Nakakagulat lang na halos lahat kami nakita na namin si Uno pero ngayon lang kami nagkakaalaman sa isa't isa. Hindi naman imposibleng mangyari yun dahil nasa iisang University lang namin kami halos lahat nag-aaral pero hindi lang talaga namin maiwasang magtaka."Pati ikaw, dude?" Tanong ni Poch kay Archie nong sabihin nyang nakakita din daw sya ng lalaking kamukha ni Obet.
"Yeah," Sagot ni Archie saka sya nagdagdag ng iba pang mga detalye. "I was at the parking lot that time coz I'm waiting for Z to finish her class. And then, it just happened that I saw that guy. I thought I was being haunted. And now you're telling me that guy is a real person? Not a ghost?"
"Ganon na nga, Archie." Sagot ko sa tanong nya saka ako napabuntong hininga.
"What the hell? He really looks like Obet." Dagdag ni Archie.
"Sinabi mo pa. At hindi lang basta kamukha, a. Kundi kamukhang-kamukha. As in copy paste na copy paste!" Sabi naman ni Roxy.
"Then, what are you guys up to? I heard you're planning something?" Tanong ni Archie.
"Kung ano man yung mga plinaplano namin, wala ka na don. Okay?" Sagot ni Roxy sa kanya. "Baka mamaya i-budol mo pa kami. Malay na'ten di 'ba? Baka tropa mo din yung Uno na yon, ipapahamak mo pa kami."
Napakunot naman ng noo si Archie sa mga sinabi ni Roxy.
"The hell you're talking about? Anong tingin mo sa'kin walang character development? I even don't know who the hell is that guy!"
Hindi naman mapigilang matawa ni Poch kay Archie.
"Calm down, dude. Gusto lang naming kaibiganin yung Uno na yun para masagot yung mga what ifs namin."
"Seriously?"
"O, bakit? May iba ka bang idea?" Sabat ni Roxy kay Archie.
"Wala. But I can definitely find someone who could do it. I can pay. Just tell me if you need my help."
"Hay naku, Archie. Ayan ka nanaman sa mga I can pay- I can pay mo na yan. Palibhasa kasi mayaman at mapera ka. Pwes di na kailangan. Kaya naman naming magtulungan. Magsasayang ka pa ng pera."
"Well, for you I can do anything. You're my boss." Sabi ni Archie sabay akbay sa balikat ni Roxy.
"Tigilan mo nga ako, Archie. Ang corny mo." Nahiya bigla si Roxy kaya agad nyang tinanggal yung braso ni Archie na naka-akbay sa balikat nya.
Nong una, akala ko mae-stress ako dahil sa papalapit na examination day. Mas nakaka-stress pa pala 'tong mga kasama ko ngayon. Kung hindi sobrang sweet sa isa't isa, nag-aaway naman. Pare-pareho silang mga aso't pusa. Ang hirap naman maging single sa pamilyang 'to.
"Hindi pa ba tayo magrereview?" Tanong ko sa kanila.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa akin.
"Ay, oo nga pala, Sky. Sorry." Sabi ni Roxy sabay dampot ng reviewer.
Ganon din sila Tim at Poch. May kanya-kanya kaming dalang reviewers.
"O, ikaw? Wala kang planong magreview?" Tanong ni Roxy kay Archie na pinapanuod lang kami sa mga ginagawa namin.
"Yeah, I know. Can you wait?" Agad namang kinuha ni Archie yung reviewer nya sa loob ng bag nya.
"Buti naman, Archie."
"Uh, Tim... Patulong naman dito, o. Please?" Sabi ni Poch saka nya ipinakita yung reviewer nya kay Tim.
"Ang alin?" Hindi naman makatanggi si Tim at agad nyang tinulungan si Poch. "Ito?"
YOU ARE READING
SENIOR HIGH FANFIC
FanfictionSenior High is a series about young people (Gen Z) tackling different problems of today's generation. It was aired and produced by Dreamscape Entertainment and ABS CBN that has been ended last January 19, 2024. You can watch the Season 1 and Season...