SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 123: #SHWhatIfs

305 7 6
                                    


Simula ng sabihin ni mom na buhay pa si dad, simula non almost every night kong napapanaginipan si dad. I don't understand kung bakit paulit-ulit nalang nyang sinasabing he will comeback and that dream keep repeating again and again. Totoo kaya yong sinabi ni mom? Is he really still alive?

And because hindi ako mapakali and feeling ko may something wrong, may mga inutusan akong tao upang hanapin kung saan nakalibing yong bangkay ni dad. And I even told them na hukayin yong puntod at e-check kung may laman ba sa loob. At kanina lang, I received a message from them na nakita na nila kung saang lugar nakalibing si dad, that's why I'm in a hurry na magpaalam kay Sky because I wanted to finish my class early para puntahan kung saan mang lugar yon. I wanted to find out the truth kung talagang buhay si dad. I wanted to see it with my own eyes.

Sky was shocked when I suddenly kissed her on the cheek. It's not the first time that I did that, I don't know, It's just I can't help it. I know naman na I still love Luna and she will always be in my heart but I already moved on from her and I wanted to give my heart a chance to like someone else at parang feeling ko si Sky yun. Gusto ko naman talaga si Sky noon pa pero pinigilan ko lang yung sarili ko because I'm not the one she likes, it was Obet. But now, my feelings for her are coming back again. Hindi ko sigurado kung magugustuhan din nya ako but I wanted to try. Gusto kong subukang sumugal sa isang taong hindi ko sigurado kung magugustuhan din ba nya ako, but I want to. When it comes to love, hindi naman talaga madali ang lahat.

..

..

..

"Ok class, since your examination day is near, I would like to remind everyone to review all the lessons that we tackled kasi lahat yan lalabas sa exam nyo. And another thing is, after our examination day, maybe next week, your training will start. So be prepared and I hope everyone will do their best. Have a nice day!"

Pagkatapos non lumabas na si Prof sa classroom at sakto break time na din. Mapapabuntong hininga ka nalang talaga knowing na kailangan ko nanamang magpuyat at magreview ng mabuti para maipasa yung exam.

"Sky, ikaw ba? Ready ka na?" Tanong ni Roxy habang inaayos yung gamit nya sa loob ng bag nya.

"Hindi ko alam, Roxy. Pero gawin nalang natin siguro kung ano yong makakaya na'ting gawin."

"Tama ka dyan, Sky. Tara na sa library."

Napatingin ako sa kanya.

"Sa library?"

"Oo. Magrereview na tayo agad-agad."

"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng sa bahay nalang?"

"Edi ako. Ako gusto kong mag-review kaya samahan mo 'ko."

Tapos non tumayo na sya sa upuan habang hinihintay ako. Naka-crossed arms pa sa harap ko.

"Oo na, Roxy. May choice pa ba ako?"

Kaya tumayo na din ako saka ko kinuha yong bag ko para sumama sa kanya sa library. Okay din naman yong naisip nyang gawin kesa tumambay kami sa canteen.

"Oo nga pala. Akala ko ba may sasabihin ka sa'kin?"

Bigla kong naalala na may sasabihin pala si Roxy sa akin kanina. Hindi lang natuloy kasi dumating na yung Prof namin.

"Ah, oo nga pala!" Ngayon lang din nya naalala. "Kami na ni Archie."

Napahinto ako saglit sa paglalakad habang napataas pa yung mga kilay ko sa sinabi nya. Nasa hallway na kami palabas ng faculty building.

"Seryoso?" Hindi lang ako makapaniwala.

"Oo nga kasi, Sky. Yun yong- yun yong gusto kong sabihin sayo. Wala ee. Hindi ko na napigilan yung sarili kong ma-fall sa mga pangbubudol nya kaya ayun, kami na ngayon."

SENIOR HIGH FANFIC Where stories live. Discover now