Naramdaman ko ang mga yapak niyang nakasunod lamang sa likod ko.
Tahimik lamang siyang nakasunod sa akin habang nakakunot pa rin ang noo at parang hindi tiwala sa mga galaw ko.
"Then where do we go now?" Muli ay sambit niya. Bakas sa boses niya ang labis na pagtataka. Tiningnan niya ang hawak na helmet na ibinigay ko saka kunot-noong binalingan ako ng tingin.
First time niya ba makakita ng helmet?
Sumampa ako sa motor ko at isinabit sa manibela ang hawak kong plastik. Tahimik niyang pinapanood ang kilos ko dahilan upang muli ay mapangiti ako.
Iminuwestra ko sa kanya na isuot ang helmet saka inginuso ang likod ko.
"Sa'yo 'yan?" Nakataas ang parehong kilay na tanong niya.
Lalo lamang lumawak ang pagkakabilog ng bibig niya ng dahan-dahan akong tumango. "Kung ninakaw ko ba 'to, hindi ka na sasama?" Nakangising tanong ko.
Nagtaas-baba ang balikat niya senyales ng malalim na paghinga. Naningkit ang mga mata niya at pinasadahan ako ng isang nagbabantang tingin. "Do you even know how to drive?" May bakas ng duda ang tono ng pagtatanong niya dahilan upang mayabang akong mapailing.
"Natalo nga kita sa Culmination e." Agarang sagot ko dahilan upang malutong siyang mapamura.
"Bitch— what the fuck?!" He halted back with his eyes widened. "I was just asking if you know how to drive. Did you really have to bring that shit up?" Puno ng inis na sagot niya. Halos magkaroom ng mapa ang noo niya dahil sa sobrnag pagkakakunot nito.
Kahit gaanong pigil ko ay lumabas pa rin sa bibig ko ang paghagalpak ng tawa. Napahawak na ako sa tiyan ko dahil halos takasan na ako ng lakas sa kakatawa. Pulang-pula ang mukha ko at nagsimulang mamuo ang pawis ko sa noo.
Ganu'n ba ka-bigdeal sa kanya ang competition na 'yon? 2nd year college pa lang kami ng oras na 'yon at natalo ko siya sa isang debate sa Regional contest. Hanggang ngayon ay tila ba sariwa pa rin sa isip niya ang pagkatalo at ganito palagi ang reaksyon niya bawat pagkakataon na sinasambit ko ito.
"Galit ka na naman." Komento ko ng makabawi ako ng lakas.
Siniringan niya ako at inis na napasinghal. Gusto ko pa sana siyang pagtawanan kaso baka bigla niya akong talikuran dito. Sayang ng chance na malandi siya.
"Wear it." He stated as he handed me the helmet. His voice was firm, yet calm.
I stood up as I reached out and took the helmet from his hand, feeling its warm surface against my fingertips. Our eyes met, causing me to swallow hard. I carefully positioned the helmet on his head, making sure it fit snugly as I smoothly slid down the visor.
I couldn't help but notice how his body instinctively tensed up, evident in the way he stiffened. His throat visibly moving up and down, as he took several deliberate gulps of his own saliva.
"Uncomfy ka?" Mahinahon kong tanong saka sinilip ang mukha niya sa loob.
Pulang pula ang mukha niya na para bang pumapak siya ng isang kilong labuyo.
Mabilis siyang umiling ng ilang beses kaya't ibinaba kong muli ang visor ng helmet niya. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na akong sumampa sa motor. Ramdam ko sa bandang likuran ko ang pagsunod niya sa akin.
I started to rev up the engine as the motorcycle came to life. Nang masigurong maayos na Ang pagkakasakay naming dalawa, I started going faster, feeling really excited as I moved ahead. Turning easily, the wind tousled my hair as I rode along the winding road.
"Please fucking slow down!" I heard him cussing at the top of his lungs.
Mas lalo kong pinalipad sa sobrang bilis ang motorsiklo. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit niyang kapit sa damit ko na halos napipilipit niya ito.
"RIVE— RIVERA! RIVERA! YOU LIL SHI— FUCKING SLOW DOWN!!!" I heard him calling some names of saints at halos mabitawan ko na ang handle bars dahil sa pagpipigil ng tawa.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ng maramdaman ko ang mga kamay niyang unti-unting kumakapit sa balikat ko.
Letse.
Nang makababa ay agad siyang napaupo at lupaypay na chineck ang sarili. Marahan niyang inalis ang helmet na nakasabit sa ulo niya saka nanghihinang naupo sa damuhan.
Abala ako sa pag-aayos at pag garahe ng motor sa ilalim ng puno samantalang siya ay halos mamuti na ang mata sa sobrang putla ng mukha niya.
Ilang minuto na akong nakaupo sa upuan ng motor kong hindi kalayuan sa kinauupuan niya. Kanina pa kami nakarating at buo pa naman ang katawan niya, ngunit hindi matigil-tigil ang tagaktak at pamumuo ng pawis niya.
"You good?" I asked him while exhaling a puff of smoke from my mouth.
Unti-unting pumihit ang ulo niya sa direksyon ko at matalim pa sa kutsilyo ang itinapon niyang tingin sa akin.
Kung nakakapatay lamang ang tingin niya, panigurado ay isa na akong giniling na karne sa ilang beses niyang pagtapon ng masasama at matatalim niyang mga tingin sa akin.
"You nearly give me a heart attack, and now you're gonna ask if I'm okay while you're just sitting there, casually smoking?" Nanghihina man ngunit nakuha niya pa rin na singhalan at sungitan ako.
Nakaupo pa rin ako sa motor at nanatili siyang nakaupo sa damuhan habang masama ang tingin sa akin.
Isang mayabang na ngiti lamang ang isinukli ko sa bawat inis na tingin na ibinibigay niya sa akin.
Bibigay ka din sa akin, Herrera. Mark my words.