CHAPTER 8 | THE RIVALS (PART 4)

56 33 3
                                        

Today is the fourth day of the week. Ngayon din ang ika-apat naming paulit-ulit na pag review sa presentation namin for Monday.

Lagi kaming nagd-dry run kahit pa last week pa namin ito naayos. For the past few days ay lagi kaming magkasama, mapa-library man, mapa-Germania o sa Cafè man sa labas.

Sinisigurado naming napractice naming sagutin ang mga possible questions na itapon sa amin ni Attorney.

Mataas ang expectations niya sa aming tatlo dahil among the student's here, kami ang alam niyang tatahak ng Law pagkatapos ng College. Kaya ngayon pa lang, sinisigurado na naming malinis ang output namin lalo na sa subject ni Attorney De Llano.

Last pa naman namin 'to tinapos, mas fina-finalize lang namin ngayong linggo. Actually, last week pa nga namin siya tinurn in sa Bin e. Last week pa din kami tapos mag dry run. Pinagkaiba, lang, last week - online lang kami nag-uusap. Ngayon naman, sinubukan naming mag dry run ng face to face. May ilan kaming ni-revise sa paper pero minor lang naman.

Medyo terror si Attorney De Llano kaya hangga't maaari, I want our presentation to be perfect. Baka sabihin niya, extended na nga 'yung deadline para sa amin, bulok pa din presentation namin.

I couldn't handle that. Ikamamatay ko~ Char, Oa.

"Tapos kana sa term paper sa major?" Biglaang tanong ko. Napalingon siya sa akin saka ngumisi.

"Secret." Aba, may pa-ganyan na si Angkol.

Nandito kami sa favourite spot niyang upuan sa Germania. Sa dulo malapit sa salamin. Ngayon alam ko na kung bakit gustong-gusto niya dito.

MALAKAS PALA KASI ANG WIFI SA PARTENG ITO PLUS NAKATUTOK PA ANG AIRCON.

"Sa Life's and Works of Rizal, sino partner mo?" Maya-maya'y tanong niya sa akin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi saka ibinalik sa kanya ang katagang sinabi niya sa akin kanina.

"Secret." Ginaya ko ang tono niya kaya asar siyang nag-iwas ng tingin.

Agad akong humagalpak ng tawa. Ang pikon niya masyado, pero kung siya ang mang-aasar, ang galing niya mang-pikon.

Napailing ako habang tumatawa pa din. Kitang-kita ko kung paanong malukot ang mukha niya sa sobrang asar. Akmang ilalagay niya na naman ang mahal na mahal niyang earpods ngunit agad ko siyang pinigilan.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napanguso ako. "Ang pikon mo, wala pa, wala pa akong partner."

Agad nagliwanag and mukha niya kaya biglang lumaki ang pagkakangiti ko. "Gusto mo, tayo na lang?" Alok ko saka ngumisi.

Dahan-dahan siyang ngumiti saka inilapit ang mukha sa akin.

"Asa ka." Bulong niya sa mismong tenga ko. Agad nanglaki ang butas ng ilong ko at ng mata ko dahil sa narinig.

Marahas kong hinampas ang braso niya sa inis. "Edi huwag! Akala mo naman treasure ka." Sarkastikong singhal ko saka ko siya tinalikuran.

Narinig ko ang mahinang pag tawa niya dahilan upang sumayaw sa saya ang puso, stay at balun-balunan ko.

"If I am not then why are you chasing me?" Napakagat ako sa labi habang nagpipigil na huwag mangiti. Mabilis ko siyang hinarap. Agad nanglaki ang mata niya ng ilang distansya na lang ang lapit namin. Hindi pa ako nakuntento, dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya habang dahan-dahan naman siyang umatras.

Kitang-kita ko kung paanong napalitan ng kaba ang ngising kanina lang ay nakaguhit pa sa mukha niya. Kapansin-pansin din ang pagtaas-baba ng adams apple niya.

Napangiti ako. Tangina mo, ganito pala epekto ko sa'yo, ha.

Nagsimulang lumikot ang mga mata niya. Ilang beses siyang nag-iwas ng tingin ngunit sadyang hinuhuli ko ang mga mata niya.

Atras siya ng atras hanggang sa maramdaman niya ang pinaka-hulihang table sa dulo.

Corner.

Mas lalong lumawak ang ngisi sa mukha ko ng magsimulang mag-akyatan sa mukha niya ang dugo. Pulang-pula ang mukha niya, pati tenga at leeg niya ay parang sinabuyan ng apoy sa labis na pamumula. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pawis na nagsisimula ng mamuo sa noo niya.

"R-Rivera..." Kinakabahang anas niya. Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng katawan niya.

Isang palad na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Pakiramdam ko ay kapag lumapit pa ako sa kanya ay maririnig ko na ang ritmo ng dibdib niya.

"What now?" Mahinang sabi ko.

Napakurap siya. Muntik na akong matawa ng mahagip ng paningin ko ang mahigpit na pagkapit niya sa dulo ng T-Shirt niya.

"S-Stop this." Shet. Ang cute ni Gago."Stop this or else——— " Nabitin sa hangin ang sinasabi niya ng mas lalo kong ilapit ang mukha ko sa mukha niya na isang maling galaw ay mahahalikan ko siya.

Pabor naman sa akin kung gagalaw siya. Iyon nga ang gusto ko e.

"Or else?" Pang-uudyok ko, "ituloy mo Herrera. Or else what?" Itinagilid ko ang ulo saka pinanood kung ilang beses siyang napapalunok.

"Let's go back to—" Mahina akong tumawa dahil sa mga maging reaksyon niya.

"Fuck—! R-Rivera, come on." Tiningnan ko siya sa mata saka muling idiniin ang katawan sa kanya. This time ay isang gibla na lamang ng buhok ang layo namin.

Tagaktak ang pawis niya sa noo, maging ang leeg niya ay nagsimulang magtubig. For fuck sake, pawisan na siya pero bakit ang bango niya pa rin? Unfair!

Hindi ko maramdaman ang hininga niya kahit pa sobrang lapit na namin. Bahagyang nakataas ang balikat niya at ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. Halos maduling na siya sa sobrang lapit ng mukha ko sa kanya.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kaliwang mata, labi, pabalik sa kanang mata niya.

Pinipigilan niya ang huwag huminga. Nakatukod ang magkabilang kamay niya sa magkasigilid niyanupang suportahan ang sariling katawan. Tanging ang gilid ng mesa na lamang ang nakasuporta sa katawan niya. Bahagyang nakasandal ang kalahating katawan niya dito, bagay na sumu-suporta sa bigat niya.

Ngumiti ako dahilan upang mag-iwas siya ng tingin.

"Breathe." I commanded him, noticing how his cheeks turned red as hell, as if he ate a chili. His eyes darted away for a moment before meeting mine again.

I laughed playfully before touching his jaw. "Breathe, Herrera. Breathe." I repeated, urging him to calm down.

"One..." I counted out slowly, "two... three," and urged him to take a deep breath. He finally followed my lead, inhaling deeply.

His ears, neck, and face were flushed with a deep shade of red, as if he had been running after a horse for an hour.
 
Saktong paglayo ko sa kanya ay ang pagbigay ng katawan niya. Muntik na akong matawa ng bigla siyang yumuko saka mariing pumikit.

Gusto kong humagalpak ng tawa ngunit namayani sa dibdib ko ang konsensya ng mapansing napahawak na siya sa dibdib niya.

Agad nawala ang ngisi sa mukha ko ng marinig ang mahinang bulong niya.

"Damn it, Rivera. Panindigan mo 'to."

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon