ONE WEEK LATER
Happy birthday to you.
Happy birthday to you.
Happy birthday, Happy birthday..
Happy birthday to you.Blinow ko yung candle sa cake ko pagkatapos nila akong kantahan ng birthday song. Birthday ko ngayon at di ko en-expect na may pa-surprise cake agad sila paggising ko palang ng umaga. Isang taon nanaman ang lumipas sa buhay ko. I'm always grateful sa mga bagay at blessings na narereceive ko.
"Ano yong wish mo?" Tanong ni Nanay pagkatapos kong hipan yung cake ko.
Masaya ako na umuwi si Nanay para e-celebrate yung birthday ko. Tinawagan ako ni Tatay kahapon na dito na muna kami ni Poch makitulog sa bahay kaya sobrang saya ko na buo kami ngayon. Simula nong naging kami ni Poch, naging parte na din sya ng pamilya ko. Kaya I feel so blessed na kasama ko sa kaarawan ko yung mga taong importante sa buhay ko. Although, hindi pa kami ganon ka-okay ni Poch, ayaw ko pa din syang kausapin tungkol don sa bagay na pinag-awayan namin, pero at least supportive pa din sya always sa mga bagay na alam nyang makakapagpasaya sa akin.
"Syempre secret yun, Nay." Tugon ko na may halong biro. Nasa hapag-kainan kaming lahat para mag-umagahan. May pasok pa kami ni Poch pero buti nalang maaga pa.
Nagsitawanan nalang sila sa akin.
"Ako, Tita? Di nyo ba ako tatanungin kung ano yung wish ko for Tim?" Tanong ni Poch kay Nanay. Oo, close na sila sa isa't isa.
Natawa nalang si Nanay sa mga hirit nya. Epal din talaga minsan, ee.
"O sya, sige. Ano ba yang wish mo Poch para kay Tim?"
Huminto ako saglit sa pagkain para tumingin kay Poch na katabi ko kumain. Si Nanay at Tatay naman nakaupo sa kabilang side ng lamesa.
"Wish ko.." Tinitigan ako sa mata ni Poch habang sinasabi nya yung mga wishes nya para sa'kin. "Wish ko magkasama pa tayo ng matagal. Good health. And I hope more birthdays pa yung mae-celebrate natin together. Whatever makes you happy, do it, Tim. I'm always here to support you. I love you the most."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga sinabi nya. Naluluha yung mga mata ko sa sobrang heartwarming at comforting nong mga words nya.
"Salamat, Poch."
Nagtitigan kaming dalawa na parang pakiramdam ko kaming dalawa lang yung tao sa mundo. Ewan ko ba. Ang sarap titigan ng mga mata ni Poch. Parang may magnet na hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap ialis nong mga mata ko sa kanya.
"Ehem!" Nakakagulat naman si Nanay. Naputol tuloy yung moment naming dalawa. "Ang sweet naman."
Medyo nakaramdam ako don ng hiya. Ganon din si Poch.
"Ee, Tim, saan mo ba balak e-celebrate yung birthday mo mamaya?" Tanong ni Tatay.
"Uh.." Saglit kaming nagtinginan ni Poch saka ko ulit ibinaling yung tingin ko kay Tatay. "Balak po sana naming e-celebrate sa bar mamayang gabi. In-invite ko din po sila Sky. Tsaka po yung ibang friends namin sa Northford."
"Ah, ganun ba?" Tugon ni Tatay habang tumatango sya ng ulo. "Mabuti kung ganon. I hope mag-enjoy ka sa birthday celebration mo, anak. Lagi mo lang tatandaan na nandito lang kami ng Nanay mo para suportahan ka. Kayong dalawa ni Poch."
"Salamat, Tay." Nginitian ko silang dalawa ni Nanay. Wala na akong mahihiling pa. Dati akala ko maghihiwalay na yung mga magulang ko kaya sobra akong natutuwa na pinili pa din nilang mag-stay sa isa't isa.
"Salamat po, Tito." Nagpasalamat din si Poch sa kanila.
"O sya, sige. Kumain na. At baka ma-late pa kayong dalawa sa pagpasok." Change topic ni Nanay pero obviously concern yung tono ng pananalita nya saka nya inilapit sa amin ni Poch yung mga pagkain sa mesa.
YOU ARE READING
SENIOR HIGH FANFIC
FanfictionSenior High is a series about young people (Gen Z) tackling different problems of today's generation. It was aired and produced by Dreamscape Entertainment and ABS CBN that has been ended last January 19, 2024. You can watch the Season 1 and Season...