DESTINY HERNANDEZ
"Grabe, napaka sungit niya talaga," bulalas ko nalang sa kawalan nang maalala ang ginawa ni Sir Chance kanina. "..pati si Lucky dinamay niya, lamang lang siya sa kagwapuhan pero sa attitude 'di hamak na mas lamang si Lucky ng isang daan sa kanya."
"Hi, we bumped into each other once but we don't have formal introduction, by the way I'm Lucky Evans, Destiny's friend," buti pa siya tinuring na akong kaibigan.
Tinignan lang ni Sir Chance ang kamay ni Lucky.
"Do we have to do this? I think, we don't have any reason to introduce ourselves to each other," then he left.
"Hay nako talaga!" Napapapikit nalang ako kapag naalala ang ginawa niya, nakakahiya kay Lucky, mabait na tao naman si Lucky kumpara sa kanya.
"Hoy! Ano ba? Kanina pa ako nagsasalita, nakikinig ka ba ha Destiny?" Muntik ko na rin makalimutan na kasama ko pala si Gia ngayon.
"Sorry," hingi ko ng paumanhin habang nahaba ang nguso.
"Ano bang problema mo? Sinong iniisip mo diyan? Ako nga kasama mo nasa iba naman 'yang utak mo," singhal niya na akala mo ay nagseselos na boyfriend.
"Sorry, ano nga ulit yung sinasabi mo?"
"Tito called me, umuwi ka na raw," saglit akong natigilan, tinignan siya.
"No way," mabilis kong sagot.
"But Destiny---"
"I said no Gia, you see? May trabaho na naman ako, mabubuhay na ako, makakabayad na ako sa utang ko, hindi ko na kailangang umuwi."
"Pero, hindi mo ba sila na-mimiss? I mean, ang tagal mo ng wala sa inyo, it's more than a month, papunta na nga yata sa taon eh."
"Knowing they are fine is enough, uuwi ako pero hindi pa siguro ngayon, 'wag na natin pag-usapan iyan puwede ba?" I beamed at her with threatening effect.
Mabilis niya namang nakuha ang ibig kong sabihin. "Okay, sabi ko nga eh. So, ano na ba ang balita sa'yo? I mean sa trabaho?" Bago niya agad ng usapan na ikinatuwa ko dahil hindi na niya babanggitin ang pamilya ko.
Mabuti nalang talaga at hindi sinasabi ni Gia sa kanila kung nasaan ako, siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko kaya naman siya lang lahat nakaka-alam ng nangyayari sa buhay ko. We've been together since grade school, sabay kaming lumaki, parehas ng school na pinasukan at nang maglayas ako sa amin ay pumunta rin siya sa lugar kung saan ako nagtungo at doon naghanap ng trabaho, iniwan niya ang kumpanyang pinagtatrabahuan niya para sa akin. Ngayon ay nangungupahan rin siya malapit sa akin na kahit di niya kailangang gawin ay ginawa niya para sa akin.
"Okay naman, masungit pa rin si Sir Chance as usual," sambit ko. "..teka nga, paano mo nga kase nalaman na doon na ako sa condo niya nakatira? Sino ang nagsabi sayo?" Naalala ko, wala naman siyang puwedeng mapagtanungan noon kundi ako lang.
Lumabi siya at tinignan ako. "Pumunta kase ako sa opisina niyo noong nakaraang araw, sabi absent ka raw at naabutan ko ang lalaking may pangalang Yhno, nasa condo ka raw ni Sir Chance at doon ka na raw titira, papunta pa nga sila doon sa condo, isinasama niya ako kaso may gagawin pa ako kaya hindi na ako nakasama. Oh ano? Mananahimik ka na?" Tumango tango lang ako matapos niya magpaliwanag.
"So si Yhno pala."
"Yes and cute siya, can I have his number?" Matamis na ngiti ang binigay niya at ipinikit pikit pa ang mga mata na ikinatawa ko.
"Gia," saway ko pero tinuloy niya pa rin ito.
"Fine, ibibigay ko na sa'yo ang number ni Yhno itigil mo lang yang ginagawa mo, nakakadiri ka," inirapan ko siya at sabunot naman ang inabot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chances of Destiny
Fiction généraleRule number 3: "When things get rough to handle, let that shitty destiny do its job."