CHAPTER 10 | LAST GLIMPSE

46 28 1
                                        

I sipped on my coffee as I looked at my examination paper. Kanina ko pa ito tinititigan at hanggang ngayon, ilang minuto na ang nakaraan ay hindi pa rin rumehistro sa utak ko kung bakit ganito ang score ko.

I took a deep breath and exhaled deeply.

98/100. Two mistakes.

Kung bakit ba kasi dalawa na lang, hindi ko pa tinira. Matik sureball sana ang score ko para sa midterms. Nakakabanas.

Pinanood ko sa labas ng salaming bintana ang tubig ulan na dumadausdos pababa sa lupa. For the foocking sake, parang gusto ko na lang din sumama.

"Kamusta ang grades mo ngayong midterms?" Si Papa.

Kaharap ko siyang nagb-breakfast ngayon at hindi matigil sa pag nginig ang kamay at tuhod ko. Pakiramdam ko, anumang oras ay babaha na ng pawis sa kinauupuan ko dahil sa pamamasa ng palad at talampakan ko dala ng nerbyos.

Umuulan sa labas at may kalamigan ang klima ng panahon dahil ber-months na pero lintik kung makapagpawis ang buong pagkatao ko.

"Wala pa pong result." Sagot ko saka sumimsim sa kopitang hawak ko.

Nagtama ang mata namin ni Divina at isang simpleng ngiti ang iginawad niya.

"Ang exams mo? Nakailan ka? Balita ko ay nag release na ng papers ang ilan sa mga prof mo." Sunod-sunod na tanong niya.

Puta! Bakit ba lagi siyang updated sa ngalan ng markahan? Sinong siraulo ba ang consistent na nagbibigay ng info sa kanya? Kulang na lang ay palitan niya ang Dean namin sa sobrang updated niya.

"98 po ako sa isang subject." Simpleng tugon ko.

"Wow." Manghang komento ni Divina. Nakangiti siya sa akin at pumalakpak pa. "Ang taas ha? Siguro puno ng brain cells 'yang utak mo sa sobrang talino mo." Sobrang lapad ng pagkakangiti niya na umabot pa ito hanggang sa mata niya.

Ngumiti lang ako saka pinagpatuloy ang pagkain ko.

Sana ganyan din kadali para kay Papa na i-appreciate ang effort ko.

"Still not good enough." Parang kulog na dumagundong ang boses niya sa tenga ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa utensils na hawak ko.

Tumikhim si papa saka pinunasan ng tissue ang gilid ng labi niya. "Dalawang puntos na lang para ma-perfect mo ang exam, hindi mo pa nakuha." Litanya niya. May halong pang-iinsulto ang tono ng pananalita niya.

Akala ko ay hanggang doon na lang 'yon, ngunit nabigo lamang ako ng banggitin niya ang ikalawang tanong.

"Si Herrera at Madrigal? Nakailan?" Saglit siyang tumigil sa pag nguya para lang panoorin ang mukha ko. Biglang dumagundong ang kaba sa dibdib ko kasabay ng biglaang pag-init ng mukha ko.

Matagal bago ako nakasagot.

"100 si Herrera. 98 si Madrigal." Ramdam ko ang pagbigat ng hininga ko.

Napatitig ako sa mukha niya at hindi ako nabigo ng makitang punong-puno ng pagkadisgusto ang mukha niya.

"Hindi mo talaga matalo-talo itong si Herrera, ano? Pahina ka ng pahina. Kahit isang beses ay hindi mo man lamang nalamangan kahit isang puntos. Nakakahiya ka." Anas niya at tuluyang tumigil sa pagkain.

"Itong si Madrigal, konti na lang ay malalamangan ka na din, tingnan mo at humahabol sa'yo oh."

Hindi ko siya pinansin. Lamon lang ako ng lamon kahit pa halos hindi ko malunok tong nginunguya ko.

"Ang dami mo kasing pinagkaka-abalahan. Imbes na magfocus ka sa pag-aaral ay nakuha mo pang mag-volunteer sa walang kwentang redcross na 'yan—”

Padabog kong ibinagsak ang kubyertos sa mesa dahilan upang makagawa ito ng ingay at maputol sa ere ang sinasabi niya.

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon