Naramdaman kong may malambot na kumot ang nagpatong sa katawan ko. Sa sobrang antok ko ay hindi ko na ito pinansin pa bagkus ay hinayaan ko na lamang ang sariling malunod sa kaantukan.
Pasado alas siyete na ng gabi nang magising ako. Napatingin ako sa paligid ko at napansin na nasa hospital pa rin pala ako.
I robbed my eyes as I stretched my body. Dahan-dahan akong bumangon at humikab. Agad natagpuan ng mata ko si Tuazon na tulog habang nakaupo sa isang monoblock chair. Nakaharap ang katawan niya sa dalawang itlog na si Chavez at Ferrero.
Magkakrus ang kamay nito sa kanyang dibdib saka bahagyang nakayuko. Saktong pagtama ng paningin ko sa Center table malapit sa pwesto ko ay nahagip ng paningin ko ang dalawang baso ng kape.
It was the same hot coffee that Herrera gave me during our last dry run. Sa tabi nito ay ang kulay kayumangging paper bag na sa tingin ko ay toasted siopao ang laman.
A smile started to draw on my lips. Mabilis akong nagtungo sa CR para magmumog ngunit pakapasok na pakapasok ko pa lamang ay bumungad na sa akin ang sariling repleksyon sa salamin.
Natawa ako sa sariling itsura.
There was a sage green sticky note on my forehead.
Agad ko itong tinanggal at mas lalo lamang lumawak ang ngiti ko.
Daree,
For sure as you read this, I'm already home. Put a cold compress on your hand before doing anything. I bought coffee for both of you and 4 toasted siopao. Don't move your hand yet because it's still swollen. Check the mini-drawer beside Ferrero's bed. I left your reviewers there, which contain the latest topic from yesterday.
See you when I see you. Take care, you hard-headed person.
— H
Pakiramdam ko ay mapupunit na ang bibig ko sa sobrang lawak ng pagkakangiti ko. Agad akong pumihit papuntang kwarto at agad chineck ang maliit na blue na drawer na katabi nga ng bed ni Ferrero. Pakabukas na pakabukas ko ay agad tumambad sa akin ang ilang page ng short bond papers na naka-stapler pa.
Puno ito ng mga lessons na mismong sulat kamay ni Herrera ang may gawa. Naka-highlight na din ang mga importanteng keywords gamit ang light green na highlighter. Sa pinakagilid na bahagi, nakalagay ang ilang explanation ng mismong concepts sa mas pinasimpleng explanation.
Sobrang linis ng pagkakasulat niya. Para bang font sa computer ang itsura ng penmanship niya.
Buong araw na ganu'n ang mood ko. Hanggang pag-gising ko kinaumagahan ay hindi maalis sa isipan ko ang nangyari, kunti na lang ay magiging delulu na ako.
Days had passed until it become a week. Isang beses lang akong pumasok para magpaalam na hindi muna ako makakapasok and good thing dahil pinayagan nila akong huwag na munang pumasok dahil nga sa nangyari. Kahit si Tuazon ay inisa-isang puntahan ang mga professors namin kanina para lang magpaalam na ilang araw muna kaming hindi makakapasok.
Nasa Italy kasi ang buong pamilya ni Ferrero kaya't hindi nila madaluhan 'tong si Ferrero dito, pero at least sila ang nagbabayad ng mga bayarin. Ang family naman ni Chavez, kagagaling lang dito nu'ng isang araw. Sinabi naman ng doctor na wala kaming masyadong dapat ipagalala kay Chavez dahil hindi masyadong delikado ang lagay nito. Pero puta, comatose din.
Napamasahe ako sa sentido habang binabasa ang coverage na ibinigay sa akin ng prof ko kanina. Ang complex ng explanation. Hindi tulad nu'ng kay Herrera na mas mabilis na-grasp. Nang bandang alas otso na, saka lang ako nahiga. Abala si Tuazon kumopya sa notes na binigay sa akin ni Herrera nu'ng nakaraan, samantalang ako ay nakahilata sa sofa at nililibang ang sarili.
BINABASA MO ANG
FRACTURED
RomanceDatche Reese Rivera never imagined she'd be sitting in a courtroom, accused of a murder she didn't commit. The whispers, the accusing stares-it's as if the verdict has already been decided before the trial even begins. But what cuts the deepest is t...
