"What do you wanna have?" Literal na nalaglag ang panga ko ng makumpirma kong ako ang kinakausap niya. Tumingin-tingin pa ako sa likuran ko para i-check kung may ibang tao pa ba ngunit maliban sa transparent na brown na salamin na magsisilbing wall ay wala naman na akong nakita.
Agad akong tumayo upang sipatin ang noo niya para i-check ulit kung may sinat ba siya o ano.
"What the fuck are you doing, woman?" Singhal niya ngunit hindi ko makuhang mainis dahil napaka-kalmado at napakalambot ng dating ng boses niya.
Ang sama ng tingin niya sa akin matapos kong bawiin ang kamay. Agad akong napangiti at nakahinga ng maluwag dahil sa ugaling pinakita niya. Tuwing bumabait kase siya sa akin, parang hindi makatotohanan. Kaya, thanks Gawd at siya pa rin pala 'tong kaharap ko.
"Magde-date tayo, Hani?" Tanong ko saka nagpa-cute.
Agad namang nagbago ang reaksyon sa mukha niya. Bigla siyang nagseryoso at natahimik ako.
"It's lunch time, Daree."
'Daree'
Tangina, Herrera. Babaliwin mo ako.
Natameme ako bigla dahil sa narinig. For fuck sake, my heart skips a beat, and it feels like my mind goes blank for a moment. My jaw even drops because of disbelief.
It's as if time stands still, and everything around me fades into the background.
I slowly touched my face as I could feel my cheeks burning.
'Daree'
ACKKKKK!!!
Natigil ako sa pag-iisip maramdaman kong may tumama sa noo ko. Agad sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa gulat.
Hinawakan ko ang noo ko at agad na ibinaling ang tingin kay Herrera.
"What the fuck is your problem? Pagkatapos mo akong pakiligin, sasaktan mo ako bigla?" Protesta ko.
"Can you please lower your voice?" Mahinang sabi niya saka inilapit ang mukha sa akin.
Gosh. Ang gwapo niya! Kakaiba ang pagka-redbrown ng mata niya. Napaka-perfect ng pagkakagawa ng pilik mata niya, maging ang mismong mga mata niya ay para akong hinehele sa pungay nito to the point na kahit ata kalbo pa siya, gwapo pa din. The arch of his brows is flawlessly shaped na bumagay sa tamang kulay ng kutis niya. Hindi maputi at hindi naman maitim. He has this tanned-color skin that looks so perfect for him. Parang inembento ang kulay na tanned para lamang sa kanya— it's like a work of art! Parang dinrawing lang. His lips are naturally plump and beautifully shaped, parang heart na light pink. Parang ang sarap halikan. He has this jawline that exudes strength and confidence, with its sharp angles and defined contours that perfectly frame his face.
Tangina, Lord. Ang galing ng Artwork mo!
"Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw." Napahilamos siya sa sariling mukha saka napailing.
"You're giving me a headache." Komento niya saka kinuha ang wallet sa bag. Saglit niyang inayos ang sarili saka tumayo. Bumaling siya sa akin saka itinabi ang bag niya sa bag ko.
For the nth time, parang kiniliti ang kiffy ko dahil sa simpleng ginawa niyang iyon.
"Stay here, okay? I'll just buy us food."
'Us' Naks naman! Ang sarap pakinggan huhu.
Wala sa sarili akong napangiti. Hindi pa nga kami friends pero ganito na pakiramdam ko. How much more kung kami na?
HAHAHAHAYSSSS. Nakakabaliw, pota!
Ipinatong ko ang baba ko sa palad habang nakatukod ang siko sa mesa. Pinanood ko siyang maglakad papalayo. Composed na composed ang katawan niya habang naglalakad. Naka-relaxed ang balikat niya at ang likod niya. Ang sarap niyang panuoring payapang naglalakad. Parang ang bango niya. Ang sarap niyang i-baby.
Maya-maya pa ay nasa harapan ko na agad siya. Maingat niyang inilapag sa harapan ko ang food na inorder niya para sa akin. Hindi ako nakapag-pigil at agad ko siyang tinulungan na mailapag lahat ng pagkain na inorder niya.
Hindi ko mapigilang huwag mapangiti. Kusang tumataas ang sulok ng labi ko habang pinapanood ko siyang kumilos.
"Let's eat first then we'll discuss our presentation later. Is that okay with you?" Parang nangungusap ang mga mata niya ng tumingin siya sa akin.
"Ge lang." Agarang sagot ko. Tumango siya saka iniabot sa akin ang Utensils.
Ako ang huling natapos kumain dahil 90% - watching him eat at 10% - nguya ang nagawa ko. Ang pino niya kung gumalaw.
Habang pilit kong inuubos ang pagkain ko, siya naman ay nagbabasa ng notes niya. Naagaw ng pansin ko ang daliri niyang mahinang humahampas sa mesa na nakakagawa ng parang tono ng kanta.
Nang matapos akong kumain ay agad niyang niligpit ang plates na nagamit namin at inilagay sa tray. Maingat niyang pinagpatong ang plato namin saka ito inorganize sa isang tray.
Maingat king pinapanood ang mga galaw niya saka wala sa sariling napapangiti.
It's not his job to clean our table and fix the plates that we used, yet, being the good man he is, the waiter did nothing but take the tray where we placed our used items.
"Thank you, Sir." Nahihiyang sambit nu'ng waiter bago umalis.
Tinanguan siya ni Herrera saka ito nginitian. Pagkatapos ay bumaling ito sa akin ng may nagtatakang tingin. Alam kong gusto niya akong sungitan at tanungin kung anong nginingiti-ngiti ko ngunit itinuon niya na lamang ang atensyon sa mga printed papers na nasa harap namin.
"I talked to Sir Llagas and he allowed us to present this Monday." Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. Kalmado ang tono ng pananalita niya, maski ang mukha niya ay ganu'n din.
Tumikhim ako saka tumango. "Yeah. He mentioned it to me. Nagkausap kami kagabi sa Faculty. Kinausap mo na daw siya."
I saw how his forehead creased. He slightly tilted his head and squinted it, as he focused his red brown eyes on me. "Nagkausap kayo?" Bakas sa boses niya Ang matinding pagtataka.
Agad kong ginalaw ang ulo ko pababa-taas upang tumango bilang tugon. "Pinuntahan ko siya kahapon sa Faculty. Buti nga naabutan ko eh. Nakatulog ako sa labas ng office niya, buti na lang maagang natapos class niya sa law school." Pagkukwento ko.
Binasa ko ang mga paper na ibinigay niya sa akin saka naglagay ng highlight sa mga importanteng details. I was busy taking notes and highlighting when suddenly, he handed me a Mongol 2 pencil.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Palipat-lipat ang tingin ko sa pencil saka sa mukha niya.
"Don't use pen when you're jotting down. Use pencil para kapag need mong i-revise, hindi crowded masyado tapos malinis. Saka mo na i-ballpen kapag sure ka na sa drafts mo." Usal niya. Tinanggap ko ang pencil mula sa kamay niya saka matamis na ngumiti.
Tsk tsk, nice move, Herrera.
"Thank you, Hani ko!" Masiglang sagot ko pabalik ngunit siniringan niya lang ako.
Typical Herrera.
"Study hard and stop imagining things, Rivera." Masungit na sabi niya kaya napanguso ako.
Ibinaba ko ang tingin sa papel na hawak ko saka nagsimulang mag jot down ulit. Kalmado na sana ang dibdib ko mula sa matinding kalabog na dulot ni Herrera, ngunit muling nagwala ang puso ko sa loob ng mapansin ko ang maliit na ngiti sa labi niya.
For heaven sake! For the first time ay ngumiti siya! Damn it! He smiled at me and it's not even part of my imagination! I swear!