DESTINY HERNANDEZ
It's been a long tiring night. Halos 2 am na yata ako nakatulog dahil sa sobrang isip ng nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa ako makamove on sa nangyari. Iniisip ko pa lang na makikita ko ang ilan sa kanila mamaya ay natutuliro na ako.
Bumangon na ako at saglit na umupo sa kama at nag isip kung lalabas na ba. Walang pasok ngayon at mamayang 4:00 pm pa kami babalik sa company. Everyone is preparing for the event, some were off to get their dresses, some were off to get their hair and make up done, some were off to get a beauty treatment, while I am here hiding in the room and praying that Chance is not here anymore.
It was 10:00 am in the morning, nagpaka late na talaga ako magising dahil late na rin naman ako natulog.
Dahan dahan akong lumapit sa pinto, humugot pa ako ng malalim na buntong hininga bago iyon buksan. Kung makita ko man si Chance ay hindi ko nalang siya papansinin na parang walang nangyari, pasasaan pa at mawawala rin ang issue namin kagabi.
Pagbukas ko ng pinto ay wala akong nakitang Chance, may nakaiwan ng pagkain sa lamesa kaya tingin ko ay umalis na siya, sarado din ang pinto niya at hindi ko na tinignan pa sa loob. Nagawa niya pa talagang maghanda bago umalis. How I wish na walang pumunta dito kahit isa sa kanila. Magkukulong na lang ako sa kwarto hanggang sunduin ako ni Lucky mamaya.
Good thing it was a masquerade ball, makakapagtago ako ng mukha kahit papaano.
Medyo malamig na ang pagkain, siguro kanina niya pa niluto ito, maaga siguro umalis, ayaw rin siguro niya magkita kami.
--
11:30, isa't kalahating oras na akong payapa. Mabuti at walang nang-gugulo sa akin ngayong araw, natapos na rin ang ingay nila sa GC.
12:00 nang makita ko na tumatawag si Yhno sa messenger, tinignan ko pa maigi dahil baka sa gc na naman, nagka phobia na ata ako.
"Yes Yhno?"
"Hi Destiny," he giggled. "Hindi pa ba gising si Chance?" he giggled, again.
"Wala naman siya dito," nakakainis lang at mukhang di pa siya nakaka get over.
"Are you sure? tinignan mo na ba sa kwarto niya? Hindi ba kayo magkasama?" he once again giggled, no, not only him, I heard a bunch of giggling sound on the background.
Pinagtitripan ba nila ako?
Napatayo ako mula sa pagkakahiga ko sa couch, nasa sala ako at nanonood ng movie, pero ito at mukhang balak nila akong pagtripan ngayong araw.
"I told you wala---"
"You bunch of creeps, I'll see you later and I will send you to the deepest pits of hell," then he ended the call and handed the phone back to me.
Now, Chance is standing in front of me, half naked, with his wet hair, the water is still dripping on his body. He's just wearing his boxer shorts. Again.
Nakatingin siya sa akin na para bang walang nangyari kagabi. Tinutuyo niya ang buhok niya gamit ang tuwalya, naamoy ko pa ang aftershave sa kanya. Ngayon ko lang din napansin, ang nipis pala ng labi niya, parang babae. Inalis ko ang tingin sa kanya bago pa ako mawala sa ulirat ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Chances of Destiny
General FictionRule number 3: "When things get rough to handle, let that shitty destiny do its job."