"Nagseselos ako Calli. Nagseselos ako sa tuwing kausap mo siya. Nagseselos ako sa tuwing kasama mo siya at nagagawa niyang patawanin ka. Nagseselos ako Calli kasi gusto kita."
-Austine Matthew Ocampo-
"I'm jealous, I'm fucking jealous Calli"
Hindi mawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Austine ng gabing umuwi kami pagkagaling sa party. Isang linggo na din ang nakalipas ng maganap ang party ng club, pero hanggang ngayon ang iniisip ko pa rin ang sinabing iyon ni Austine sa akin.
Sa bahay na din siya naka tulog noon. After niya kasing sabihin ang mga salitang iyon sa akin ay muli naman siyang naka tulog. Hindi ko nalang din siya ginising at hinayaan ko nalang siya magpahinga sa may sala. Lasing na din kasi siya, ito ang unang beses na makita ko siya magkaganon. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya kung pipilitin pa niyang umuwi kaya naman hinayaan ko nalang siyang magpahinga sa bahay.
Nang magising naman siya kinabukasan ay wala naman na siyang nabanggit tungkol sa kanyang sinabi. Magkasabay kaming kumain ng umagahan ng araw na iyon, tinanong ko din siya kung may naalala ba siya, sagot naman niya sa akin at wala daw, kaya hindi nalang din ako nag salita.
Maaga akong nagising ngayong araw ng Lunes, kaya maaga akong pumasok sa school. Pagpasok ko sa aming silid para sa unang klase ko ay wala pang tao roon. Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagbabasa ng aking mga notes para sa nalalapit naming prelim exam. Nakatuon ang aking buong atensyon sa aking binabasa ng bilang may umupo sa aking tabi. Akala ko si Austine iyon kaya laking gulat ko ng makita si Amir sa aking tabihan.
"Good Morning Calli. Ang aga mo naman ngayon." bati nito.
"Ah oo, maaga kasi akong nagising, wala naman na akong magawa sa apartment kaya pumasok nalang ako ng maaga." Tugon ko naman.
"Kaya pala, sa apartment ka lang nakatira? Mag-isa?" Pag-uusisa pa nito.
"Oo eh, nasa Nueva Ecija kasi ang pamilya ko kaya mag-isa lang ako dito sa Manila. Mula ng second year high school ako, mag-isa na ako dito." Paliwanag ko naman.
"Oh, I see. Nakakabilib ka naman, you're leaving independently. By the way, bakit nga pala bigla kang nawala nung party? Hinanap kita, umalis ka na daw sabi ni Carlo" tanong muli nito.
"Napadami kasi ang inom ni Austine, kaya inaya ko na siya umuwi." Paliwanag ko nalang.
"Austine?" nagtatakang tanong niya. Hindi nga pala niya kilala si Austine sa pangalan nito.
"Si Amo, yung kasama ko na pinakilala ni ate Angela sa'yo. Member din siya ng club siya yung male lead sa play." paliwanag ko nalang.
"Boyfriend mo?"
"Hindi, close friend lang kami. Isa siya sa mga unang nakilala ko dito sa school kaya naging malapit na din kami"
"Ah, kala ko boyfriend mo. Napansin ko kasi ang sama ng tingin niya sa akin noong magkausap tayo sa bahay ni Carlo."
"Hindi yun. Wala lang talaga yun sa mood nung nagpunta kami sa party, pero mabait naman yung si Amo" Paliwanag ko nalang sa kanya.
Patuloy lang ako sa aking pagbabasa ng mga notes ko ng mapansin kong nakatingin din pala ito dito. "Why" Tanong ko nalang.
"Ah..... pede ko ba mahiram yung notes mo? Late na din kasi ako naka-enroll madami na din akong namiss na lessons, prelims pa naman natin sa isang linggo" nahihiyang turan naman nito.
BINABASA MO ANG
Pentagon Series 1: Dream (COMPLETED)
RomanceAchieving your dream with someone you really love is a great fulfilment. But choosing between your dream and the person you love is another thing. Maabot pa kaya ni Amo ang kanyang pangarap, kung kapalit nito ay ang pagkawala ng babaeng kasama niy...