The Dumb, The Dumber, The Dumbest and The Dumberist
8:30
Ferrero:
"Andito na si Sir Garcia!
Asan ka na naman?!"
✔️Seen by Rivera
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na replyan ang message niya. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa ACHSS building dahil nandun ang room namin sa PHIS subject. Sa sobrang bilis ng takbo ko, pakiramdam ko ay lilipad na ako sa ere. Tila ba hindi na dumadapo sa sahig ang mga paa ko. Abot-abot ang kaba sa dibdib ko dahil sa isiping late na naman ako ngayong araw.
Napahinga ako ng malalim nang maabot ko ang pintuan ng room namin. Laking pasalamat ko dahil nasa 2nd floor lang kami at hindi ko na kaylangan pang makipag-agawan sa elevator.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at agad akong pumasok. Sa likod na ako dumaan dahil maliban sa halatang late ako kung sa harap ako dadaan, parang bastos naman kung sa unahan pa ako dadaan.
I saw Prof. Garcia began to walk around the room. The sound of his footsteps echoed softly against the floor na siyang dahilan upang madagdagan ang nerbyos namin. As he reached the front, Sir Garcia turned towards the board and picked up a marker. With a swift motion, he wrote the words "Good intention = Good results + Bad results" in bold letters.
As I sat down, isang masamang tingin agad ang ibinigay sa akin ni Ferrero. Kunot na kunot ang noo niya na para bang konti na lang ay pwede ng maging mapa.
"Anong topic?" Tanong ko habang nakikitingin sa notes niya.
"Topic? Double effect. Sabi ni Sir, explain daw concept ng double effect base si diniscuss niya tapos anu-ano daw ang mga examples ng double effect." Paliwanag agad ni Ferrero sa akin saka itinuro ang mind map na isinulat niya sa notebook niya.
"Any idea from the class?" Ramdam ko ang biglaang malakas na pag pintig ng dibdib ko. Tiningnan ko si Herrera at si Kalliandra na ngayon ay halatang parehong nag-iisip.
Napalunok ako ng malalim saka dahan-dahang itinaas ang kamay.
"Yes, Miss Rivera. I had already anticipated that you would raise your hand." Pasimple akong napangiti dahil sa sinabi niya.
Naglakad siya pabalik sa mesa niya sa unahan saka kinuha ang green index card na naglalaman ng graded recitation namin.
I stood up and started to answer, "try lang sir, ha?" I said, a shy smile playing on my lips. Nakita ko ang pagtango ni Sir kaya't medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Kung sakali man na mali ang sagot ko, at least hindi ako mapapahiya kase sinabi ko naman na itatry ko lang. 'Di ba? That's what we call 'playing safe'.
I cleared my throat before speaking up, "The double effect, from my perspective, is when an action is taken with a good intention, but it also has both positive and negative consequences," I began. I smiled when I saw how Sir Garcia nodded.
Tumingin akong muli sa mind map na isinulat niya sa board saka muling nagsalita. "It's like a moral equation, where the desired outcome is the sum of the intended good results and the foreseen but unintended bad results."
I straighten my back as I continue, "For example, there's a war between Country A and Country B." I gestured with my left hand, representing Country A, and my right hand for Country B. "In this conflict, the main objective for both military forces is crystal clear—at iyon ay protektahan ang mga nasasakupan nila. The intention is to save lives."
Nagtagpo ang mata namin ni Herrera at halos lumundag ang puso ko nang makita kong tutok na tutok ang mga mata niya sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang seryosong nakikinig sa mga litanya ko. Hawak-hawak niya naman ang kanyang ballpen na nilalaro niya sa kanyang nakaawang na labi.
BINABASA MO ANG
FRACTURED
RomanceDatche Reese Rivera never imagined she'd be sitting in a courtroom, accused of a murder she didn't commit. The whispers, the accusing stares-it's as if the verdict has already been decided before the trial even begins. But what cuts the deepest is t...
