We don't need you now Austine. Nabuhay ang anak ko ng apat na taon na wala ka. Magagawa naming mabuhay sa mga susunod na taon na wala ka pa rin sa buhay namin
-Callista Elora Alegria-
I woke the next day hoping Calli is still beside me, but she not. I tried to call her but she's not picking up. Gustong gusto ko siya puntahan para makausap, hindi lang tungkol sa nangyari sa amin kagabi kundi ang lahat lahat ng tungkol sa amin.
Sinubukan kong kumuha ng impormasyon tungkol sa tinitirhan ni Calli mula sa kanyang mga kasamahan, ngunit kahit sila ay wala ding alam, She was too private that even her workmates has a limited information about her. It left me with no other choice but to asked the only person na alam kong higit na nakaaalam kung nasaan ba ngayon si Calli.
"Amir, please tell me where she is right now, I badly needed to talk to her, please bro." pagsusumamo k okay Amir matapos kong makapasok sa loob ng opisina niya. Kanina pa ako nakikiusap sa kanya sa phone palang pero talaga ayaw din niyang magbigay ng impormasyon kaya naman sinadya ko na siya sa opisina kahit pa may practice kami ngayon.
"I can't." maiksing tugon lang nito habang ang atensyon ay nasa mga dukomento pa ring kanyang binabasa. "Kahit alam ko kung nasaan siya ngayon hindi ko pedeng sabihin sayo, kami naman ni El ang magkakaproblema pagnagkataon." Pagpapatuloy pa nito.
"Bro I really need to talk to her right now, please kahit ngayon lang tulungan mo ako." Pagmamakaawa ko pa rin dito.
Ibinaba naman nito ang mga papel na kanyang hawak at ibinigay ang buong atensyon sa akin. "I know how you badly need to talk to her, pero bro sana maintindihan mo din na nirerespeto ko lang ang kagustuhan ni El. Kung ako sayo antayin ko nalang na mag Lunes, She never break her promises, kung ano man ang nangyari sa inyo, sigurado pa rin akong pupunta at pupunta yun sa Lunes dahil iyon ang commitment niya." Mahabang paliwanag naman nito.
Wala na akong nagawa kundi ang muling bumalik sa studio kung saan kami nag eensayo. Mukang wala talaga akong ibang choice kundi ang hintayin ang Lunes.
Dumating ang Lunes pero hindi sumipot si Calli. She just sent us a message that she has an emergency and she will attend our rehearsal tomorrow instead, nang sinubukan ko naman itong tawagan matapos kong matanggap ang text niya ay wala namang sumasagaot sa tawag, ring lang ito ng ring.
The next day she made her promise. She attended our practice, pinanpatuloy din nito ang paggawa ng bago naming kanta. Even though she is physically present, ramdam ko pa din malayo ang kanyang iniisip.
Nang sumapit naman ang tanghalian at hindi na din ako sumama sa mga kabanda ko. I decided to order a food for me and Calli instead. Nang dumating na ang mga pagkain ay marahan naman akong lumapit sa mesang kanyang inookopa. Bahagya pa itong nagulat ngunit nakabawi din matapos ang ilang saglit. "Thank you, iwan mo nalang ang pagkain dyan, mamaya ko nalang kakainin." Turan nito habang tutok pa din ang atensyon sa kanyang ginagawa.
"It's okay, antayin na kita, sabay na tayong kumain" sagot ko naman habang inilalabas isa-isa ang mga pagkain sa loob ng paper bag.
Saglit naman nitong itinigil ang kanyang ginagawa at hinarap ako. "Amo, I'm really not hungry. Mauna ka nang kumain. Kailangan ko din matapos to agad." Ani pa nito.
"I told you it's okay, aantayin kita, sabay tayo" pinal ko namang sagot.
"What do you really need Austine. Sabihin mo na ngayon dahil madami pa talaga akong ginagawa." Tanong naman nito.
BINABASA MO ANG
Pentagon Series 1: Dream (COMPLETED)
RomanceAchieving your dream with someone you really love is a great fulfilment. But choosing between your dream and the person you love is another thing. Maabot pa kaya ni Amo ang kanyang pangarap, kung kapalit nito ay ang pagkawala ng babaeng kasama niy...