-I will be her permanent armour against any enemy for the rest of her life.-
I can't sleep that night. Hindi pa din ako makapaniwala na buhay ang anak ko. Ang anak kong ilang taon kong pinagluksa sa pag-aakalang talagang pinalalaglag na ito ni Calli matapos ko siyang talikuran.
I'm so happy knowing that she is alive, but at the same time I'm so worried on how to be part of her life, lalo na ngayong alam kong sobra ang pagkagalit sa akin ni Calli.
I want to give my name to her, to be her dad. Pero alam ko ding hindi iyon magiging madali. Sa ngayon makita at makasama siya ay sapat na sa akin, kahit hindi nya ako magawang tawaging 'daddy' ay okay lang, basta makita at mayakap ko lang siya kahit sasaglit ay sapat na.
Dahil hindi din naman ako makatulog na ay napagpasyahan kong pumunta na sa studio to practice kahit pa 5:30 pa lang ng umaga.
I parked my car in my designated parking lot at akmang papasok na sa elevator ng mapansin ko ang isang bulto ng bata sa di kalayuan.
Dahil sa bahagyang madilim pa ang paligid ay hindi ko naaninag ang bata kaya naman mas minabuti ko nalang na lapitan ito.
"CJ" gulat na tawag ko sa bata ng malapitan ko ito at makilala. Nakaupo ito hindi kalayuan sa sasakyan ni Calli habang nililibang ang sarili sa pagguhit sa sahig gamit ang maliit na bato.
"Sir po" nakangiting bati naman nito.
"What are you doing here? Nasaan ang Mama mo?" nag-aalalang tanong ko dito habang umuupo sa kanyang harapan.
Hindi ko naman napigilang haplusin ang kanyang mahaba at itim na itim na buhok na nakuha niya sa kanyang ina, habang minamasdan ang bawat parte ng kanyang mukha.
She is no doubt my daughter. She get most of her facial pictures from me. Bukod tanging ang buhok at ang kanyang labi lamang ang kanyang nakuha kay Calli.
"Mama up their po" anito sabay turo sa taas ng building.
"Bakit iniwan ka niya ditong mag-isa?" muling tanong ko naman.
Lumapit naman ito sa akin na tila may ibubulong kaya naman mag tumungo pa ako sa kanya kahit pa dadalawa lang naman kami dito sa parking lot.
"It's a secret okay po Sir. Mama don't know I ride the car po kanina." Mahinang sabi naman nito. "I want to be with Mama po. But she always work. Kaya sasama nalang po ako sa kanya ngayon." Dugtong pa nito bago muling umayos ng upo.
Hindi ko naman maiwasang maawa para dito. Kung simula palang kaya tinanggap ko na siya mararamdaman kaya ito ng anak ko. Kakailanganin pa kayang umalis ni Calli at iwan ang anak naming sa yayanito araw-araw para magtrabaho.
I hear her stomach growl. Napangiti naman ako ng bigla niya itong hawakan.
"Are you hungry?" nakangiting tanong ko naman dito.
Tanging pagtango lang naman ang sinagot nito. I asked her if she wants to join me for breakfast but she seems hesitant.
"But Mama said don't go with the stranger." Nakanguso naman nitong sagot.
Calli teach her really well, and she is smart to understand it despite of her young age.
"I'm Austine" sabi ko naman sabay angat ng kamay ko sa ere para makipagkamay sa kanya.
She seems confuse but still inabot pa rin nito ang kamay ko.
"Now that you know me I'm not a stranger anymore. Now can we eat I'm also really hungry" muling turan ko dito sabay hawak pa ng bahagya sa aking tiyan para ipakita dito na talagang gutom na din ako.
BINABASA MO ANG
Pentagon Series 1: Dream (COMPLETED)
RomanceAchieving your dream with someone you really love is a great fulfilment. But choosing between your dream and the person you love is another thing. Maabot pa kaya ni Amo ang kanyang pangarap, kung kapalit nito ay ang pagkawala ng babaeng kasama niy...