"Mukhang glowing ka ngayon, a. So, ano ng status nyo? Umamin ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Ate Ria habang busy sya sa paghahalo ng pagkain ni Summer.Muntik tuloy akong mabilaukan sa iniinom kong tubig.
"Anong aaminin? Walang ganong naganap, Ate."
"Eh, bakit kasi hindi mo na aminin sa kanya yong totoo mong nararamdaman? Para hindi ka na nahihirapan."
Napabuntong hininga na lang ako saka ako umupo sa mesa para tikman yong niluto nya.
"Hindi pa kasi ako sure, e. Ewan, naguguluhan pa din ako."
"Hay naku, Roxy." Napailing nalang ng ulo si Ate. "Kung ako sayo aamin na ako. Eh, don din naman yong punta nyo. Ano ka ba? Tsaka, okay naman si Archie para sa'kin. Mukha namang sincere sya sa mga pinapakita nya sayo, sa atin. Lalong-lalo na kay Summer, sa baby nyo."
"Alam ko naman yun, Ate. Hindi pa siguro talaga ako ready sa ngayon. Ang alam ko lang.. napapasaya nya naman din ako."
"Oo na. Di na kita pipilitin sa kung anong gusto mong gawin. Basta nandito lang lagi ako naka-support sa inyong dalawa ng pamangkin ko. Tawagin mo na kaya yong mag-ama mo. Ready na 'tong pagkain ni Summer."
"Sige, Ate. Salamat. Oo nga pala, nagdinner na kami ni Archie sa labas kanina. Sorry, di kita na-informed. Biglaan kasi."
"Ano ka ba? Okay lang. Sus, may pa-dinner-dinner date na kayong nalalaman, a. Umamin na kasi."
Hindi man kami sinuwerte sa magulang, at least, masasabi kong I have the best Ate. Sya na yong tumayong nanay at tatay ko simula noon. Masaya akong naiintindihan nya yong kalagayan ko sa buhay, at kung ano ba yong nararamdaman ko. Honestly, may point naman si Ate sa sinabi nya. Agree ako don. Pero ewan ba dito sa puso at isip ko, hindi sila parehas ng sinasabi. Sa ngayon, masaya ako na patuloy pa din si Archie sa pagiging epal at pangbubudol nya sa buhay ko. Naiinis ako sa kanya pero sige, oo na, gusto ko din naman yong mga ginagawa nya for me at para sa baby ko.
Paglabas ko ng kusina, nadatnan ko yong dalawa na naglalaro sa sala. Nakasakay si Summer sa likuran ni Archie habang umaakting sya na parang kabayo. Tuwang-tuwa naman yong baby ko habang nakikipaglaro sa daddy nya. Hindi ko nalang din maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Ang cute lang. Ang saya-saya kasi nilang tingnan.
Maya-maya pa, napansin ako ni Archie na nakatingin ako sa kanila. Saglit syang huminto sa paglalaro saka sya ngumiti sa akin. Bahagya ko nalang din syang nginitian. Tapos bigla kong naalala, pinapatawag nga pala sila ni Ate Ria. Bakit kasi nagiging marupok ka nanaman Roxy? Kalmahan mo ng kunti yong self mo, please. Wag ka munang papabudol sa mga ngitian ng isang Archimedes Aguerro na 'to.
"Uuh, Archie, sorry sa pang-eestorbo pero... kailangan ko ng kunin si Summer. Prenepare na ni Ate yong pagkain nya kaya kailangan nya ng kumain tapos.. diretso na syang matutulog pagkatapos non."
"Ah, ganon ba?" Tumayo na sya saka nya kinarga si Summer. Hinihingal pa sya dahil sa paglalaro nila. "Okay lang. I'll be going na din naman. So, pa'no? Daddy have to go now, baby. See you next time."
Nalungkot bigla si Summer saka nya niyakap ng mahigpit si Archie.
"But I'm going to miss you again, daddee. I'm sad."
Nagtinginan kami ni Archie. Hindi ko din alam kung pano ko ipapaliwanag.
"It's okay, baby. Daddy is gonna comeback naman." Sinusubukan ni Archie na e-comfort sya saka nya niyakap din ng mahigpit si Summer. "And next time, we're gonna play again."
"Promise?"
"Yes, baby. Promise."
Tapos non nagyakapan ulit silang dalawa na parang wala ng bukas.
YOU ARE READING
SENIOR HIGH FANFIC
FanfictionSenior High is a series about young people (Gen Z) tackling different problems of today's generation. It was aired and produced by Dreamscape Entertainment and ABS CBN that has been ended last January 19, 2024. You can watch the Season 1 and Season...