Chapter 2: You're Hired

98 9 1
                                    

DESTINY HERNANDEZ

"Girl!" napahinto ako sa pag-iisip ng bigla akong nilapitan ng bestfriend kong si Gia, muntik ng mabasag ang eardrum ko sa lakas ng sigaw niya tsk.

"Hi Gia," matamlay kong sagot.

Umupo siya sa tapat ko at sinimulang humanap ng oorderin sa menu.

"Naka-order ka na ba?" nagtanong pa talaga siya.

"Oo, ng tubig. Nagtanong ka pa talaga? Wala nga akong pera 'di ba? Hinihintay kita, lilibre mo ako sabi mo?"

Inirapan niya ako. "Sabi ko sayo umorder ka na 'di ba? Ibig sabihin isang oras ka na dito tubig lang ang hiningi mo? Nakakahiya ka talaga," kumibot pa ang bibig niya at nginusuan ako.

"Mamaya hindi ka dumating baka mapaghugas pa ako ng plato dito, ang mahal kaya ng pagkain dito," siguro ay may halong ginto nga ang mga pagkain dito, napakamahal. Hindi ka lang malulugi dahil guwapo ang mga crew at nagseserve.

"Favorite resto mo 'to di ba? Halos araw araw ka nga nandito sa Lili's 101."

"Dati 'yun nung may pera pa ako," naalala ko na naman, ang natitira kong pag-asa na pagtanggap ko sa trabaho ngayong araw akala ko matutupad na. Napayuko ako sa lamesa at pasimpleng inuntog untog amg sarili ko.

Ugh. Nakakainis talaga.

"Ano ba kaseng nangyari? Akala ko matatanggap ka? Ang yabang mo pa na ililibre mo ako sa unang sahod mo eh hindi ka naman pala pasado," napatunghay ako at tinignan siya ng masama.

"Hindi ko rin alam eh. 'Yun kase ang sabi sa akin ni Sir Nalu, pumunta daw ako sa company na 'yun at siguradong matatanggap ako, hindi naman pala."

"Bakit ka nga kase hindi natanggap?" hindi rin siya makulit, ayoko na sana pag-usapan ang pagkabigo ko ngayong araw.

"Ayaw niya daw ng pangalan ko, 'yun ang sabi nung presidente ng kumpanyang pinuntahan ko, " halos humaba ang nguso ko sa sinabi, ano ba kaseng problema sa pangalan ko?

"What? Dahil lang sa pangalan mo? What the hell? May sira ba siya?" baka nga may sira siya.

Kumibit balikat nalang ako sa tanong niya.

"Sino ba kase si Sir Nalu? Paano niya nasiguro na matatanggap ka sana doon?"

"Nakilala ko lang siya sa ospital, narinig niya kase yung usapan natin na naghahanap ako ng trabaho at nangangailangan daw ng secretary ang anak niya, hindi naman pala ako tatanggapin, ang sungit sungit guwapo pa naman sana," sumalumbaba ako sa lamesa at tinignan si Gia. "..may pera ka pa ba? Pautangin mo ako, wala na akong pangkain ngayong gabi," nag-iyak iyakan ako, alam ko namang eepekto padin sa kanya kahit na kunwaring iyak ang gawin ko.

"Ano pa bang magagawa ko? Sabi ko kase sayo doon ka nalang sa apartment ko tumira para hindi ka na mahirapan."

"Saka na," sagot ko at inayos ang pagkakaupo.

"Nahihiya ka?" tanong niya sa diskumpiyadong mukha.

"Saka na kapag pinalayas na ako sa tinitirahan ko, may natitira pa naman akong isang linggo bago ako mapalayas," napangiwi siya sa sagot ko. Muli akong napapikit, umisip ng paraan kung saan makakahanap ng trabaho.

Kung bakit ba kase, ugh.

"Bumalik ka na kase sa inyo, pinapahirapan mo lang ang sarili mo."

"Ayoko, hindi puwede. Nangako ako na magiging independent at siniguro ko na kaya ko ng sarili ko, kailangan patunayan ko iyon. Hindi ko kakainin ang sinabi ko. Never."

"Tss, eh paano ka nga kung wala ako? Independent ka pang nalalaman diyan," muli akong inirapan, sarap dukutin ng mata nitong si Gia, kung 'di ko lang siya bestfriend at kung 'di ko nauutangan ay nagawa ko na.

Chances of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon