DESTINY HERNANDEZ
It's Sunday today at walang pasok. Napagpasyahan ko nalang na pumunta kay Gia dahil wala naman akong gagawin sa unit. Mas mabuti narin na umalis ako para maka iwas iwas naman kay Chance. 7:00 am palang, mahaba haba pa ang oras. Aagahan ko na pumunta doon para naman kahit abutin ako ng gabi ay sulit ang pagpunta. Nakatapos na ako maligo at nagbibihis na ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Destiny? Are you there?" boses ni Kuya Cali ang narinig ko kaya dali dali kong tinapos ang pagbibihis at binuksan ang pinto.
"Kuya Cali, Good Morning," bati ko, ngayon lang ulit kami nagkita simula nung birthday ni Tita Lirie.
"Hi, Good Morning, nandito ba si Chance?" napakunot ang noo ko.
"Hindi po ba umuwi sa inyo kagabi?"
Umiling siya. "Wait," saka tinungo ang kwarto ni Chance at nagkakatok doon.
"Ano ba?!" at isang sigaw mula sa loob ang narinig namin.
Bakit ba hindi ko lagi namamalayan na dito siya natutulog?
"Just as I thought, he's here," Kuya Cali smiled, seems relieved.
Ilang segundo pa ay iniluwa na ng pinto ang pupungas pungas na si Chance. Asusual, he's wearing his boxer shorts, no shirt on. He doesn't seem so conscious of what he looks like in front of me.
"What? Ang aga mo naman mang-bulabog," simangot niya sa kuya niya, pero nasa mababang tono na.
"Aga mo namang badtrip," bati naman ni Kuya Cali sabay tawa. "..mind if I leave those three? May pupuntahan lang kami ni Rheiko," sambit ni Kuya Cali at saka tumuro sa bandang sala.
Saka ko lang napansin na may kasama pala siyang mga bata. King, Ace and Lulu waved to their uncle and Chance automatically changed from being furious to sweet human. Tss, ang plastic sa harap ng bata.
"Hi Tito Chance!" King, Ace, Lulu in unison.
"Hi!" kaway ni Chance, nakangiti. Ang plastic talaga.
Hindi na hinintay pa ni Kuya Cali ang sagot ni Chance dahil mukha namang pumayag na ito sa reaksyon palang niya.
"Okay, thanks. I gotta go, naghihintay si Rheiko sa baba," bumaling siya sa mga bata. "..Don't give Tito Chance a headache okay? We'll be back after lunch."
"Yes Daddy!" nakakatuwa at para namang nagpractice ang mga batang ito, laging sabay sabay magsalita.
Aalis na sana si Kuya Cali pero bigla ulit siyang pumaling kay Chance. "Yhno is blurting out something, he came to me last night together with Shaun, I didn't understand what they are saying, because they barge in to our house at 12:30 am, but I think they are trying to say that I should check the CCTV?"
Ewan ko ba, bigla nalang kaming nagkatinginan ni Chance sa isa't isa at bigla siyang namutla.
"What? May nangyari bang masama dito? May pumasok ba?" tanong ni Kuya Cali kaya napalingon ulit kami sa sa kanya.
"Not really, wag mo na pansinin yung dalawang yun," iling ni Chance. "..mga bwisit talaga," pahabol na bulong niya.
"Alright, see you then later. Thanks," humalik siya sa mga bata at tuluyan nang umalis.
BINABASA MO ANG
Chances of Destiny
Ficción GeneralRule number 3: "When things get rough to handle, let that shitty destiny do its job."