Chapter 12: Destiny's Heart

10 0 0
                                    

DESTINY HERNANDEZ

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa labas, nang tignan ko ang oras ay dali dali akong napabangon. Alas otso na pala, hindi man lang ako ginising ni Sir Chance, nakaka inis talaga yung lalaking yun.

Kapag hindi na naman ako nakapasok, babawas na naman ito sa sweldo ko. Hay nako talaga.

Sinuot ko ang tsinelas at lumabas ng kwarto, nang makarating sa sala ay ilang tao ang nadatnan ko, ang iba ay hindi ko kilala pero may mangilan ngilan na kakilala ko tulad ni Jett, Ash at yung girlfriend niya. Andito rin si Andreau, minsan siyang dumalaw dito kay Sir Chance at natandaan ko siya.

Sobrang ingay nila at tawanan ng tawanan. Sana ganito rin si Sir Chance para naman masaya lagi ang araw namin, hindi yung pagbusangot lang lagi ang alam niya. Hays, wala talaga siyang pag asa.

"What the fvck are you all doing here?!" speaking of, si Sir Chance na nakasimangot, kakalabas lang ng pinto ng kuwarto. Mukhang kakagising niya lang din, kaya pala.

Awtomatikong natigil ang ingay ng lahat ang tumingin kay Sir Chance.

"Did we wake you up?" tanong ni Hymn, minsan ay nasa office siya pero madalas ay sila Yhno at Shaun ang kasama ni Sir Chance.

"Fuck you Hymn! What are you doing here? At kumpleto pa talaga kayo? Kulang nalang isama niyo si Kade at Storm."

"Hi, sorry were late!" biglang bumukas ang main door at iniluwa ang dalawang lalaki. Ang isa ay nakangiti ang isa naman ay nakasimangot at nakapamulsa.

"Why Am I being dragged to this shit?" sabi ng taong nakasimangot.

"Ayan yung mga hinahanap mo." nakangiting tawa ni Jett.

Napatingin ulit ako kay Sir Chance.

"Fuck! What a bunch of idiots," hawak nya nya sa sintido niya. "Paano kayo nakapasok dito?" baling niya muli sa mga kasama.

"Pinapunta kami ni Kuya Cali, hindi na nga kami pumasok sa office, huwag na daw kami pumasok. Bakit nakalimutan mo ba ang araw ngayon?" si Yhno.

Napakunot ang noo ni Sir Chance. "What?"

"Are you for real?" tanong ni Shaun.

"What?! Ano bang meron?" tanong ulit ni Sir Chance.

Walang sumagot, nagkatinginan ang lahat. Nabasag lang ang katahimikan nang lumapit kay Sir Chance ang isa sa mga lalaking kaninang pumasok na nakasimangot. Tumigil siya sa harap ni Sir Chance at nagulat ako nang pitikin niya ng malakas sa noo si Sir Chance.

What the? Sino itong taong 'to at nagagawa niyang saktan si Sir Chance? Si Kuya Cali nga ay halos hindi ipadapo sa langaw ang kapatid niya.

"You fool!" isang pitik ulit ang ginawa ng lalaki at napahawak sa noo si Sir Chance.

"Damnit! Ano ba kaseng meron?" tanong ang binigay ni Sir Chance imbes na reklamo sa pagpitik sa kanya. Nangangahulugan na malaya siyang nasasaktan ng lalaking ito.

Nainggit ako bigla, sana ay magawa ko din kay Sir Chance 'yon kapag sinusungitan niya ako. Tss.

"Mapanakit talaga," biglang may nagsalita sa likuran ko na ikinagulat ko. Nakatingin siya kila Sir Chance at pagkuwan ay tumingin sa akin.

Chances of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon