Twenty-One: New Beginning

285 53 3
                                    


-Every book has a new chapter to begin with. New story to tell. New lesson to learn-



---Austine Matthew Ocampo---

"Bro" tapik sa aking ni Seb sabay abot ng isang baso ng alak. Nasa penthouse kami ngayon ng hotel dito sa Japan kung saan nag stay ang grupo. Kakatapos lang kasi ng two days sold out concert ng Pentagon dito sa Tokyo. This is also our second to the last destination for our world tour, last stop kasi namin ay ang Pilipinas, but there's no exact details yet, kasalukuyan pa kasing nakikipag-coordinate ang agency namin sa producer na hahawak ng concert.

"Still thinking about her?" Seb asked before he sat beside me.

"Yah, hindi naman ako tumigil sa pag-iisip sa kanya." Pag-amin ko habang nilalaro ang kwintas na suot ko ngayon. It's the necklace with our initials that I gave to her on our second anniversary, binalik lang niya ng gabing nagkahiwalay kami. After that night nawalan na din ako ng balita sa kanya.

Seb even help me to locate Calli, kahit nga hindi maayos ang relasyon niya sa kambal niya ay nagawa pa niya ring kausapin si Maddie just to get information about Calli. Pero kahit si Maddie ay wala ring balita dito.

"Bro, hindi kaya sapat na ang apat na taon para kalimutan mo na si Calli. Mahirap hanapin ang isang taong ayaw pahanap. Ginawa mo naman na lahat. Hindi ka rin naman mahirap hanapin dahil kahit saang media flat form nalabas ang balita tungkol sa grupo. Kung talagang gusto ka niya makita o makausap man lang siya mismo ang lalapit" Ani naman nito.

Seb witness how miserable I am when me and Calli part ways. Hindi ko nga maalala pano ko pa nagawang pagpatuloy sa grupo after that night.

Ang alam lang grupo ay naghiwalay kaming dalawa, but they didn't know the reason why, at hindi naman sila nagtatanong pa, they just respected my privacy regarding to my personal life.

A week after that night tried to contact her. I even go to her apartment and her agency. Kahit nga sa probinsya niya ay nagawa ko na din pumunta. I just realise back then na hindi ko kayang wala siya sa buhay ko. But it seems it was too late already. Because no one know where she is.

That was the time I decided to continue being part of Pentagon. Umaasang baka isang araw magkita muli kami at baka sakaling maayos pa namin ang mga bagay-bagay sa pagitan naming dalawa. Hindi din ako tumigil sa pagpapadala ng mga messages sa mga social media accounts niya, kahit na alam ko naman na hindi naman niya nababasa ang lahat ng iyon.

"I can't Bro. Sobrang laki ng kasalanan k okay Calli. Kulang pa ang buhay ko para kabayaran sa kasalanan ko sa kanya. Saka kasabay ng pagkawala niya nawalan na din akong magmahal ng iba" sagot ko naman ng may mapait na ngiti sa mga labi bago ko inisang inom ang alak na aking hawak.

Kinabukasan ay maaga kaming lumipad pabalik sa Pilipinas sakay ng private plane na pagmamay-ari ng pamilya ni Ryan. A year after our debut kasi ay nagkapatawaran na sila ng kanyang mga magulang. Ngayon ay sinusuportahan na nila si Ryan at the same time Ryan also make sure to spent some time to study about their family business.

Pasado alas-nuwebe na din ng umaga ng lumapad ang eroplano sa Cebu kung saan kami dumeretso. According to the agency kasi ay sa Cebu naka locate ang main office ng company na mag po-produce ng final concert ng grupo.

We want to talk to them personally to make sure na walang magiging problema sa concert. After all baka ito na din kasi ang huling concert ng grupo. Each of us has our own life now. Kinakailangan na din kami ng aming mga pamilya at negosyo kaya naman napagdesisyunan ng grupo na i-announce ang aming disbandment sa pinakahuling bahagi ng concert.

Pentagon Series 1: Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon