DESTINY HERNANDEZ
"Lili? What are you doing here?" Tanong ni Sir Chance sa dalagang nakatayo, di kalayuan sa amin.
Ngunit hindi sinagot ng babae ang tanong. "I'm asking you who is she?" at masama muli akong tinignan.
Napalinga naman sa akin si Sir Chance at nilingon muli ang babae. "She's my secretary."
Kinilatis ako ng dalaga, tinitigan ng maigi at tinaasan ng kilay. "Are you dating with my Kuya?" napangiwi ako.
"Ha? Hindi 'no," umiling ako, todo tanggi, mabuti kung tagalan ko ang pakikipag date sa lalaking masungit na 'to kung sakali man.
"Okay, good. But why are you eating together just like a dating couple do?"
"Lili!" Sumaway si Sir Chance, ako naman ay hindi makasagot.
"Ah, hindi pa kase kami nakain, so kailangan naming kumain siguro 'di ba?" Sagot ko habang nakangisi ng nakakaloko.
"Ng kayong dalawa lang?" Mas tumaas ang kilay niya.
"Ah, puwede naman akong lumipat kung ayaw mong tabihan ko ang Kuya mo," tatayo na sana ako pero narinig ko ang pagtawa niya.
"Just kidding," ngiti niya at nilingon si Sir Chance, pinaningkitan ito ng mata at nilapitan. "..I know your type," sabay sulyap sa akin.
Tinignan lang siya ni Sir Chance at nagulat ako ng hilahin ni Sir Chance ang buhok nito pero mabilis na binitawan.
"Ouch! Kuya!" Reklamo nito na nagkanda haba haba ang nguso. Ewan ko ba, napangiti na naman ako, ang cute lang nila tignan.
"Nangingialam ka na naman sa kusina? Ano na namang ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?"
Tumindig muli ang babae at humalukipkip. "Bakit ba? Masama bang bantayan ang restaurant na mamanahin ko?"
What? Sa kanila ang resto na ito? Tinignan ko ng maigi ang dalaga, namukaan ko kaagad, siya ang kasama ni Sir Chance sa litrato na naka model sa Rhys Clothing, they really had a good genes indeed. Silang magkakapatid pala iyon, ang suwerte ng mga magulang nila.
"You wish Lili, hindi ipapamana ni Mommy ang Lili's 101 sayo."
"Lili's 101 says it all, Lili's," she ensured to emphasize the Lili's and I've got my tounge tied there.
Walang duda, sa kanila nga ang Lili's. Bakit lahat na yata ng biyaya ay na kay Sir Chance? Kaya pala, master na master niya ang lasa ng Chicken ala Abrielle.
"Tss, bahala ka sa buhay mo diyan," bumaling siya sa akin. "..Can I have a favor to ask Miss?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya.
"Can you please date my Kuya Chance? He's grumpy most of the time but I promised he will be a good boyfriend," at isang malakas na tuktok ang binigay ni Sir Chance gamit ang menu na hawak niya.
Isa rin pala siyang sadista.
"You little Lirie Elie, get out of our sight," singhal nito sa kapatid. Kumamot lang sa ulo ang dalaga at nananatiling nakatingin sa akin.
"Please heal Kuya Chance," the she left while humming.
"That dimwit girl," napahawak sa sintido si Sir Chance. "I'm sorry," hingi niya ng paumanhin.
"It's okay, she's cute though."
"Akala mo lang 'yun."
Napatawa nalang ako sa reaksyon niya, habang tumatagal ay mukhang nailalabas na niya ang mga reaksyon na tinago niya ng mahabang panahon.
BINABASA MO ANG
Chances of Destiny
General FictionRule number 3: "When things get rough to handle, let that shitty destiny do its job."