Datche POV
Isang malakas na kalampag ang namayani sa loob ng bus na sinasakyan ko kasabay ng halos pagkasubsob ko sa sandalan ng upuan na nasa harapan ko. Napamura ako nang lumipad sa ere ang librong hawak ko at sa isang iglap ay nagkalat ang mga bookmarks at ilang papel na nakaipit mula dito.
"Putangina."
Isang malutong na mura ang kumawala sa bibig ko nang pati phone ko ay mabitawan ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakasubsob ko. Tinanggal ko ang headphone na nakasabit sa leeg ko saka tiningnan ang bintana para makita ko ang labas.
Kapag minamalas nga naman.
Nagsimulang mag ingay ang mga tao, maski ang mga pasaherong kasama ko sa loob ay tila ba biglang naging balisa. Isa-isa kong dinampot ang mga piraso ng papel na nahulog mula sa librong hawak ko saka ito basta-bastang isinilid ulit sa bawat pahina ng libro.
"Tumawag kayo ng medic! Tabi, tabi!!! Bigyan niyo ng hangin!" Bagot kong tiningnan ang konduktor ng bus na kanina pa pinagpapawisan kakasigaw. Humikab ako saka tumayo upang pulutin ang librong tumilapon kanina.
Napatingin ako sa labas at naagaw ang atensyon ko nang makita ko ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa mid-30's na parang wala sa sarili at nakahilata sa mainit at tila nagbabagang konkretong daan.
Sobrang nakakapaso ang init sa labas, nakakadagdag pa sa init ng panahon ang siksikan na mga taong nakikinood at nag vivideo sa nangyareng banggaan ng sasakyan. Halos nasa gilid kami ng tulay, maraming sasakyan ang nadaan at tila ba nagmukhang patintero ang daan sa sobrang tulin at dami nila.
Asar akong napaismid nang marealize na wala man lang nagtangkang huminto para tumulong.
These people are scary. How can they survive this day as if nothing has happened, knowing that someone is dying and they could help them, yet they didn't do a single thing? Maraming tao ang dumadaan at napapatingin sa pwesto namin dahil sa insidenteng nangyari, ngunit ganu'n pa man, wala man lang tumigil upang tumulong.
So this is the bystander effect, huh? Tsk.
Kabobohan! May mga hawak silang cellphone pero hindi nila makuhang tumawag ng tulong. Imbis na tumawag ng ambulance ay nauna pa nilang buksan ang kanya-kanyang camera para kunan ng litrato itong nangyari at mag live sa Facebook!
Diffusion of Responsibility. Ignorance, and Lack of empathy are some of the main reasons why we can't solve crimes because people tend to ignore or not care about the suffering of others. Even when they have the ability to help, they choose not to get involved.
I took a deep breath bago ko napagdesisyunang bumaba ng bus at lumapit sa kumpulan ng tao. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa gitna. Kusang nahawi ang tao sa paligid ko na para bang may dumaang anghel.
Napatingin sa akin ang konduktor ng bus. Isang nagtataka at nagtatanong na tingin ang itinapon niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Tsk. Ano, ngayon ka lang nakakita ng humihingang tao?
Napailing na lang ako sa inis. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. I immediately knelt down beside the woman, and gently touched her shoulders. Rinig na rinig ko ang bulungan sa paligid ko nang sinimulan kong ilapit ang mukha sa bandang mukha ng babae.
As a first aider, it's usually expected for me to introduce myself first. But honestly, who really cares about my name when there's someone out there who needs to be saved?
"Ma'am, are you okay? Ma'am are you okay?" Magkasabay kong hinampas nang marahan ang balikat niya habang nagsasalita ako sa magkabilaan niyang tenga. Dumaan ang ilang segundo ngunit wala akong natanggap na sagot galing sa kanya.
BINABASA MO ANG
FRACTURED
RomanceDatche Reese Rivera never imagined she'd be sitting in a courtroom, accused of a murder she didn't commit. The whispers, the accusing stares-it's as if the verdict has already been decided before the trial even begins. But what cuts the deepest is t...
