CHAPTER 6 | THE RIVALS (PART 2)

46 33 5
                                        


The Dumb, The Dumber, The Dumbest and The Dumberist

11:13 AM

Ferrero:
@Rivera lunch kami by 12.
sama u?

Tuazon:
Bonoan or A-Ave?

Chavez:
Mahal sa A. Ave

Ferrero:
@everyone may dala
me rice.

Chavez:
noice brod

Tuazon:
ako na lang sa ulam

Chavez:
baet nio hshs
desert pa boi @Tuazon

Tuazon:
gunggong. dagdagan mo
tong dala ko pakyeo

Ferrero:
chat ka kung makaksabay
ka @Rivera

I typed my reply and sent it.

Rivera:
dili me makakasabay
goiz

✔️Seen by Tuazon

Tuazon:
y?

Rivera:
dami q pendings. mamayang
afternoon na lang, sasabay me

✔️Seen by Tuazon, Chavez and 1 other

"If you're planning to fail this subject, don't include me." Natigil ako sa pagtipa sa phone ko ng magsimula siyang mag-ligpit. Isa-isa niyang nilagay sa backpack niya ang mga handouts at librong nasa harap niya.

Napatayo ako bigla saka lumapit sa kanya. Marahan kong hinawakan ang kamay niya dahilan upang matigil siya sa pag ligpit.

"Sorry na sorry na! Eto na, ano bang gagawin?" Agarang tanong ko. Hindi niya ako pinansin at isinukbit niya ang bag niya sa braso.

Napakagat ako sa sariling labi ng magsimula siyang maglakad papalayo. Puta talaga!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Agad kong inabot ang bag ko saka siya hinabol. Nasa loob kami ng library kaya hindi ko siya masigawan. Mga angry birds pa naman ang mga librarians dito kaya natatakot akong gumawa ng ingay.

Mas nilakasan ko pa ang lakad ko hanggang sa maabutan ko siya.

Ang sungit niya, for Pete sake! Bakit ko ba siya nagustuhan? Sa halos 10 years naming magkakakilala, ni hindi ko pa siya nakitang ngumiti man lang sa akin! Para siyang naglilihi at ako ang pinaglilihian niya.

"Huy!" Agad kong sinundot ang pisngi niya ng makasabay ako sa paglalakad niya. Napabuntong-hininga ako ng ilagay niya ang earpods niya sa tenga niya at mas lalong hindi ako pansinin.

"Ano ba! Ang bilis mo maglakad, hinihingal ako!" Reklamo ko habang nakasunod pa rin sa kanya.

Nakakunot ang noo niya at seryoso siyang nakatingin sa unahan habang naglalakad.

"Sorry na nga kase, ano ba naman 'to! Hindi mo pa nga ako jowa, nagpapasuyo ka na agad." Dire-diretso kong sabi.

"Puta." Napamura ako ng mauntog ako sa likod niya. Inis na kinapa ko ang sariling noo saka hinaplos ng sariling palad.

"What did you say?" Tiningala ko ang mukha niya saka siya sinamaan ng tingin.

Inalis niya ang kabilang earpods saka ako muling tiningnan.

"What did you say?" Pag-uulit niya pa sa mas lalong kalmado ngunit matitinigan pa rin ang inis sa kanyang boses.

Inirapan ko siya saka inayos ang pagkakasukbit ko ng bag ko. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang tila ba naghihintay sa isasagot ko.

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon