Twelve: First Fight

257 105 5
                                    


-Problems are part of life. Facing them is an art of live-



Sa loob ng mahigit dalawang taon naming magkarelasyon ni Austine I can say that our relationship are getting stronger, even though sometimes we have a misunderstanding but we always make sure na before matapos ang araw ay maaayos namin ang problema.

Even to his parents particularly kay tita Agnes, I also developed a strong bond with her. Madalas kasi kaming lumabas, minsan nga nakakahiya na sa kanya dahil sa tuwing lalabas kami para mag shopping siya ay hindi pedeng wala siya bibilhin para sa akin.

Katulad nalang ngayon. It's Saturday at wala naman akong pasok or training sa agency namin, kaya naman ng tawagan ako ni tita para mag pasama sa salon ay wala din akong nagawa kung hindi ang samahan ito. Hindi lang namin nakasama si Austine ngayon dahil may biglaang meeting sa agency nila.

We're now here in Prestige, isa sa mga kilalang salon sa bansa. Maganda naman talaga ang services nila, yun nga lang may kamahalan lang talaga. Tanging mga taon nakakaangat lang sa buhay talaga ang madalas na pumunta dito.

"How's school hija?" tita Agnes asked.

"Okay naman po tita, medyo busy lang talaga kami ngayon ni Austine dahil nasa third year na kami, but everything is okay" magalang na tugon ko naman sa ginang.

"Eh kayo ng anak ko kamusta naman? Wala ba kayong nagiging problema?" muling usisa nito.

Hindi naman na bago sa akin ang pag tatanong ni tita tungkol sa relasyon namin. Sa katunayan nga mula ng ipinakilala ako ni Austine sa family niya, lagi nila kaming binibigayan ng mga advices para ma's mapangalagaan namin ang relasyon namin.

Isang malalim na bunting hininga muna ang ginawa ko bago ko sagutin si tita. "Wala naman po kaming problema tita. Yun nga lang nitong mga nagdaang linggo medyo nagiging mainitin ang ulo ni Austine, lagi din po siyang tahimik lang tuwing mag kasama kami, masyado po ata niyang dinamdam ang pag kakaalis sa kanya sa line up ng nag debut last week."

Tita Agnes heave a sigh. "I knew it. Sabi ko na nga ba yun ang problema ng batang yon. Nung minsang umuwi kasi yun sa bahay matamlay siya noon pero hindi naman na nagsalita. Hindi din naman namin makausap ng tito mo dahil mula ng dumating ang batang iyon sa bahay ay sa bar counter na yun nag tuloy para uminom. Then the next day we saw a news tungkol sa bagong grupo ng agency nila" Tita Agnes shared.

"Yes tita. Akala kasi namin kasama na siya sa line up. Mahigit isang taon na din kasi mula ng mag signed siya sa agency na iyon. They promise Austine to debut in few months after the contract signing, pero wala pa din po. He even do practices together with the boys kaya akala namin talaga kasama siya pero a day before ang debut kinausap po siya ng president ng agency at sinabing mag give way muna, tutal they are already planning a big debut for him. Pero mula po noon tita kita ko ang lungkot kay Austine, tila nawalan din po siya ng gana na mag practice or pumunta man lang sa agency nila, ni ayaw na nga pong umatend ng mga training. Ngayon nga po kung hindi lang siguro ang president ng agency nila ang tumawag sa kanya baka hindi din po yun pumunta ngayon sa meeting. " paliwanag ko pa kay tita.

Nag kwentuhan lang kami ni tita hanggang sa matapos ayusin ang aming mga buhok. She even gives me some advices on how to handle Austine lalo na sa sitwasyon ngayon.

Palabas na kami ng Prestige ng makatanggap si tita ng tawag, agad naman itong lumayo ng bahagya sa akin bago nito sagutin ang tawag.

Makalipas ang ilang minuto ay muling bumalik si tita "Calli hija, I'm really sorry, but your tito called me, he needs me now at his office" hinging paumanhin ni tita. Plan kasi namin na mamili pa ng ilang mga damit pero dahil sa biglaang tawag ni tito ay hindi na namin ito magagawa.

Pentagon Series 1: Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon