SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 126: #SHParty

231 5 8
                                    


Sinabi ko naman kay Tita Becca na simpleng ayos at make-up lang yung gagawin namin ngayong gabi para sa party pero hindi pumayag si Mama. Gusto daw nyang ako ang maging pinaka-maganda at agaw atensyon sa party. Mapapabuntong hininga ka nalang talaga kasi wala akong magawa para pigilan si Mama sa gusto nya. Hindi lang talaga ako sanay na magmukhang yayamanin ang hitsura, mas gusto ko ang simple lang. Pero heto, pinagsuot ba naman ako ng pink dress na madaming kumikinang-kinang na design-- mashadong feminine. Tapos medyo kinulot ng bahagya ni Tita Becca yung mahaba kung buhok saka nya nilagyan ng pink ribbon sa tuktok. Tapos fresh peachy make-up for my face at silver glittery sandals para sa pang-ibaba ko.

7:30 ng gabi magsisimula yung party kaya 7 pa lang inihatid na ako nila Mama at Papa sa venue. Kapit-bahay lang naman ng Northford University yung bar kaya familiar sa'kin yung lugar.

"See you later, nak." Nakangiting paalam ni Mama. Masaya sya kasi nasunod yung gusto nya. "Ang ganda-ganda talaga ng anak ko. Enjoy ka dun, ha?"

"Yes, Ma. Ingat kayo sa pag-uwi."

"Tawagan o e-text mo nalang kami ng Mama mo kapag gusto mo ng umuwi. Susunduin ka namin."  Sabi naman ni Papa.

"Sige, Pa. Bye po."

Tapos non umalis na sila ni Mama. Napabuntong hininga nalang ako knowing na mahaba pa ang gabi at marami pang bagay ang mga mangyayari. Nakaka-excite lang na ewan. Pero sige, kahit hindi ako comfortable sa suot ko, e-enjoyin ko nalang siguro 'tong gabing 'to. Lilipas din naman ang oras.

"Huy Sky!!"

Nagulat ako nong bigla nalang may sumigaw at tinawag ang pangalan ko.

"Roxy?"

"Oo, Sky. Ano ka ba? Nag-ayos lang at gumanda ng kunti hindi mo na agad ako nakilala? Grabe ka naman. Pero ang pretty mo tonight, infairness. Para kang barbie." Sabi ni Roxy na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Nakasuot naman sya ng black glittery fitted dress na off shoulder sa itaas tapos may kasamang black elegant na gloves. Naka-braded bun naman yung ayos ng buhok nya tapos black na sandals. Muntik ko na tuloy syang hindi makilala kasi sobrang bagay sa kanya. Maganda din naman kasi si Roxy.

"Hi, Sky." Bati ni Archie na nakatayo sa likuran ni Roxy na parang akala mo body guard. Magkasama pala silang dalawa ngayong gabi.

"Hi din sayo, Archie."

Bumagay naman yung suot ni Archie na all black suit sa suot ni Roxy. Mag-jowa nga naman talaga. All black silang dalawa.

"Uh, si Z pala, hindi mo kasama?" Tanong ko kay Archie nong mapansin kong hindi nya kasama si Z.

"Nah. She's already inside the bar hanging out with her friends."

"Tsaka ano ka ba, Sky? Nandito tayo para mag-enjoy. Mag-party, di 'ba? Hayaan mo na yun si Z. Malaki na yun."

"Oo na, Roxy. Alam ko naman yun. Tara na nga. Pasok na tayo." Tapos non niyaya ko na sila na pumasok na sa loob.

"Ay buti naman, Sky. Akala ko tatambay lang tayo dito sa labas." May pa-side comment pa si Roxy.

"Grabe ka naman." Wala na akong ibang masabi dito kay Roxy kaya hinampas ko nalang sya sa braso.

Pagkatapos non, dumiretso na kami sa table. Grabe, sobrang yaman pala ng President ng Northford University kasi nagawa nyang magpa-party ng bongga para lang sa mga exam passers. Sobrang laki nong bar at sobrang magara nong mga designs sa loob. Aakalain mong ball party or prom night yung loob ng venue.

"Want some drinks?" Bigla kaming inaya ni Archie ng inumin. "Ako na kukuha."

"Sure ka ba, love?" Tanong ni Roxy sa kanya.

SENIOR HIGH FANFIC Where stories live. Discover now