CHAPTER 4 | SILENT COUNTDOWN

53 36 4
                                    

Pasado alas siyete na nang matapos ang last subject namin which is PATHFIT. Magang-maga ang palapulsuhan kong ngayon ay nagva-violet na. Hindi kase talaga ako mahilig sa sports, pero puta nagkataon naman na Volleyball ang PE namin ngayong semester kaya kotang-kota sa pasa ang kamay at braso ko.

"Mga boy, may inutos sa akin si mama. Need ko umuwi agad. Una na ako ha?" Paalam ni Chavez na agad naman naming tinanguan.

"Sabay-sabay na tayo. Saan ka dadaan, Centro ba?" Sagot pabalik ni Ferrero habang nagpupunas ng pawis. Ipinasa niya sa akin ang aqua flask na kinuha niya sa bag niya. Agad ko naman itong tinanggap at walang pagaalinlangan na binuksan upang uminom.

"Centro din ako. Ikaw ba, boy?" Baling sa akin ni Tuazon. Himala, hindi sila siraulo ngayon.

Ngumiti ako saka umiling. "Kakausapin ko si Attorney Llagas regarding sa presentation namin ni Herrera. Hindi pwedeng ma-bokya ako dun." Kaswal na sagot ko saka ibinalik kay Ferrero ang tumbler niya.

Hindi nakaligtas sa paningin ko kung paanong iniabot ni Ferrero ang susi ng sasakyan niya kay Tuazon dahilan upang maski si Tuazon ay takhang napatingin sa kanya.

"Gamitin mo ang sasakyan. Umuwi na kayo, ihatid mo muna 'to si Chavez at paiyak na." Utos niya saka i-ginesture ang ulo sa dalawa na umalis na. "Sige na."

"Ikaw? Paano ka uuwi?" Sinserong tanong ni Chavez habang isinusukbit ang bag sa balikat

"Ihahatid ako ni Rivera--!" Agad kong pinutol ang sinasabi niya saka siya binatukan.

"Tangina mo, huwag mo 'kong binuburaot ha." Bulalas ko saka idinuro ang mukha niya.  Pinagtawanan lang ako ng tatlo. Mga siraulo.

"Biro lang. Bobo!" Pasigaw na depensa niya. Natatawa pa rin siyang tumingin sa akin saka nakipag-apiran sa dalawang itlog.

Pabiro kong sinuntok ang braso niya dahilan upang matingin siya sa akin. Saglit siyang nagseryoso at lumapit sa akin.

"Tara na?" Aya niya ngunit umiling ko.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. Nakakunot ang noo niya at bahagyang nakabukas ang bibig niya.

"May class pa si Attorney Llagas sa Law school hanggang 9:30. Hihintayin ko siya sa faculty nila. Kayo, umuwi na kayo. Si Tuazon oh, paiyak na." Paliwanag ko pa. "Sige na, mauna na kayo." Pagtataboy ko ngunit kahit isang porsyento ay walang nagbago sa mukha ni Ferrero.

"Gabing-gabi na 'yan, boy. Ano ba? Deliakdo! Hihintayin na lang kita." Protesta niya ngunit umiling akong muli.

Lumamlam ang mata ni Chavez saka tumingin sa akin. "Sabihin ko na lang kay Mama, may project pa akong ginagawa. Maiintindihan niya naman siguro, samahan ka na lang namin." Mabilis sa alas tres na umiling ako saka siya binigyan ng nagbabantang tingin.

"Ano ka ba, kaylangan ka ni Tita. Umuwi ka na, gago. Magsisinungaling pa eh." Marahan kong ginulo ang buhok niya saka ako bumaling kay Ferrero.

"At ikaw naman, kayo ni Gomez ang naka-toka na magp-present bukas 'di ba? Mag-aral ka na lang. Huwag na matigas ang ulo! Go na, kaya ko 'to." Pagdadahilan ko. "Saka, hindi pa masyadong marunog magdrive 'yan. Baka makasagasa, konsensya mo pa."

"Wow, Rivera ha? Akala ko pa naman, sa akin ka concern." Kunwaring nagtatampo na sabi ni Tuazon. Tinawanan ko lang sya saka marahan silang pinagtutulak. "Maga-update ako, don't worry. Sige na, mauna na kayo!"

"Sigurado ka?" Nagaalalang tanong ni Chavez kaya ngumiti ako.

"Yes naman na oo, boss. Sige na, larga na!" Usal ko.

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon