DESTINY HERNANDEZ
"There she is, are you happy now?" naabutan kong nakasimangot ang may ari ng kumpanya habang may kausap na lalaki sa harap niya at mabilis kong napag-alaman na si Sir Nalu ito.
"Good Morning po," yuko ko.
"Oh, hi there Destiny," pakaway kaway pa na sabi ni Sir Nalu.
"Dad, can you please go? I have a bunch of work to do, you wouldn't help me anyway for sure," ngayon palang ay nagtataka na ako, mag ama ba talaga sila?
"Tss, masama bang dumalaw sa sarili kong kumpanya?" nagmaktol na parang bata si Sir Nalu at itinaas pa ang paa sa kabilang upuan.
"It's Tito Rhys, not yours."
"Ganoon na rin yun."
"Ugh, just go," pinigilang magkamot ng ulo ng anak at napahawak nalang sa noo saka napahilamos ng mukha.
Tumayo na si Sir Nalu. "Oo na, aalis na."
"Don't forget to erase that annoying videos of mine okay? I already did the favor and she's the living proof," pumaling siya ng tingin sa akin at tinignan din si Sir Nalu.
Favor? Anong favor ang pinagsasabi nito?
"Oo na, aalis na nga ako. Huwag mong kalimutan yung pinapabili ko sayo."
"Puwede namang ikaw ang bumili, or magpadeliver ka nalang, naiistorbo ako dahil sa isang box ng pizza."
"Wala akong pera."
"I'll pay okay?"
"Ikaw nalang din ang mag order."
At hindi na niya napigilan ang sariling napasabunot sa buhok.
"Ugh, oo na nga. Just leave okay?" parang baliktad yata ang nakikita ko, parang mas mature ang anak ni Sir Nalu sa kanya o talagang mainitin lang ang ulo niya.
Hindi na sumagot si Sir Nalu at nakangiting naglakad pero napahinto nang mapatapat sa akin.
"Good luck Destiny."
"Salamat po Sir Nalu."
"Just call me Tito Nalu."
"Daaad!" Napasigaw na ang isa kaya naman dali dali nang umalis si Sir Nalu. Napailing nalang ako at napatawa sa nakita ko.
"Unang pasok mo pa lang, late ka na?" agad na salita sa akin ng masungit na presidente ng kumpanya nang makaalis ang tatay niya.
Napawi ang ngiting dala dala ko mula sa apartment hanggang sa opisina nang sumalubong sa akin ang mala dragon niyang aura. Teka nga, late ba ako?
Tinignan ko ang digital watch na suot ko. Alas otso naman eksakto o baka naman late na ang relo ko, tinignan ko naman ang cellphone ko para makasiguro at alas otso rin ang nakasaad dito. Binalikan ko ng tingin ang masungit na lalaki sa harap ko at nginitian siya, ang plastic ko at gusto kong saksakin ngayon ang sarili ko.
"Sir, exactly 8:00 am pa lang po," malumanay kong sagot.
"Late ka ng 28 seconds," napanganga ako sa narinig.
"Po?"
"Pumasok ka sa pinto ng eksaktong alas otso at bente otsong segundo, huli ka pa rin," gusto kong mapairap sa kanya pero pinigilan ko ang makasalanan kong mata.
"Grabe, 28 seconds lang hindi pa pinalampas," bulong ko nalang.
"May sinasabi ka?"
"Ah, wala po," nakakainis naman ang lalaking ito, lahat nalang napapansin, magresign na kaya ako? Ugh.
BINABASA MO ANG
Chances of Destiny
General FictionRule number 3: "When things get rough to handle, let that shitty destiny do its job."