CHAPTER 14 | FIRST BRUISE

37 24 1
                                        

As I settled myself comfortably on the soft grass, I tilted my head and directed my gaze towards the vast expanse of the night sky above me. Punong-puno ito ng mga kumikinang na bituin na para bang kumikindat sa akin. Ang relaxing tingnan ng clouds na umaandar, pakiramdam ko ay nadadala niya ako sa kung saang parte ng mundo man siya mapapadpad. The moon was shining so bright and made everything look silver— para silang mga diyamanteng hindi nakatago. Kitang-kita ko kung paano silang sabay-sabay na kumikinang. Parang ang lapit, pero ang hirap abutin.

I closed my eyes and the night air held me—it was cold, and gentle. The wind slipped through the trees and brushed my skin, almost teasing, and in that moment everything slowed until I was completely still.

Napamulat na lang ako nang maramdaman ko ang mainit na presensyang papalapit sa gawi ko. Rinig na rinig ko ang mga magagaan niyang yapak hanggang sa tumigil ito sa harap ko at dahan-dahang naupo. Sa amoy niya pa lang ay kilala ko na agad kung sino.

Agad kong pinatay ang apoy ng sigarilyong hawak ko saka siya tiningnan.

"What brings you here?" Imbis na sagutin ako ay ginaya niya ang posisyon ng pagkakaupo ko. Nakatukod sa bandang likuran niya ang kanang kamay at ipinatong niya ang kaliwang kamay sa kanyang kaliwang tuhod na bahagyang nakataas.

His eyes lingered on the cigarette in my hand before moving up to my face.

"Umaatake anxiety mo?' he asked softly, his face lined with worry.

I smiled and chuckled softly. "I just couldn't sleep, kaya bumaba ako." I made an excuse.

For foocking sake, of course that was a lie!

Totoong hindi ako mapakali sa loob. Hindi mapayapa ang isip ko sa tuwing nakikita ko ang walang siglang katawan ni Ferrero na nakaratay. Hindi ako sanay at kailanman ay hindi ako masasanay.

Hindi ako sanay na hindi marinig ang boses niya. Sa tuwing pauwi ako galing school, hindi ako sanay na walang mga kamay ang kumukuha ng laptop at bag ko para hindi ako mabigatan. Sa tuwing magla-lunch, hindi ako sanay na hindi nakikita ang paboritong tumbler niya na inaabot niya mismo sa akin.

Ang bigat-bigat.

Every time I saw his condition, I couldn't think of anything else but to take away the remaining breath of the bastard who did that to him. Gusto kong simutin ang bawat hiningang meron siya hanggang sa mag-makaawa siyang tuluyan ko na lang siya.

"Why did you stop?" He spoke suddenly, looking at me as he pointed at the cigarette stick I had been playing with in my hand.

Tumawa ako ng mahina saka ipinakita sa kanya ang stick. "You don't like the smell of this. Sabi mo nu'ng nasa Sidab tayo." Pahayag ko.

Sidab, in short for CWC. Eto 'yung lugar na pinuntahan namin dati para sa last dry run na isinagawa namin.

"Yeah." Tumango-tango siya saka iginala ang paningin sa kalangitan. "It's not good for your health." Dagdag niya pa at wala akong nagawa kundi mapait na ngumiti.

"Pero bakit ka maga-adjust sa akin?" Bigla ay tanong niya. Puno ng kuryosidad ang boses niya.

I didn't know if I was just imagining it and if it was only my mind creating scenarios, but it seemed like I saw his eyes softly land on my face.

Tumikhim ako saka nagsalita. "I was in Grade 8 when I started to learn how to smoke." Kwento ko. Tiningnan niya ang mukha ko at tila ba naguguluhang nakunot ang noo.

"I was trembling so much to the point that all I could do was cry." Napangiti ako nang mapait na maalala ang isang pangyayaring hanggang ngayon ay itinuturing kong bangungot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon