DESTINY HERNANDEZ
"Dude, may sakit ka, umuwi ka na kaya muna," napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko si Yhno.
Nang lingunin ko siya ay nasa tapat siya ni Sir Chance, nakapameywang siya sa harap nito na tinalo pa ang pagiging nanay.
"I'm fine," sagot naman ni Sir Chance at iwinawagayway ang kamay na para bang pinapalayas si Yhno sa harap niya.
"Sino ba kasi may sabi sa 'yong sumugod ka sa ulan kagabi?" nanatiling nakatayo sa tapat niya si Yhno, walang balak umalis sa tingin ko.
Napatigil si Sir Chance sa ginagawa niya at tinignan ng masama si Yhno.
"Shut the fvck up okay?"
Ngunit hindi nagpatinag ang isa.
"Sumugod ka ba sa ulan para lang sapakin si Shaun ng walang dahilan?"
Sir Chance gritted his teeth out of irritation. "I have my reason."
"Then what is it?" I saw how Sir Chance clench his fist, then he stood up to face Yhno but he immediately hold onto his table for support while latching his head.
"See? May sakit ka nga bakit ba ayaw mo nalang sumunod? Let's go home Chance, don't be a baby."
Agad na napadilat si Sir Chance sa sinabi ni Yhno. "I'm not being a baby, damn you."
Yhno smirked. "Go home."
Doon ay wala nang nagawa pa si Sir Chance, sinukbit na niya ang coat at parang bata na sumunod kay Yhno.
"Destiny, ihahatid ko lang si Chance, maiwan ka muna dito. Babalik ako para samahan ka dito," paalam ni Yhno at tanging pagtango lang ang naisagot ko.
Nang makaalis sila ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang katanungan kung bakit nga ba sinaktan ni Sir Chance si Shaun. Ganoon ba talaga siya ka agresibo at kahit kaibigan niya ay nagagawa niyang saktan? Tsk. Hindi lang masungit, mapanakit pa.
Alas kwatro na nang makabalik si Yhno mula sa paghatid kay Sir Chance, isang oras nalang din at uuwi na ako. Tapos na ang mga gawain ko, hindi ko alam kung paano ko uubusin ang isang oras ko na natitira kaya naman nakiupo nalang ako sa tabi ni Yhno at naki-nood sa ginagawa niya.
Nagtaka ako nang makita ang panonood niya ng CCTV, kung hindi ako nagkakamali ay sa treasury department ito. Napatingin ako sa kanya nang bigla akong may maalala.
"Hobby niyo ba talagang magkaka-ibigan ang manood ng CCTV?" naalala ko nang mahuli ko si Sir Chance na pinapanood ang cctv ng kuwarto na tinutulugan ko.
Napalingon si Yhno sa tinuran ko. "What?" nagtaka, hindi agad na gets ang tanong ko.
"That," tinuro ko ang screen kung saan siya nanonood. "..hobby niyo talaga na manood ng mga ganyan?" minataan niya ako ilang saglit at pagkuwan ay parang may naalala at pasimple siyang napatawa.
"Ang panonood ng cctv na ginagawa ko ngayon ay mahalagang trabaho, pero ang panonood ni Chance ng cctv sa kuwarto ng tinutulugan mo ay hindi niya trabaho, sadyang nag-alala lang siya nang araw na 'yon."
Napalaki ang mata ko sa narinig. "Alam mo ang tungkol doon?"
Tumango siya na para bang wala lang ang tinanong ko sa kanya.
"Oo naman, lahat ng ginagawa ni Chance alam ko, kahit yata paghinga niya bilang ko eh."
Pasimple akong humanga, mabuti at may nakakatagal kay Sir Chance sa ugali niya, pero iba ang usapan namin ngayon at hindi dapat iyon kahangaan.
BINABASA MO ANG
Chances of Destiny
General FictionRule number 3: "When things get rough to handle, let that shitty destiny do its job."