SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 111: #SHBonding

221 4 3
                                    


Buong buhay ko, never kong naimagine na mangyayari 'to, at never kong en-expect na dadating kami sa point na ito. Kung iisipin at babalikan ang mga araw nong mga Senior High pa lang kami, lahat kami magkakaaway at uso ang kompetensya sa pagitan namin. Pero sa mga nangyayari ngayon, walang mag-aakala na magiging ganito kami.

Sa dinami-rami ng mga estudyante sa Northford University at iisa lang ang canteen na meron kami, di maiiwasan na minsan may pagkakataon na sabay-sabay kaming nagbrebreak time at halos nagsisiksikan sa loob ng canteen, katulad na lamang ngayon. At dahil naubusan na ng table at iisang table nalang ang available, kaya napilitan nalang kami na magsama-sama. Tutal, malaki naman yong table at pangmaramihan kesa naman sa wala kaming maupuan.

Kung tutuusin, wala pa sa aming umuorder ng pagkain at kanina pa kami nagtitinginan sa isa't isa. Magkakatabi sila Gino, Z, Archie, at Poch sa kabilang sofa habang kami naman nila Tim, at Roxy ang magkakatabi sa isa pang sofa, magkakaharap lang din kami. Hindi ko tuloy maimagine kung gaano ka-awkward yong moment na'to, pero at least, hindi naman na ganon sa dati kabigat yong atmosphere sa pagitan namin.

"By the way, I have something for you pala, Sky. My mom bought me a new one kaya I don't need it anymore." Si Z na ang bumasag ng katahimikan at nagsimulang magsalita.

Nagtinginan nalang kami nila Roxy at Tim. May kinuha 'sya sa loob ng bag 'nya saka nya iniaabot sa'kin. Pero nong makita ko na lipstick lang pala, napabuntong hininga na lang ako.

"Salamat nalang sayo, Z. Hindi ako gumagamit ng ganyan. Kung meron mang mahilig sa mga ganyang bagay, si Ate Luna 'yon. Pero salamat pa din."

"Fine, Sky. It's so sayang naman."

Ito ang unang pagkakataon na makita kong nalungkot at na-dissapoint si Z dahil lang di'ko tinanggap yong bigay nya. Yong Zyra Aguerro na kilala ko 3 years ago, opposite sa Zyra Aguerro na nasa harap ko ngayon.

"Oo na, Z. Akin na. Susubukan kong gamitin para sayo." Syempre, kapatid ko pa din naman si Z. Ayaw ko naman na isipin nya na maarte ako.

"Omg, really?! Here, Sky. That's yours na." Buti naman happy na sya.

"What the hell, Z. Wala ka na bang ibang alam na e-regalo puro make-up talaga? Puro ganyan din yong bigay mo kay Luna before, at don sa mga friends mo sa US. Baduy!" Sabi ni Archie na mukhang iritado kay Z.

Kung dati, laging magkakampi 'tong dalawa, ngayon naman nagbabangayan na sila. Pero sigurado naman akong mahal na mahal ni Archie si Z. Sila lang naman dalawa palagi ang magkasama at magkakampi kahit noon pa.

"You're so mean Kuya!" Protesta ni Z sabay hampas kay Archie. "Wala ka namang ambag."

"Of course, Zyra! Boys don't use make up. Duuhh?"

Napapailing nalang sina Gino at Poch habang pinipigilang di matawa sa dalawang katabi nila sa sofa na parang aso't pusang nagtatalo.

"Guys, itigil 'nyo na yan." Awat ni Poch. "Baka mag-away pa kayo eh."

"Eto kasi si Zyra, nanghahampas." Sabi ni Archie habang inaayos yong sleeve ng uniform 'nya.

"Because it's your fault kaya, Kuya. Sky likes it naman eh. Di'ba, Sky?"

"O-Oo naman."

Hindi ko naman talaga gusto pero nagpapasalamat pa din ako. Hindi naman kase ako mahilig sa make-up. Isa pa, ayaw ko din ma-offend si Z kasi ako na nga 'tong binibigyan, tatanggi pa ba ako?

"EXCUSE ME LANG AH" Biglang nagsalita si Roxy na napatayo sa upuan. Napatingin tuloy kaming lahat sa kanya. "So, ano 'to? Bonding-bonding ganon? Wala pa bang bibili ng pagkain sa inyo? Kasi ako nagugutom na'ko."

SENIOR HIGH FANFIC Where stories live. Discover now