Sinabi ko naman noon na hindi ko mahal si Archie at wala akong feelings for him. Hindi ko din naman inakala na hahantong sa ganito yung buhay ko. Basta ang alam ko lang, lahat yun ginawa ko para sa baby ko. At wala akong balak na bigyan ng responsibilidad si Archie kay Summer dahil isang pagkakamali lang naman yung nangyari sa'ming dalawa. Pero ayun, hindi rin nasunod yung mga plano ko at kinain ko lang din lahat yung mga sinabi ko noon.Pagkatapos ng dinner, sinamahan ko na muna si Summer sa room nya hanggang sa makatulog sya. Tapos non lumabas na ako pero kahit anong gawin ko hindi pa din ako makatulog kaya tumambay na muna ako sa kusina. Ewan, masaya naman ako na naging kami na ni Archie at nagkaroon ng something new sa'ming dalawa. Pero.. hindi pa din maalis yung takot at pag-aalala ko para kay Summer lalo na kapag nalaman na ng mom ni Archie yung about sa relationship namin ng anak nya tsaka sa anak namin ni Archie. What if kunin nila yung baby ko sa'kin? Ayaw ko mangyari yun. Hindi ako makakapayag.
Punong-puno ng what ifs yung isip ko kaya nagulat ako nong bigla nalang mag-notif yung phone ko. Someone texted me kaya na-distract ako. Agad ko namang cheneck kung sino yung nagtext tapos nanlaki yung mga mata ko nong makita ko yung message ni Archie.
From: Maligno
Hi, boss. Gising ka pa?Napaisip ako saglit kung rereplayan ko ba o hindi. Pero sige, mareplayan na lang.
To: Maligno
Boss? Sino yun?"Tapos non nagreply din sya agad.
From: Maligno
Ikaw. May iba pa ba?To: Maligno
Anong trip yan, Archimedes Aguerro?From: Maligno
What do you want me to call u then? Love? Babe? Darling? Honey? Wifey? Or something else?Napaikot nalang yung mga mata ko sa dami nyang alam. Pero oo na, inaamin ko, napangiti ako sa text nya.
To: Maligno
Just Roxy.From: Maligno
Just Roxy?To: Maligno
May problema ka?From: Maligno
Wala naman. But i prefer to call u boss.To: Maligno
Ang corny mo, Archie.From: Maligno
I don't care. I love you, boss.Anak naman ng teteng, o. Wala na, kinikilig na ako. Nakakainis. Ang hirap pigilan.
To: Maligno
SalamatFrom: Maligno
What the hell? Salamat talaga?To: Maligno
Jowk lang. Oo na, I love u too.From: Maligno
Goodnyt, boss.To: Maligno
GoodnytFrom: Maligno
Yung goodnyt kiss ko bukas nalangTo: Maligno
Asa ka. Bye.From: Maligno
😐💔😢Tapos non di ko na sya nereplayan. Napailing nalang ako ng ulo sa mga emojis na senent nya. Ang dami talagang alam.
"Ehem!"
Jusko Lord, nakakagulat naman. Aatakihin ako sa puso ng dahil kay Ate Ria. Bigla-bigla nalang lumilitaw.
"Ate naman. Papatayin mo ba ako sa gulat?"
"Ano yan, ha?" Tanong nya saka sya umupo sa vacant chair na nasa harapan ko. "Kanina ko pa napapansin na kinikilig ka. So, what's the tea?"
"Para kang si Kenji. Lagi nalang gusto updated sa buhay ng ibang tao." Sagot ko kay Ate sabay inom ng tubig.
"Ano ka ba, Roxy? Ate mo 'ko kaya dapat lang na updated din ako. So, ano nga? Kayo na ba ni Archie? Aminin mo."
YOU ARE READING
SENIOR HIGH FANFIC
FanfictionSenior High is a series about young people (Gen Z) tackling different problems of today's generation. It was aired and produced by Dreamscape Entertainment and ABS CBN that has been ended last January 19, 2024. You can watch the Season 1 and Season...