SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 132: #SHPretend

236 4 18
                                    

"Ano na, Uno? Kumusta na yung pinapagawa ko sayo?"

Yun ang bungad ni Governor Acosta the moment na makapasok ako sa office nya. Pinatawag nya ako sa mga tauhan nya para kausapin ako tungkol sa pinapagawa nyang mission sa akin. Si Z at Sky ang unang pumasok sa isip ko.

"Okay naman ang lahat, Gov. Unti-unti ko ng nakukuha ang loob ni Z."

He sipped wine from his glass and laughed at me.

"Magaling! Magaling! Yan ang gusto ko sayo. Masunuring bata." Tapos lumapit sya sa'kin para tapikin ako sa balikat. "How about that Sky Love Cruz?"

Si Sky...

Honestly, kung meron mang magpapahirap sa mission ko, si Sky yun. Hindi sila magkatulad ni Z. Hindi ganun kadali kunin ang loob ng Sky Love Cruz na 'yun.

"About kay Sky.. medyo malabo."

Wala syang sinabi after that but I know na hindi nya nagustuhan. Bumalik sya sa upuan nya na mukhang nagngingitngit sa galit. 

"Di bale na. Ako na ang bahala sa Sky Love Cruz na yun."

"May bago ba kayong plano?"

"Ganon na nga." Ssgot nya sabay lag-ok ng alak. "Dahil mukhang malabong mahulog sa patibong ang babaeng yun. Kilala ko si Sky. Palaban. At hindi basta-basta nagpapatalo."

Hindi na ako nakaimik after that. I don't know but I suddenly feel worried for Z. Alam ko namang obsessed si Gov sa kanya pero may magagawa ba ako para pigilan si Gov sa mga plano nya? I'll be dead.

..

..

..

THE NEXT DAY

Hindi pa din maayos yung pakiramdam ko. Hindi pa din ako okay. Pero pinilit ko pa ring bumangon ng maaga para magprepare ng breakfast. Halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang bigat ng loob ko kay Poch. Ang totoo nyan, kung hindi lang ako pinigilan ni Poch kagabi baka don muna ako nakitulog kina Tatay.

Maaga pa naman kaya nag-decide ako na magluto ng fried rice, bacon, tsaka ng sunny side up egg. Dinagdagan ko na din ng sausage kasi naalala ko na favorite yun ni Poch.

"Tim.. Galit ka pa ba?"

Saglit akong napahinto sa ginagawa ko nong biglang magsalita si Poch at marinig ko yung boses nya. Saktong hinahanda ko na yung mga pagkain sa lamesa nong magising sya. Tapos bigla ko nalang naalala yung mga pangyayari kagabi.

[flashback]
Pinigilan ako ni Poch na umalis. Niyakap nya ako ng mahigpit kaya wala akong nagawa kundi mag-stay. Umiiyak na ako kasi sa sobrang galit at sama ng loob ko sa kanya. Pero never nya akong binitawan. Niyakap lang nya ako hanggang sa maging okay ako. Kahit galit ako sa kanya at hindi kami okay, magkatabi pa din kaming natulog sa kama. Sa kabilang side ako tapos sa kabilang side din sya. Hindi kami nag-uusap. Hanggang sa lumipas yung mga oras at walang kumikibo niisa sa amin. Halos mabingi ako sa sobrang tahimik ng paligid. Yung pakiramdam na alam mong may kasama ka pero hindi mo maramdaman na nandon sya.

"Tim?" Tawag ni Poch. Maybe to check kung tulog na ako o hindi pa. "Tim, gising ka pa? Let's talk."

Oo, gising pa ako dahil hindi naman ako makatulog. Naririnig ko sya pero hindi ko sya pinapansin. Pinikit ko nalang yung mga mata ko to pretend na natutulog na ako.

"Tim?" Tawag ulit nya. Pero kahit nakapikit yung mga mata ko, ramdam ko yung mga pagkilos nya. In my mind, naiimagine ko sya. Inangat nya yung katawan nya para silipin at tingnan yung mukha ko. "Tim... Tim? Tim?"

Ilang beses nyang binanggit yung pangalan ko pero ayaw ko pa din syang pansinin. Ayaw ko pa din syang kausapin kaya pinili ko nalang na magpretend na natutulog na ako.

SENIOR HIGH FANFIC Where stories live. Discover now