"There are friends, there are family, and then there are friends that become family"
It's been a month since magsimula ang college life ko, and so far masaya at nakakaenjoy naman. Madami akong natutunang mga bagong activities lalo na sa club na sinalihan namin ni Austine. Sa katunayan nga katatapos lang ng performance namin sa isang maliit na fund raising event dito sa university. Ang kinita ng club ay mapupunta lahat sa isang bahay ampunan sa Laguna, madaming bata na din kasi ang nasa lugar na'yon at ngayon madaming kulang sa mga gamit nila lalo na sa pagkain, kaya kahit sa maliit na paraan masaya akong maging bahagi ng event na iyon, kahit papaano nakatulong ako.
Madami-dami na din akong nakilalang mga bagong kaibigan, at lahat ng yun ay dahil din kay Austine. Pinapakilala niya ako sa mga schoolmates namin na kakilala din niya. Hindi niya ako iniwan, he really guides me all throughout, at ngayon kahit papaano nagiging kumportable na din ako sa harap ng ibang tao.
"Hey, a penny for your thoughts?" pukaw antensyon niyang sabi matapos makalapit sa akin, sabay abot ng isang can ng soft drink. Hindi ko kasi namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatulala sa stage décor na ginagawa namin ngayon sa club. May gagawin kasing stage play sa susunod na buwan, at ako ay isa sa mga member ng production team, kaya ito abala ako sa paggawa ng mga décor lalo na pag wala kaming klase.
"Nothing, I'm just happy. All of this are new to me, pero sobrang saya ko, Thank you talaga Austine ha, kung hindi mo ako sinama dito sa club malamang ang boring ng college life ko ngayon." tugon ko naman habang tinatanggap ang kanyang ibinigay na inumin.
"Anong thank you? Wala ng libre sa panahon ngayon no." birong sagot naman niya, at alam ko na kung anong gusto niya, box ng cookies ko. Mula kasi ng binigyan ko siya ng cookies noong unang araw na magkakilala kami lagi na niya akong kinukulit na gawan siya noon. Dati si Maddie lang ang ginagawaan ko, ngayon dalawa na sila.
"Oo na, ito na bayad ko sayo" kunwaring pagalit kong sagot sa kanya sabay bigay ng cookies na matagal na niya nilalambing sa akin.
Bigla namang nagliwanag ang kanyang mga mata, tila batang excited sa nakatanggap ng regalo. "Wow, buti meron kang dala ngayon para sa akin, akala ko inubos na naman lahat ni Maddison ang cookies mo eh" masayang sambit pa niya.
Nakilala na din kasi niya si Maddie one week after magsimula ang klase. Mabilis naman silang nagkasundo, palibhasa parehong extrovert itong dalawa, yun nga lang may oras na pakiramdam ko may kasama akong dalawang bata pag magkakasama kami. Madalas kasi sila mag biruan at kung minsan mag-agawan sa cookies na ginagawa ko.
"Hindi pa kami nagkikita ni Maddie, kaya swerte mo ikaw una kong nakita kaya napunta sa iyo yan" birong tugon ko naman sa kanya.
"Salamat ha, pasalamat pa pala akong hindi pa kayo nagkikitang dalawa" sarkastikong tugon naman niya.
Natawa naman ako sa reaksyon niya, para kasi siyang batang nagtampo dahil sa sinabi ko kanina. "Ito naman biro lang. Sa iyo talaga yan. Siya nga pala bakit nandito ka sa back stage? Diba dapat nasa harap ka at nag re-rehearse?" tanong ko naman. Siya kasi ang lead character sa short theatre play na gagawin namin, at ang alam ko may practice sila sa labas ngayon.
"Hindi ba pwedeng magpahinga?" sabi naman niya sabay higa sa lap ko. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sahig ngayon dahil my tinatahi ako para costume na gagamitin nila. "Katatapos lang isang set namin, may 15 minutes break kami" dugtong pa niya habang patuloy sa pagkain ng cookies na binigay ko.
BINABASA MO ANG
Pentagon Series 1: Dream (COMPLETED)
RomanceAchieving your dream with someone you really love is a great fulfilment. But choosing between your dream and the person you love is another thing. Maabot pa kaya ni Amo ang kanyang pangarap, kung kapalit nito ay ang pagkawala ng babaeng kasama niy...