Twenty-Nine: Truth

210 21 0
                                    


---The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies; it comes from those you trust the most-----



Isang lingo. Isang lingo mula ng mailibing namin si Jace ay patuloy pa din ang paglayo ni Calli sa akin kay CJ. Ni hindi niya ako hinahayaan na makalapit sa bata o ang makausap man lamang ito.

Akala ko nga noong una ay okay na ang lahat. Hinayaan niya akong manatili sa lamay ng aming anak hanggang sa mailibing ito. Subalit nagbago ang lahat matapos naming ihatid sa huling hantungan ang bata.

"Bro ayaw talagang ipahiram eh. Sinabi na nga namin na gusto lang naming makasama si CJ at hindi ka naman kasama, kahit pa kako isama namin ang yaya ng bata kaso wala talaga" Nanlulumong balita sa akin ni Seb isang araw matapos ko siyang pakiusapan na hiramin kahit saglit lang ang anak ko.

"Kahit ba sa iyo Maddie ayaw din ipahiram si CJ?" tanong ko naman sa kakambal nito. Kasalukuyan kami ngayong nasa loob aking penthouse dito sa hotel na aming tinutuluyan. Nagkaayos na kasi ang magkapatid noong panahon na nakaburol pa si Jace. Even though may parte pa rin sa kanila na hindi pa rin tuluyang naghihilom ang mahalaga sa ngayon ay civil naman ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa.

"Ayaw talaga Austine. Naiintindihan ko naman na gusto mo nang makasama ang bata, kaso wala talaga tayong magagawa, lalo na at hindi naman dala ni CJ ang pangalan mo." turan naman nito.

"Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo ha. Bakit hindi nagtutugma ang kwento niyo sa kung anong nangyari after that night. Sabi ni Calli hindi siya tumigil sa pagcontact sayo kahit noong panahon na natuklasan nila na may sakit na si Jace. Pero sabi mo naman ikaw din hindi tumigil sa paghanap sa kanya. Pero bakit hindi kayo nagpanagpong dalawa?" patuloy pa din tanong nito.

Kahit ako ay hindi ko din alam. Dahil kung natanggap ko ang mga tawag niya ay hindi tatagal ng ganito katagal na magkahiwalay kami. At ang sinasabi niya pinagtabuyan ko siya noong panahon na pinuntahan niya ako sa Manila, fuck wala akong alam, at hinding hindi ko magagawa kay Calli yun, lalo na kung nalaman ko ng mas maaga kalagayan ng anak namin.

"Isa lang naman ang naiisip ko Bro na maaring maging dahilan ng lahat ng ito. Mula pa noon may pilit na talagang humahadlang para magkita kayo." Deklara naman ni Alphy na ngayon ay kasalukuyang naglalapag ng mga inuming alak sa harap namin.

"Sino naman ang gagawa non Alphy? Lahat tayo nagtulong-tulong na para mahanap si Calli noon, pero bigo pa din tayo. Kahit nga ang agency at si Harold palihim din ang paghahanap sa kanya." Ani naman ni 'A'.

Isang iling lang naman ang binigay ni Alphy sa bawat isa habang umiinom sa bote ng alak na hawak nito. "uhm, uhm. Correction, hindi lahat." Makahulugang tugon naman nito.

"What do you mean?" Ryan asked.

"Shane" anito matapos punasan labi dahil sa bakas ng alak na kanyang ininom.

"Ano naman ang kinalaman ni Shane dito?" muling natong naman ni 'A'

"Hindi naman sa nagbibintangan ako ha. Pero tingnan nyo, sino lang ba ang may access sa mga SNS natin before." Alphy said.

"Si Shane" wala sa sariling tugon naman ni Ryan.

"Tama. Ngayon bukod sa mga artist at higher official ng kumpanya, sino lang ba ang may kakayahang mag pa band ng mga tao o fans sa loob at labas ng agency para hindi makalapit sa atin?" muli pa nitong tanong.

"Manager" alanganin namang sagot ni 'A'.

"Tama uli. Ngayon, sino ba ang nagging manager natin mulang ng lumipat tayo ng agency?" muling usisa uli ni Alphy sa lahat.

Pentagon Series 1: Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon